Entry 22~ Goodbye.

75 4 4
                                    

<ACE'S POV>

Yay :> Anniversary namin bukas! :) Ang bilis naman at biruin mo, mahal parin namin ang isa't isa. :"> Pero aaminin ko medyo wala nang oras si Dale saakin. Dahil nga kay Sammy na nasa ospital. Nandito ako ngayon sa mall. Nagpagupit ako. Mahaba na kasi yung buhok ko. Pero nakita kong showing parin yung The vow! I can't believe it. Matagal na namin tong gustong panuorin ni Baby eh! :">

Calling.. Baby..

Dale: Oh baby napatawag ka?

Ako: Baby, nasa mall ako ngayon. Tara panuorin na natin yung The Vow! Showing parin siya *Happy tone*

Dale: Uhm. Baby sorry hindi kasi makakapunta si Tita Sharie dito kaya walang magbabantay kay Sammy. Sorry baby. Napanuod ko na din yan eh baby.

Ako: Sinong kasama mong nanuod?

Dale: Ah eh si Sammy. Ang kulit kasi niya eh. Sorry talaga baby.

*END OF CALL*

Hindi ko na siya sinagot :( Para akong nanlambot. Hindi niya ako masamahan, wala siyang oras saakin, Hindi niya maiwan si Sam. Pero bakit ganun? Alam ko namang kailangan niyang gawin yun eh. Pero paano na ako? :( Siguro mababaw lang para sa iba pero parang nag-iba si Dale. TT__TT Sana naman hindi niya makalimutan yung anniversary namin dahil hindi ko na alam ang iisipin ko :(

Kahit naman hindi ako sinamahan ni Dale eh pinanuod ko parin yung The Vow. Hindi pa siya nangangalahati pero umiiyak na ako. Ang saya ng mga bida  sa pelikula. Pero ako, andito ako.. Mag-isa. Mas mahalaga ba talaga ang bestfriend sa girlfriend?

(Scene sa The Vow)

Leo: How do you look at the girl you love and tell yourself it's time to walk away?

Paige: I hope someday I can love you the way you love me.

Naiiyak ako lalo. Nakikita ko ang hinanakit sa mga mata nung lalaki. Huhuhuhu <////3 Bakit ganito? Parang heartbroken ako pero hindi naman. 

Umuwi ako at natulog nalang dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi man lang niya ako chineck kung okay lang ba ako. Sabagay, wala naman akong sakit eh kaya bakit niya ako tatanungin kung okay lang ako :( Sheeez.

Anniversary pa naman namin bukas and parang wala lang. T__T Sana paggising ko eh panaginip lang pala ito.

**

HAPPY ANNIVERSARY DALE AND ACE!!! -AUTHOR :)

Happy nga ba?

**

Maaga akong nagising. Masaya naman ako kahit paano dahil hindi niya nakalimutan na Anniversay namin ngayon dahil binati niya ako. :"> Paulit-ulit kong binabasa yung text niya. Oo sa text lang. Pero atleast diba.

'Goodmorning baby ko, asawa ko, future ko, mahal ko. Happy Anniversary. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko at mga magagawa ko. Sana hindi ka magsasawa saakin. Baby konting tiis pa. Baby alam mong ikaw lang ang mahal ko diba? Kaya sana wag mo akong papakawalan. Dahil hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Happy 12months baby. I love you so so much.

Meet me later at 5pm sa ***** Restaurant okay? I love you!!! :)'

Ang saya ko na ^____^ Ako pa ang nagluto sa breakfast namin na ikinabigla naman ng mga katulong at ni Manang Helen :D

*toktok*

"Hala! Hi Ate Charie! Napaaga ata ang dating mo! Namiss kita" *hug*

"Naku si tatay kasi nag-aalala siya sayo dito at wala ka masyadong kasama. Kaya pianpunta na niya ko dito."

Lalo naman akong sumaya dahil may makakausap na ako sa bahay kahit papaano. :) Pero infairness namimiss ko na si Eythan. Nasa Palawan daw siya eh. Hindi ko alam pero nagbabakasyon daw siya doon.

