CHAPTER 1

7.4K 38 4
                                    


Si Patrick ang may pakana bakit ko 'to isinulat, libre niya raw ako ng gym for three months para sa balik alindog project ko at dahil alam niya ang sakit ko as manunulat, may libre daw akong 2 months supply ng red Marlboro. At dahil cheap akong kaibigan, I will grab it hahaha.

By the way, kathang isip lang po ang storyang mababasa niyo, altough totoong naranasan ko ang lahat ng mga nangyari dito, especially yung part na seven years akong tanga. Anyway, hindi ko na inedit ang lahat, kung may grammatical error man, sorry na, kayo na magaling haha joke. Intindihin niyo na lang. Sa mga may gusto naman ng storyang maraming bastusan, hintay lang. O sige na, simulan niyo nang magbasa, sorry ang daldal ko.

To RFC,

Pitong taon na ang nakalipas pero mahal pa rin kita. Putang ina mo! Kahit one night stand lang, okay nako. Huhuhaha. Bye!

----------------------------------

It's already 2AM and I'm lying in bed with nothing but the idea of what could have been's, I guess missing someone and not being able to see them is the worst feeling ever. Do you agree with me? Yung feeling na wala ka nang ibang magawa kundi magbalik tanaw sa mga araw na nagsasama pa kayo, pero ang totoo niyan, wala namang kayo. Shit! There isn't a day that goes by where I don't think of him. Nagsimula akong magbilang sa isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, hangang pito! Pitong taon! Pitong taong pangungulila, pitong taong umaasa, at pitong taong nasasaktan. Hindi ko naman din siya sinisisi, pero hindi ibig sabihin niyan wala na siyang kasalanan. Initially, it was not his fault that I fell for him, it became his when he started playing the game. When he told me he's not just in it for the win. I could have played the game of Patrick, baka ngayon masaya ako. But again, I can never blame him, hindi naman siguro niya kasalanan kung hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka move on sa kanya, baka nga hindi na niya ako kilala. Pero pag ganito ang nararamdaman mo, ano ba usually ang ginagawa? Pano ba talaga mag move on? yung effective ha! 'Wag yung naka base lang sa Google, kase lahat ng yun, ginawa ko na! Pero fail pa rin.

Should I find someone new? Magpaka pokpok, ganun? I feel like I'm waiting for something that is not going to happen.

I was their friend, it all started 7 years ago. I was first year college, both of them are graduating. I was 17, sila naman ay 21. I joined their acting club, Kuya Roy was the president at si Kuya Rence naman ang vice president. Unang tingin ko pa lang sa kanila during the interview, alam kong mag jowa na sila. The way they look at each other made me wish I had my own.

************

"So, tell us something about yourself." Seryosong panimula ni Kuya Rence, hindi man lang naka ngiti. Diba dapat naka ngiti? Para naman mawala nerbyos ng mga nag o-audition.

Naka upo lang silang dalawa at nasa harap naman ako't naka tayo. Hindi kalakihan ang silid pero kasya ang limang tao at sound proof. So kahit na magsisi-sigaw ako dito for the audition, hindi ako maririnig sa labas.

Huminga ako ng malalim at salitang tiningnan silang dalawa sa mata.

"Hi, ako nga po pala si Jay. 17 years old at nag babakasakaling maka sali sa inyong organization" Diretsong sagot. Hindi ko man lang nagawang ngumiti, nakaka badtrip kase.

"Yun lang?" Diretsong tanong ni Kuya Rence. Hindi muna ako naka sagot, ngayon ko lang naalala, ako pala may kailangan sa kanila, so dapat mag pa impress ako.

"Wala akong kapatid, prolly the reason why I like joining clubs, it allows me to experience the things that I never have. I like reading books and watching movies, usually Oscar nominated films. I'm also very critical about them, I like to talk mostly about books, movies, music, artists and politics." I stopped after seeing Kuya Roy na naka titig lang sa akin. It made me uncomfortable, ang gwapo niya kase!

Someone Else's Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon