♛❤ Five❤♛
Mira:
Ano!?
Ex siya ni ate Hira!?
Paano'ng nanyari yun?
Palipat-lipat ang tingin ko sa dal'wa—lalo na kay Yden. Kung gaano niya sinipat si ate mula ulo hanggang paa na para bang diring-diri siya rito.
Aba't!
"N-Nagkasakit kasi ang kapatid ko—kailangan ko munang lumayo at..humanap ng pera para sa kaniya para magamot siya.." Pumiyok si ate dun. Dama ko ang lungkot sa boses niya. Napalunok ako saka matamang tiningnan si ate Hira. Ba't hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol dito?
At nang dahil sa'kin kaya naging ex sila ng kumag na'to?
Puputaktihin ko talaga siya ng mga tanong mamaya dahil sa lahat—ito ang hindi niya sinabi sa'kin!
"You're excuse is lame, Hira—and your time is up." Umigting ang tenga ko sa sinabi ng lalake saka pinasadahan niya ako ng nang-uuyam na tingin.
Kung nakamamatay lang talaga ang tingin! Mamatay na siya sa tingin.. Grr!
Pumasok na ito sa loob ng at pinaandar ang sasakyan nitong kasing mahal 'ata ng ego niya! Tss, pero sige sige—para kay ate Hira.
"Seniorito!" Tawag ko sa kaniya. Kahit masakit lamunin ang pride—tsk, gagawin ko ngayon. Tumingin ito sa'kin pero walang balak na makinig. Tinaasan lang ako lalo ng kilay.
Lumapit ako sa nakabukas na bintana at bahagyang napayuko.
"Pagtatrabahuan ko po ang pagpayag niyo na manatili si ate sa pagiging kusinera sa mansyon.. Kahit na ano, gagawin ko!" Bulalas ko sa kaniya. Nagtagpo ulit ang tingin namin saka naman hinila ako ni ate palayo sa kotse na paandar na.
"Kahit na ano?" Ulit niya at tumango ako ng sunod-sunod. "I'll take it as your bargain." Sabi pa nito at alam ko'ng may tumubong sungay sa ulo niya.
Tumingin ito ng diretso sa'kin. "You'll be a janitress at the Ademar University 24/7. I'll check your attendance in my arrival today." Ha? Tsaka saka nito pinaharurot ang kotse nito patungong gate. Nakasunod lang ang mga mata ko at saka kinain lahat ang mga alikabok na naiwan ng hudyong yun.
Janitress? Saka naramdaman ko ang pagyugyog ni ate sa balikat ko at halatang galit ito.
"Mira naman! Ano ba'ng naisip mo?" Lumabi ako sa kaniya. Naglakad ako para sumilong sa lilim ng kahoy dahil medyo naiinitan ako. Sumunod naman siya sa'kin.
"E, ikaw ate? Ano'ng naisip mo at 'di mo man lang sinabi na ex mo pala ang gagong Yden na yun?" Tss! Kahit naman kasi asal-demonyo ang lalake—may gwapong mukha, e! Hindi naman talaga maikakailang hindi ako naapektuhan sa kagwapohan ng 'sang yun.
E, kung sinabi lang naman niya ng maaga na ex niya yun—ipipikit ko nalang sana ang mga mata ko! Pansin ko na natigilan ito. Napabuntong-hininga na rin ako. Gaano kaya kahirap para sa kaniya ang magtrabaho sa bahay ng ex niya?
At ang galit ni Yden kanina ay abot-langit rin para kay ate. Iniwanan nalang niyang bigla ang lalake, ganun? Hayst!
Humarap ito sa'kin. "Mira, alam mong ang kalagayan mo ang iniisip ko.. Noon pa man—" Ba't ba rinding-rindi na ang tenga ko sa kakasabi niya na para sa'kin lahat?
"Ate maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa'kin pero hindi naman ako baldado para pabayaan kang humanap ng pera, e—kaya ko! Ikaw lang naman 'tong sabi ng sabi na para sa kalagayan ko.. Kaya ko, okay?" Naiinis kong sabi sa kaniya pero positibo naman ako sa punto ko. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para masuklian ang lahat ng paghihirap niya..
"Madaling sabihin, Mira dahil 'di mo alam kung—"
"E, yun na nga,e! Ba't hindi mo sabihin sa'kin? Ang alam ko lang ayaw mo akong pagtatrabahuin dahil may sakit ako noon. Pero maliban sa sipon, lagnat at ubo—wala namang iba, 'di ba? Ate naman.." Sobrang OA minsan, e! Nakakainis na!
Ayaw kong umabot sa punto na ibibilang niya sa'kin lahat ng sakripisyo niya. E, bakit? Kaya ko rin naman, a! Ilang taon na ba ako?
21 years old na, Dios mi! Kung tratuhin pa rin ay parang bata.
Kaya ba hindi rin muna ito pumayag na magpakasal na sila ni kuya Dennis nang dahil pa rin sa'kin? Naku naman!
"Kaya nga.. Paano kung mubalik dahil nagpapagod ka? May pera ba tayo? Saan tayo kukuha ng pang gamot mo kung sakaling ma—"
Ginanap ko ang kamay ni ate Hira. Saka ngumiti. Nagpapasalamat ako dahil siya ang kapatid ko—sobrang mahal lang niya ako, alam ko.. "Ate maraming salamat sa lahat.. Pero magaling na ako—alam ng Diyos yan at 'di niya tayo pababayaan.." At naiiyak ako. Mahigpit ko siyang niyakap.
Sampung taon na mula nang umatake ang sakit ko na acute polyglandular Addison's disease. Pag-nagugulat ako—nawawalan ako ng malay.. Kaya nga nahinto ako sa elementary dahil sa sakit ko.
Ang alam ko ilang linggo raw akong nawalan ng malay sa hospital at ang sabi ng doctor—nakamamatay raw ang sakit ko.
Nagugulat lang—mamamatay na 'agad? Pero, oo..
Ito ang sakit na iniiwasan ni ate Hira na bumalik ulit..
Sampung taon na ang nakalipas at namuhay ulit ako ng normal kasama ni ate Hira.. Hindi ko alam kung paano niya nakayanan lahat ng pagsubok sa buhay lalo't wala na sina tatay at nanay.. Tanging alam ko lang ay—isa siya sa pinakamatapang na babae..
Kung nagawa niya lahat para mabuhay ako..
Gagawin ko rin ang lahat para sa kaniya!
Kahit pa ang ibig-sabihin nun ay iuumpog ko sa malaking pader ang ulo ko.. Sa malaking pader na may pangalang Yden.
Humanda ka sa'kin Yden Lhaire Ademar! Hmp..
BINABASA MO ANG
The Bad-Tempered Series 3: THE NOTORIOUS
Romance"I am not just a billionaire businessman but a notorious one. I loathe those people who keep on trying to tame the beast of me like this woman named--Mira Catimbag!" Yden Ademar. "Hindi man ako mayaman pero marunong akong lumaban. Kahit pa ang mala...
