Ulit lang po ito ng Chapter 22. Para lang po malaman niyo kung anong nangyari kay Dale. Wala lang. Hahahaha. Kbyeeee =)))
_________________________________________
<DALE'S POV>
Ayee ako nang masaya! Anniversary namin ni baby ngayon. :"> Ay ambading ko naman. Pero seryoso. Parang habang patagal ng patagal lalo ko siyang minamahal. Pagakatapos kong bantayan si Sammy eh magkikita kami ni Baby. Alam kong nagtatampo na siya saakin. Pero today may surprise ako para sakanya. Hayeeee. =))
**
"Alam mo ba Sammy ang saya ko ngayon." sabi ko
"Bakit naman espren?" sabi ni Sammy. Nasa hospital kasi ako. As usual.
"Shempre anniversary namin ni Ace. Kaya sobra sobr ang saya ko. Nga pala, may date kami mamaya so ipapatawag ko nalang yung katulong niyo para bantayan ka. Okay?" sabi ko.
"O-okay.." nanghihinang sabi ni Sammy.
Nag-usap lang kami ng nag-usap tapos nakatulog siya. 4:30 na. Usapan namin ni Ace eh 5pm. Kailangan ko nang umalis. Papaalis na sana ako pero biglang namang nagsalita si Sammy.
"A-aray.." sabay hawak sa puso niya.
"Anong masakit Sammy? Tatawagin ko muna yung nurse." sabi ko
"Wag na Dale, dito ka lang." umupo naman ako.
"Pero Sammy baka anong mang-yari sayo."
"Dale... Wag mo akong iwan... Hindi ko kaya..." sabi naman ni Sammy. Alam ko naman ang tinutukoy niya eh. Ano ba naman itong si Sammy umeeksena pa eh alam naman niyang mahal na mahal ko si Ace.
"Pero Sammy, mahal ko si Ace. Anniversary namin ngayon---- Ah! Late na ako! Sabi ko pa naman na magkikita kami ni Ace. Sheeez! Sorry Sammy kailangan ko munang umalis." papaalis na sana ako pero bigla akong hinila ni Sammy at hinalikan niya ako. Agad naman akong bumitaw at nagalit ako sakanya at tumakbo papalabas ng ospital.
Please Ace sana nandoon kapa. Please baby.. Nabigo ko nanaman siya. Baka akala niya nakalimot ulit ako. Ano ba namang klaseng buhay to!
**
"Miss may nakita po ba kayong girl? Eto po siya oh?" pinakita ko naman yung picture namin habang hinihingal pa ako.
"Ah, yes sir. Kaya lang po umalis na po siya. Mukhang galit po ata siya. Kayo po ba yung hinahanap niya?" sabi nung babae. Hindi ko na sinagot yung babae at dali-dali akong lumabas. Nasaan naman kaya si Ace? Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko. Ace... Asan ka naba?
Nung napagod na ako sa kakahanap, napagpasyahan ko nang umuwi. Habang naglalakad ako bigla akong nakarinig ng sumigaw. Dali dali naman akong tumakbo baka kasi may masamang nangyari doon sa babae. Pero nung makita ko sa di kalayuan. Ace? I feel like a jerk now. :(
Hinawakan ko lang siya sa wrist pero pumalag din siya. I can feel her anger. Wala akong ibang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Napabayaan ko na siya dahil sa ka-busyhan ko. Hayyy.
"Ace.." yun lang yung unang nasabi ko. Hindi ko masabi ang salitang baby dahil baka lalo lang siyang magalit saakin.
"Bitawan mo ako.." yun lang yung sinabi niya pero ramdam ko yung galit sa pagkasabi niya. I know mali yung nagawa ko. Pero hindi naman ganito si Ace ha? Madaling magpatawaf si Ace. Pero bakit ngayon?
"Ace let me explain--" hindi ko pa natapos yung nasabi ko bigla niyang inangat ang ulo niya tapos nakita ko ang mga luha niya. Gusto kong punasan ang mga ito. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang taong mahal ko ng dahil saakin. Kung pwede lang bugbugin niya ako para mawala yung sakit na nararamdaman niya, pero hindi eh.
"Ano bang dapat i-explain? Bakit di ka nalang doon sa bestfriend mo. Oh wait.. Bestfriend lang ba talaga? May bestfriends bang naghahalikan?!" tumaas ang boses niya pero napaupo siya at humagulgol sa iyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pano niya nalaman yun? Kaya pala galit na galit siya. Gusto nang tumulo ng mga luha ko dahil nasa harap ko ang babaeng mahal ko at nasasaktan ng husto. Pero pinipigilan ko.
"Paano mo.. Nakita mo yun? Wala yun Ace. Please let me explain!"
"Wala ka nang dapat pang i-explain. Bakit pa ako papayag masaktan kung pwede namang itigil to diba? Sorry Dale, layuan mo na ako." pagkasabi niya noon eh parang tumigil ang mundo ko. Please ace tell me this is only a joke. Sampalin mo ako. T__T
"P-pero Ace.. Please listen to me. May sakit si Sammy. May cancer siya kaya kailangan ko siyang bantayan at pinangako ko sa mommy niya na babantayan ko siya at hindi iiwan." Sana naman sa nasabi kong ito ay maintindihan niya ako. Alam kong masama yung nagawa ko pero kilala ko si Ace. Hindi niya ako matitiis.
"Ah kaya ako ang naiiwan? Pwes ngayon malaya ka nang bantayan siya. Para minsanan nalang yung sakit na mararamdaman ko diba? Kaysa naman araw-araw akong nasasaktan. I guess this is goodbye Mr. Dale Guevarra." pagkasabi niya doon eh parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ayaw gumalaw ng paa ko. Tumulo nalang ang mga luha ko. Pinagsisintok ko yung puno hanggang sa dumugo na yung kamao ko. Hindi ko maramdaman yung sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Feeling ko napaka walang kwenta kong tao dahil ang kaisa-isang babaeng mahal ko eh iniwan na ako. At ako ang may kasalanan.
**
"Anak! Anong nangyari sayo?!" sabi ni mama.
"Ma, wala po ito. Pwede po bukas nalang? Pagod po kasi ako.." sabi ko.
"Anong wala lang? Halika na at gagamutin natin yan." sabi ni mama.
Habang nilalagyan niya ng benda yung kamay ko eh tahimik lang si mama. Hindi naman kasi mapilit si mama. Alam din niya yung limitasyon niya at alam niyang sasabihin ko din naman yung sakanya. Natulog na lang ako. Pwede bang hindi na ako gumising?
----
To be continueddddddd.
BINABASA MO ANG
Then you found me.
RomanceHi. This is a story of Ace. A girl who found the one. :"> (Ang baduy hahahaha) Kung meron man pong kaparehas itong mababasa niyo, it is purely coincidence po. :DD