**

Dumaan muna ako sa mall para bumili nung bagong labas na watch and I know na gustong-gusto niya yon. Excited na ako!!! :D

Papunta na ako sa **** Restaurant at napaaga ata ako ng 30minutes dahil sa excitement ko. Hahahaha. Pero okay lang. I can wait!! =))

"Hi maam, can I have your order?" tanong nung waitress.

"I'm waiting for someone. Can you give me water instead?" sabi ko.

"Okay maam." 

Tingin naman ako ng tingin ng orasan ko. 5:05pm. 5minutes na pero wala padin siya. Late siguro. Traffic kasi ng ganitong oras eh. Hintay pa ako saglit.

"Maam, do you want something else?" lumapit ulit saakin si waitress. Napansin ata niya na wala padin ang kasama ko.

"Pahingi ulit ako ng tubig." sabi ko

6:00pm. Wala parin siya? </3 Umalis na ako sa restaurant at binigyan ko nalang ng tip yung babae at umalis na ako. I can't believe him. I can't believe this is happening to me. :'( Nasaan na ba siya? Nasa ospital? Kasama yung Sammy na yon?!!!!

**

@The Hospital

Pupuntahan ko si Dale para makausap ko siya. I don't know kung tama ba itong gagawin ko. Buti nalang alam ko ang kwarto ni Sam. Nung malapit na ako sa room eh medyo nakabukas pintuan at naririnig ko si Sam at Dale. What the?! Nag-uusap lang sila kaya hindi ako pinuntahan ni Dale?????

"Dale.. Wag mo akong iwan.. Hindi ko kaya.." sabi ni Sam. Anong ibig sabihin niya?

"Pero Sammy, mahal ko si Ace. Anniversary namin ngayon------ Ah! Late na ako! Sabi ko pa naman magkikita kami ni Ace. Sheeeez!!! Sammy sorry kailangan ko munang umalis." Pero hinila ni Sam si Dale at biglang.... THEY KISSED. 

THEY KISSED..

THEY KISSED </3

How do you look at the person you love and tell yourself it's time to walk away? Paulit ulit na nagpplay sa utak ko. Is it really time to walk away from you Dale? Is it? Please tell me no. :(

Tumakbo nalang ako palabas ng Hospital. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad pero takbo lang ako ng takbo. Sumakay ako ng taxi tapos bumaba ako sa park. 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sumigaw ako habang iyak ng iyak.

Napaupo nalang ako doon sa mga benches.. Walang tigil ang agos ng luha ko.... Iyak lang ako ng iyak hanggang napagdesisyunan ko nang umuwi. Naglalakad na ako ng nakayuko tapos may humawak sa wrist ko. Hindi ko tinignan kung sino ito pero bumitaw ako at nagpatuloy maglakad.

"Ace..." I knew it. Ace ang tawag niya saakin? Ang bilis naman ata masyado. Kaninang umaga lang baby ang tawag niya sakin. Hindi ko alam pero parang napalitan ng galit ang kalungkutan ko.

"Bitawan mo ako.." sabi ko with a fierce voice.

"Ace let me explain---"

"Ano pang dapat mong i-explain? Bakit di ka nalang doon sa bestfriend mo. Oh wait.. Bestfriend lang ba talaga? May magbestfriends bang naghahalikan?!" sabi ko at napaupo nalang ako habang iyak ng iyak

"Paano mo.. Nakita mo yun? Wala yun Ace... Please let me explain!" 

"Wala ka nang dapat pang i-explain. Bakit pa ako papayag masaktan kung pwede namang itigil ito diba? Sorry Dale. Layuan mo na ako."

"P-pero Ace.. Please listen to me. May sakit si Sammy. May cancer siya kaya kailangan ko siyang bantayan at pinangako ko sa mommy niya na babantayan ko siya at hindi iiwan."

"Ah kaya ako ang naiiwan? Pwes ngayon malaya ka nang bantayan siya. Para minsanan nalang yung sakit na mararamdaman ko diba? Kaysa naman araw-araw akong nasasaktan. I guess this is goodbye Mr. Dale Guevarra." sabi ko as I was trying to compose myself at umalis na.

Hindi niya ako pinigilan. Is that a sign na hinahayaan niya talaga ako? Na pinapalaya niya din ako? Goodbye Dale :(

-----------

Okay naiiyak ako :(

Then you found me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon