ISANG MATAMIS na ngiti ang pinakawalan ni Leo pagkababa niya ng kotse. Agad na sumalubong sa kanya ang kanyang ina at niyakap siya nito. Nangingiting niyakap din niya ang ina.
"Leo! Mabuti naman at naisipan mong dumalo sa kasal namin ni Nikki!" Ani Enzo at ito naman ang yumakap sa kanya. Step-brother niya ito. Muli kasing nag-asawa ang ina niya matapos ang anim na taon simula nung mamatay ang ama niya dahil sa sakit. Hindi naman naging mahirap sa kanya ang tanggapin sina Enzo at Tito Albert dahil napakabait ng mag-ama. Agad rin niyang nakasundo si Enzo dahil pareho sila ng mga hilig at magkasing-edad rin sila.
Namatay ang ina ni Enzo sa isang vehicular accident noong labing tatlong gulang pa ito, iyon ang napag-alaman niya sa pamilya nito. Kasamang namatay ang nakababatang kapatid nitong babae sa aksidenteng iyon.
"Of course, I wouldn't miss your wedding." Nakangiting sabi niya rito. Ang nalalapit na kasal nito ang dahilan kung bakit umuwi siya ng Pilipinas galing sa Amerika. "Speaking of wedding, sigurado ka na ba sa desisyon mo? May pagkakataon ka pang mag-back out." Biro niya na ginantihan naman nito ng pabirong suntok sa braso.
Three years ago, nakilala nito ang girlfriend at fiancée nang magbakasyon ito sa Pilipinas. Simula kasi nung ikasal ang mga magulang nila, nag-migrate ang kanilang pamilya sa Amerika. Sumama si Enzo maliban na lang sa kanya. Noong mga panahong iyon kasi ay narito ang babaeng pinakamamahal niya, whom he thought was his everything. But now she was no longer part of his life.
Don't go there, babala niya sa sarili. 'Wag mo ng isipin pa ang mga masasakit na alaala.
Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Tara na't pumasok na tayo sa loob." Wika ni Enzo. "Baka may magustuhan ka sa mga bridesmaids ni Nicole, sabihin mo lang sa akin ha?"
Tumawa si Leo. But seriously, that was the last thing he had in mind.
"ROYAL WEDDING ba ito o hindi?" Komento ni Brenna, nakangisi pa itong humarap sa kanya. Share sila ng room sa malaking beach house na pagmamay-ari ng fiancé ng kaibigan nilang si Nicole kung saan idadaraos ang beach wedding nito isang linggo mula ngayon. Nasa Sta. Ana, Cagayan ang beach house at pareho silang bridesmaids ni Brenna sa kasal ng kaibigan kaya andun sila.
"Medyo exaggerated naman kung tatawagin mo itong royal wedding. Mayaman lang talaga ang mapapangasawa ni Nicole." Sagot ni Karma sa kaibigan.
Masayang nilundag nito ang malambot na kama at nagpagulung-gulong doon. "Sa tingin mo may kapatid kaya si Enzo? Dahil kung meron, pwedeng akin na?" Tumawa pa ito sa sariling joke.
"Ba't hindi mo kaya tanungin si Nicole?"
Biglang bumangon ang kaibigan niya mula sa pagkakahiga at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Oo nga. Ba't hindi ko tanungin si Nikki?" Sabi nito at tinungo ang pinto.
Nalaglag ang panga ni Karma. "Akala ko nagbibiro ka lang?" Pahabol niya rito ngunit tumawa lang ito bago isinara ang pinto. Naiiling na lang siya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang mga damit sa built-in closet.
Ang totoo, si Brenna lang talaga ang kaibigan niya since college. Si Nicole at si Brenna ay magkaibigan sa trabaho at magka-roommate din ang dalawa sa inuupahang apartment. Naisipan ni Brenna na mangupahan ng apartment malapit lang sa pinagtatrabahuan nito. Isa kasi itong department head ng isang pribadong kompanya. Pareho sila ng trabaho ni Nicole, sa ibang department nga lang ang huli. Siya naman ay isang interior decorator at nangupahan rin siya malapit lang sa opisina niya. Nakilala niya si Nicole dahil paminsan-minsan ay bumibisita siya kay Brenna. Friendly si Nicole kaya madali lang niya itong nakasundo.
BINABASA MO ANG
Loving Karma [COMPLETED]
RomanceHindi inakala ni Leo na makikita niyang muli si Karma Camille Reyes, ang ex-girlfriend niya. It's been three years since he last saw her, at marami na ang nagbago rito. Ang mataas nitong buhok noon ay maiksi na ngayon. And she was no longer the smil...