Kenzo's POV:
Nang bumalik kami ni Justine sa loob nang mansyon galing sa pool area ang mga maiinit na mata agad nang mga taong nasa pailigd namin ang sumalubong sa amin.
"WHAT?!" Tanong ko sa kanila.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Marcus.
"Sa labas.. Nag pahangin.." Sagot ko.
"Sa labas? Ilang beses na kaya akong lumabas para hanapin ka pero wala ka doon.. Pumunta din ako sa garden pero wala din kayo doon.. Ang hindi ko lang napupuntahan ay 'yong pool area.. Malamang nadoon kayo.." Sagot ni Kyra.
Tinignan ko siya.
"Ako nasa pool area.. Nag yoyosi.. Si Justine hindi ko alam kung saan galing.." Sagot ko.
I hope umubra ang pagsisinungaling ko...
Biglang sumabat si Justine.
"Ako.. Nasa garahe.. May tinignan kasi ako sa kotseng hiniram ko kay Kuya Marcus.. May naiwan kasi ako doon.." Sagot niya.
Tumango ang lahat.
YES! Mukhang umubra ang palusot ni Justine..
"At 'wag na kayong mag duda kay Kenzo.. Mukha lang hindi totoo ang sinasabi niya kasi nakakaduda ang magulo niyang buhok pero I swear mag-isa lang siyang nag yo-yosi sa pool area nang nakita namin siya ni Dan.." Sabat ni Mike.
Si tanga talaga!
Kahit kailan!
"Well.. Kung ganun.. Tara na.. Mag dinner na tayo.." Aya ni Marcus.
Tumango ang lahat at pare-parehas na kaming pumunta sa dinning room para kumain.
****
Hinatid ko si Kyra sa apartment niya nang natapos ang dinner. Medyo malalim na ang gabi nang nakabalik ako sa mansyon at nagulat ako nang nakita ko sila Marcus na nasa living room pa.
"Oh.. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Buti nandito ka na.. May sasabihin kasi ako.." Sagot ni Marcus.
Mukhang importate 'to ah..
Kompleto kaming lahat eh..
Pati si Justine at Jamie nandito din..
"What is it?" Tanong ko kay Marcus.
"Well.. Kailangan kong pumunta sa London.." Sagot niya.
"Why?" Tanong ni Dan.
"Kasi.. May gusto akong bilhin na property doon.. Gusto kong mag branch out nang hotel sa London.." Sagot ni Marcus.
"Oh! Please don't tell me na kailangan mo na namang ipadala si Jamie sa London.. Ayoko na pare.. Nadala na ako last time.." Sagot ni Mike.
Umiling si Marcus.
"No.. Hindi ko pa naman sigurado kung matutuloy ang pag ba-brach out ko eh.. Marami kasi ang mga property na kailangan kong tignan.. Kapag may nagusthan na ako I will invite the board members there para ipakita sa kanila.. Then I will have meeting after meeting after meeting.. Which means I will be very busy.." Sagot ni Marcus.
"Oookaay.. And your point is?" Tanong ni Liam.
"Sa pag punta ko kasi sa London isasama ko si Jaja.. Pero since trabaho ang pinunta namin doon hindi namin maisasama ang mga bata.. So I need your help.." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?