24

58 2 13
                                    

9.24.xx

A one shot story

[...Okay lang 'yan maraming pang iba dyan—]

"Ano ka ba! Okay lang 'to. Kaya ko pa naman ‘ah? Ako pa ba? Strong ‘to ‘eh." ngumiti ako ng mapait. Alam ko namang kaya pa naman. Kakayanin ko pa nga ba?

[Basta. Nandito lang ako ha? Alam mo naman 'yon diba?]

"Oo naman. Sige na. Baka dumating na siya." binaba ko ang tawag at sabay inom ng hot choco. Mag dadalawang oras na akong nag aantay dito. Naka tatlong hot choco na nga ata ako at nakailang order ng fries.

"Miss, ito na po yung order niyong Chicken Salad Sandwich." sabi ng lalaking waiter sabay lagay sa table ko. Habang pinagmamasdan ko ang sandwich na inorder ko ay biglang may sumagi sa aking utak. Kumagat ako sa sandwich kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

❀ ❀ ❀

Magkahawak kamay ang lalaki at babae. Masaya silang naglalakad papunta sa isang coffee shop.

Tinanong ng babae kung anong gustong kainin ni Reu. At napag desisyunan nilang umorder ng sandwich. Chicken Salad Sandwich—kulay blue ang wrapper, may lettuce, mayo at syempre ang chicken at iba pang pampasarap na sangkap. Umorder rin si Reu ng drinks nila. Matcha Green Tea Crème Frappe. Ang paborito ng lalaki. Pinunasan ng lalaki ang gilid ng labi ni Angelica. Ngiti lamang ang naging tugon ng babae kasabay ng mainit nitong yakap. Sabay sabing mahal na mahal niya ang lalaki ganoon din ang tugon nito sa dalaga.

Napangiti ng mapait sa kawalan.

Ang saya siguro ng ganyan? Na para bang magyayakapan lang kayo at di na maghihiwalay sa bisig ng isa't isa.

Naghiwalay lang sila ng yakap ng dumating ang drinks na inorder nila. Nagkulitan ang dalawa at nagharutan.

Sobrang saya nila tignan dahil pati ang kanilang mga mata nila ay kitang kita mo ang ngiti. Abot tenga na nga ang mga ngiti nila sa labi. Kung pagmamasdan mo rin ay kita sa mga mata nila ang init ng pagmamahal nila sa isa't isa. Masarap pagmasdan ang mga ngiting ganyan lalo na sa araw na ito. September 24.

❀ ❀ ❀

Stripes na itim at puting sapatos. Isinuot na ni Reu ang regalo ko sa kanya.

Sa mall ding ito nabili ang regalo. Tinanong ni Reu kay Angelica kung anong kulay ng sapatos ang bagay sa kanya. Tinuro ng babae ang itim na sapatos. Pagkatapos no'n ay binayaran na nila ang sapatos at pumunta sa kabilang bahagi ng mall.

Tinignan ni Angelica ang necklace na nakita niya—rose gold at may pendant na buwan. Napakaganda nito. Isinukat ng binata ang necklace kay Angelica at bumagay ito sa mala porselanang kutis ng babae. At pinaulanan niya ito ng halik sa buhok.

❀ ❀ ❀

Napahawak ako sa pendant ng aking kwintas na niregalo ng mahal ko. Araw. He said I'm his sunshine. His happy pill. Natawa ako sa pag aalala sinabi niya iyon sakin. Napaayos ako ng upo nang makita kong nakatayo na pala ang taong kanina ko pang hinihintay.

"Kanina ka pa? Sorry na lowbat kasi ‘yong phone ko." rason niya habang nakatingin sa kanyang telepono.

Ngumiti ako at umiling, "Hindi naman. Actually, kararating ko lang kanina. Maupo ka! Anong gusto mong orderin ko?" tugon ko.

Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Siya kasi ang first boyfriend ko ‘eh. Limang taon na nga kami ngayong araw. September 24. Ang araw kung kelan sinagot ko siya.

9.24.xxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon