Epilogue: Jump Ball.
Dominique Michelle Alcantara
"Dominique, calm down." Bulong sa'kin ng Tita ko habang dinadala ako sa delivery room.
Ngayon na ang kabuwanan ko. Meaning, I'm going to deliver my baby now. As in NOW.
Hindi maalis sa isip ko ang mga posibleng mangyari. What if I bleed too much? What if magkaron ng complication ang baby? What if hindi ko kayanin?
Kapag may mangayari lang sa kahit alin sa mga naisip ko, my life and my Baby's life is going to be in danger. Kung pwedeng ako lang, eh. Pero madadamay pati ang anak ko. At hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon.
"Hush, Baby. Andito ako." Pagpapakalma sa'kin ni Jhester habang hinahaplos ang buhok ko. May suot itong scrub, head cap at fase mask.
Tumingin ako sa gallery at nandon sila Daddy at Mommy, pati na din ang parents ni Jhester. Si Kuya naman ay dinadaluhan si Ate Cassandra na halatang kinakabahan na.
Kung si Ate kinakabahan, pano pa kaya akong manganganak?
"Ahhh!" Sigaw ko nang maramdaman ko ang contraction ko. Baby, excited ka? Excited na din ako pero wag naman sana sobrang sakit.
My Tita gave me an instruction on when to push na sinunod ko naman. May intern na humahawak sa tyan ko, habang si Tita ay chinecheck ang opening ko down there, tinitignan if my crowning na or kung lumabas na ang ulo ng baby.
"Dominique, I can see the Baby's head. Continue pushing when you felt the contraction. Breathe in then push, okay? Doctor Laurenti, how's the baby?"
Hindi ko na narinig ang sagot ng intern na nakabantay sa monitor kung saan nakalagay ang BP ng batang nasa sinapupunan ko dahil malakas akong sumigaw nang maramdaman kong muli ang malakas ng paghihilab sa tyan ko.
I swear to God, ayoko ng magkaanak ulit.
Hinawakan ni Jhester ang kamay ko at madiing pinisil ko ito sa tuwing sumisigaw ako. Ang sakit, I feel like I'm being burn alive. Parang binabali ang lahat ng buto ko ng sabay sabay, nakakamanhid pero sobra pa ding sakit.
"Dominique, one last push. You can do it!" Sabi ni Tita.
Si Jhester naman ay pinagpatuloy ang paghaplos sa ulo ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Sumigaw ako ng pagkalakas lakas hanggang sa maramdaman ko ang sakit ng paglabas ng Baby sa akin.
Nanghina ako. Napasandal ako sa kinahihigaan ko at napatingin ako sa kawalan. Unti unting lumalabo ang paningin hanggang sa tuluyan ng magdilim ang lahat kasabay ng pag-iyak ng aking anak. My Baby Zach.
"Baby Zach," malambing na bigkas ko sa tatlong taong gulang kong anak.
Haynako, ang bilis talaga ng oras. Tatlong taon na kaming kasal ni Jhester tapos tatlong taon na din ang Baby namin.
BINABASA MO ANG
Basketball Love Affair 4: Jump Ball
General Fiction"A boy and a girl can never be just friends, one of them will DEFINITELY fall for the other.. but in this story, where love game strikes, where fate is playing with the players.. when they both love each other, but they just wanted to stay as friend...