My Childhood Friend (one shot)

410 18 0
                                    

💟Rochelle's POV💟
Isa nanamang araw na hindi nagpapansinan. Ang childhood friend ko, hindi na ako pinapansin ngayon. Dahil lang sa pangyayaring iyon.

Dati, sa park palagi kaming nagtatawanan. Ngayon, invisible na ako sakanya. Kung alam niya lang sana, ang dahilan kung bakit kami umalis.

Kung alam niya lang sana, ang kalagayan ko ngayon.

✳Matthew's POV✳

Hayy hindi ko na kaya ito. Nandito nanaman ako sa park kung saan kami unang nagkita ni Rochelle. Palagi akong nakatambay dito e. Inaantay siya na bumalik.

Kung alam niya lang sana, napatawad ko na siya. Hindi lang ako makalapit sakanya dahil natatakot akong iwan niya ako.

Kung alam niya lang sana, matagal ko nang inaantay ang pagbabalik niya.
Sana... Sana alam niya.

💟Third Person's POV💟
Nung sumunod na araw ang agang pumasok ni Rochelle. Nag-iisa lang siya sa loob ng kwarto kaya lalabas na sana siya.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang bumukas ito at tumambad sa harap niya si Matthew. Nagulat man sa nakita ay hindi nagpahalata ang lalaki at dinaanan na lamang si Rochelle.

Hinarap ni Rochelle si Matthew, handa nang magsalita.

"Matthew..." pagtawag nito ngunit hindi siya pinansin ng kasama at nagsaksak pa ng earphones.

Patuloy lamang sa pagsasalita si Rochelle dahil alam niyang naririnig siya ng kasama.

"Matthew. I'm sorry. I know I left you all alone. If you would just listen to me." hindi pa rin siya pinapansin ng lalaki.

"Meron akong malalang sakit na pwede kong ikamatay at hindi nakaya ng mga ospital dito kaya nagpunta kami nila mommy at daddy sa Canada pero hindi na daw kaya. Masyado nang malala ang sakit ko at sinabi nilang may taning na ang buhay ko. 1 buwan nalang akong mabubunay sa mundong ito kaya sana... Sana pansinin mo naman ako." Pagkatapos magpaliwanag ay lumabas ito ng kwarto at tumakbo papunta sa park na madalas nilang puntahang dalawa.

Umiyak lamang siya nang umiyak doon hanggang sa napagod na siya at umuwi. 'Sana man lang nagpaalam ka sakin' sabi niya sa isip

Kinabukasan imbis na pumasok sa eskwelahan ay pumunta ulit sa park si Rochelle. Nagbabakasakali na ito ang makakapagpagaan ng loob niya. At tama nga siya, dahil sa likod niya nakatayo ang isang lalaking napakahalaga sa buhay niya. Nakatayo sa likod niya si Matthew at inakap siya. Doon lang nalaman ni Rochelle na nakatayo pala ito sa likod niya.

"I'm sorry, Roch. I love you. At wala akong pakialam kung mamamatay ka na. Basta mahal kita!" Tumatalon sa tuwa ang puso ni Rochelle sa narinig pero nung maalala niya ang sakit ay binitawan niya si Matthew.

"Matthew hindi ako para sa iyo. Mamamatay na ako."Nginitian lang siya ni Matthew at hinila papunta sa isang amusement park.

Tatlong buwan ang nakalipas at dumating na ang araw na ayaw nilang dumating. Isang araw habang kumakain ng tanghalian ay nakaramdam ng hirap sa paghinga si Rochelle. Nanghihina ito at namumutla.

Dinala siya ni Matthew sa loob ng kotse para sana dalhin sa ospital pero noong i-start niya pa lang ang kotse ay nagsalita si Rochelle.

"Matt. Wag mo na akong dalhin sa ospital. Tanggap ko namang ma-mamatay na a-ako. I l-love y-you and g-goodbye..." pagkatapos sabihin ni Rochelle ang mga ito ay may pumatak na luha sa mata niya bago siya tuluyang pumikit.

Hawak-hawak pa rin ni Matthew ang kamay ng pinakamamahal. "I love you too, Rochelle" at umiyak na ito ng tuluyan.

🌸After 2 Years🌸
2016
R.I.P
Rochelle Bianca Olfindo
A loving daughter
December 12, 1993-August 14, 2014.

Nilagay ko na ang alay kong bulaklak at nagdasal

"Come on, Matt" sabi ng ate ko na umiiyak din.

"I love you." bulong ko sa puntod niya bago umalis. Aalis pa lang sana ako nang biglang lumakas ang hangin.

"Rochelle naman alam mo namang takot ako sa multo eh huhuhu!" tinawanan naman ako ng ate ko sa inasal ko.

💟🌸💟🌸💟

The End?

:')) kay Matthew ka lang magparamdam Roch haa? Bati tayo diba? Naging kayo naman ni Matt eh. Please spare me TuT

*le wind blows hard*

hahaha nababaliw na po ako XD

©Misaki-12

My Childhood Friend (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon