Cacodemon

9 0 0
                                    

-

June 25

Normal na araw lang naman ngayon sabado at wala kaming klase.

Eksakto alas diyes ng umaga ay nasa bookstore/coffeeshop na agad kami ni Harry.

"Tanginaaaa" sambit nito habang humahagalpak ng tawa. "Bakit dito? Seryoso kaba? Dito mo yayayain makipagdate ang isang babae? Sa bookstore? Ganyan ka pala? Di ka sweet."

Sambit nito habang patuloy na tumatawa, halos maiyak na sya sa kakatawa. Sinabi ko kasi sa kanya na yung nagugustuhan kong babae ay gusto ko yayaing kumaen at magbasa dito.

"Ano bang masama don? Saan ko ba dapat dalhin yung babaeng nagugustuhan ko?" Inosente kong sambit.

"Hindi naman masama kaso nga lang ang babae kasing nagugustuhan dapat dinadala sa sweet, romantic, ideal date of place nila. Walang hiya ng hina mo naman."

"Saang lugar naman yang ideal date of place na yan?"

"Sa......"

"Tignan mo wala ka ding alam!" Ani ko na may halong pangaasar.

"Teka nga... sino ba kasi yang babae? Sya ba?" Sambit nito habang tinuturo yung waiter na nagseserve ng order.

Napatingin naman ako sa babaeng hindi katangkaran, maiksi ang buhok at bahagyang natatakpan ng buhok nya ang kanyang kaliwang mata.

"Cute din sya, pero hin--" Agad kong naputol ang sasabihin ko ng maghuhumiyaw si Harry.

"Ate cute ka daw, ano daw pangalan mo?" Agad ko syang pinahinto sa ginagawa nya.

"Hoy tumahimik ka nga! Mamaya palabasin ako dito di nako makabalik dito ko pa naman sya madalas ma--"
Naputol na naman ang sasabihin ko ng pumasok ang babaeng nagugustuhan ko sa pintuan ng shop.

Lumakad ito sa harapan namin at agad ko naman itong sinundan ng tingin. Mahaba ang itim na itim na buhok nito na naaabot sa kanyang bewan. Magaganda din ang mga mata nito na nakatago sa kanyang reading glasses. Matangkad at maganda ang hubog ng katawan. Matangos ang ilong at maliit ang labi.

"Alis na ako. Sa monday nalang tayo magkita sa school goodluck sa walang kasweet sweet mong date." Pangaasar ni Harry habang lumalakad palabas ng shop.

Nakita ko namang omorder ng kape ang babae at kumuha ng libro at agad na naupo sa upuan. Napatitig lang ako sa angking kagandahan nito, sa di inaasahang nagtama ang aming paningin. Agad akong yumuko sa sobrang kahihiyan, ano ba naman.

Nang medyo pakiramdam ko ay nawala na ang aking hiya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakita kong nagbabasa sya ng mga libro na gusto ko ding basahin. Tila ba nabuhayan ako ng dugo ng makita ko ito, may topic ako na maioopen.

Tumayo ako at lumapit sa kanya, tinanong ko sya about sa libro at writer na paborito nya. Agad din kaming omorder ng pagkain pero hindi sya kumakain umiinom lang sya ng kape.

"Pansin ko hindi ka ganon kadami kumaen no?" Tila nagulat sya sa tanong ko.

"Ah.. eh.. sa totoo kasi nyan nagdadiet ako ngayon. Hmmm.. excuse me punta lang ako cr." Ani nito at agad na dumiretso sa banyo.

After nyang makabalik ay pinagpatuloy namin ang aming usapan at di namalayan na gabi na pala. Naglakad kami palabas at inihatid ko sya sa establishment kung saan ang daan papunta sa nasabi nyang address nila.

"Hmm.. Ken, sa lugar namin doon nababalita yung mga pinapatay ng mga cacode. Kapag naglalakad ako sa labas namin matinding panginginig ang nararamdaman ko." Napaluhang sambit nito.

"Sige samahan nalang kita maglakad hanggang sa inyo." Alok ko dito nagsimula na kaming maglakad at nagsimula din akong magkwento tungkol sa buhay ko para hindi naman boring.

"Nahilig ako sa pagbabasa ng libro noong bata ako kasi laging naguuwi si papa ng libro kapag wala sila sa bahay at ako lang naiiwan, nagbabasa nalang ako. Pero namatay din si papa. Si mama naman namatay noong grade 6 ako. Solo akong naninirahan ngayon pero pinagaaral ako at sinusuportahan ng tita ko." Pagkukwento ko.

"Dito tayo." Ani nito atsaka kami lumiko sa eskinitang madilim. Nang makarating kami sa gitna ng kalsada ay huminto ito.

"Reah, kung okay lang. Pwede bang magkita tayo ulit?" Nahihiyang sambit ko.

"Alam mo Ken.." Bahagya itong lumapit at itinuon ang ulo sa aking dibdib. "Dati pa kitang napapansin na madalas kang tumingin sakin." Inangat nya ang ulo nya saaking balikat. "Gusto kita Ken.. gusto kitang kainin." At sa pagsambit nya ng huli nyang kataga ay nagbago ang boses nito. Nagtunog halimaw ito na nagpalaki ng aking mata at agad na tumayo ang aking mga balahibo sa kilabot na aking nararamdaman.

Kinagat nito ang aking balikat dahilan para umagos ang aking dugo. Hindi ako makaramdam ng sakit sa nerbyos na nararamdaman ko.

Bahagya itong lumayo saakin agad naman akong kumapit sa balikat ko na tuloy tuloy parin ang pagdurugo. Nakakaramdam narin ako ng kirot na ikinalambot ng tuhod ko, nakita ko rin na nagiba na ang mata nito. Pula na at meron ding ugat na pula sa pisngi na nakarugtong sa mata nito.

"Alam mo ba, pinapatay ko ang taong di tumatakas."  Pagkatapos non ay agad na may lumabas na apat na galamay na pula sa likod nito. Tila ba galamay ng octopus.

Napatakbo ako sa sobrang takot ko habang palabas ako ng eskinita at naramdaman kong may humiklat sa damit ko at hinihila ako pabalik sa dimonyong babaeng yon. Nageextend yung galamay nya, agad akong inihagis sa tila lumang warehouse sa likod nya. Tumilapon ako sa pader atsaka ako nahulog sa sahig.

Matinding sakit ng katawan ang naramdaman ko sa paghagis nya saakin. Pakiramdam ko hindi ko na kayang bumangon sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nakaramdam na din ako na umaagos ang dugo sa aking mukha.

Naririnig ko syang tumatawa habang papalapit saakin, nang tangkang tatapusin nya na ang buhay ko ay bigla itong nabagsakan ng tangke na puro wirings. Napapikit ako sa matinding sakit na nararamdaman ko, at tuluyan ng nawalan ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I met the devil in meWhere stories live. Discover now