Simula

96 0 0
                                    


Nagpaalam ako kay mommy at bumaba na ng kotse. Napatigil ako sa harapan ng gate ng school. Madaming estudyante ang nagsisigawan at nagyayakapan sa loob at labas ng gate tila ba hindi nagkita ng ilang taon. May mga diretsong pumasok na sa gate, may mga nagkwentuhan sa harap ng guard at may mga walang pakialam.  Matapos ko sila tignan ay tinitigan ko ang mga puting letrang nakaukit sa bandang itaas ng gate, St. Apollo's Academy.

"Aphro!!" napalingon ako sa narinig kong sigaw. Napangiti ako at kumaway sa kanila. 

"Kanina ka pa namin tinatawag pero mukhang dinadamdam mo pa ata yung gate ng school." natatawang sambit ni Agatha nang makalapit ako sa kanila. Nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Namangha ka ba dahil bagong pintura yung gate, Aphro?" dagdag ni Audrey at muli silang nagtawanan.

"Mga baliw, tara na nga." ang tanging nasabi ko.

"Teka, wala pa si Ari." 

"Parang hindi ka naman nasanay, nasa babe time pa yun. Tara na." tumawa kami at pumasok na sa loob. 

Unang araw ng klase ngayon kaya madaming estudyante ang maagang pumasok. Dumiretso na kami sa room na nakalagay sa schedule. Nang makadaan kami sa may cafeteria ay nakita namin sa labas si Ariana kasama ang boyfriend nitong basketball player. Gulat siyang lumingon sa amin at nagpaalam kay kuyang basketball player.

"Hi mamshies!!" bungad niya at niyakap kami isa-isa.

"Hindi mo pala boyfriend si Ryan huh?" tinaasan siya ng kilay ni Agatha. 

"Grrr, hindi ko nga jowa si Ry!!" tinignan namin siya, "I mean, hindi pa!" sabay-sabay kaming napairap sa kanya.

"Ayun, kailan mo balak jowain? Ha, Ariana Blythe?" nagkibit-balikat ito.

"Mali, ang tanong kasi diyan, kailan mo ba balak magseryoso Ariana ha?" tanong ko at kumapit sa braso niya. Tinignan niya ko ngunit bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Audrey,

"Pag nanligaw na daw si Brylle." nagtawanan kami sa sinabi ni Audrey.

"Oh, ayan na pala Ari oh! Sila Brylle." napalingon kami sa tinuro ni Agatha, "Hi brylle!!" kumaway siya kay Brylle at nginitian naman siya nito. Si Brylle ang kaibigan naming mula sa ibang section. Hindi siya ganon kalapit sa akin pero naguusap naman kami. Dahil boyfriend ni Agatha ay isa sa tropa ni Brylle kaya nakakasama namin minsan ang tropa nila. Umirap si Ari at nagsalita. 

"Nakakahiya ka, tara na nga. Kadiri kayo, sa dinami-dami si Brylle pa talaga huh? Seryoso ba kayo?" tinawanan namin siya at diretso na kaming nagpunta sa room.


----

"Goodbye and thank you, Miss." umupo ako at tumungo. Tapos na ang huling klase namin.

"Aphro, hoy gaga ka!! Namiss kita." lumapit sakin si Yanna at niyakap ako. SI Yanna ay kaklase ko simula pa junior highschool kaya isa talaga siya sa malapit kong kaibigan.

"I miss you too!! Kamusta na?" bumitaw siya sa yakap.

"Okay lang naman, nagiging okay na." tinaasan ko siya ng kilay at napatango ng mapagtantong broken nga pala siya. 

"Biruin mo yun, magkaklase pa din tayo. Jusko ka, panglimang taon na 'to ha!" pagiiba ko ng usapan. Tumawa siya. Nagtuloy ang kwentuhan namin habang nagaayos ako ng gamit.

"Sige na guys, uwi na kayo. May pag-uusapan lang saglit ang officers." sabi ng class president namin. Niyakap akong muli ni Yanna at nagpaalam na siya. 

"Bye sexytary!! Hintayin ka namin sa baba." sambit naman sa akin ni Ariana. Inirapan ko siya at tinawanan niya ko. Nang makaalis ang iba ay nagsimula na ang maikling meeting ng officers. Makalipas ang sampung minuto ay pinauwi na din kami ng president.

"Bye guys, ingat sa pag-uwi!" pamamaalam ko at lumabas na ng classroom. 

"Hey?" napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng isang lalaki. Oh wait, I knew this boy. Sino nga ba ito?

"Ako ba?" paninigurado ko, tumango siya at nilapitan ako. Inabot niya sa akin ang isang paper bag.

"What's this?" I asked him. 

"Tignan mo para malaman mo. May nagpapaabot lang," tinignan ko siya ng mabuti at tinaasan ng kilay. "di ka ba magtha-thank you?" 

"Wow? Okay, thank you kuya?"

"Kuya?" He laughed. The fuck, nawawalan siya ng mata pag tumatawa, "just Kevin. You're welcome Aphrodite Celine, meme girl." then he left. The fuck, how did he know my name? 






TG Series 1: If I only knewWhere stories live. Discover now