MAHAL KITA BILANG KAIBIGAN

102 0 0
                                    

Nong bata pa kamiy syay laging kasama

Sa mga kalokohang aming ginawa

Nandiyan sya lagi sa akin

Para akoy aluhin

Sa mga problema sa buhay

Syay laging karamay

Sa tagal naming pagsasama

May nabuo na ring alaala

Panahon ay nagdaan

Unti-unting nag-iba ang nararamdaman

Nagising sya sa katotohanan

Na mahal nya ang matalik na kaibigan

Hindi nya alam kung ano ang gagawin

Itatago ba nya ito o sasabihin

Hindi nya mapigilan ang nararamdaman

Kapag ito'y sa kanyang harapan

Sinabi nya ang nararamdaman dito

"mahal kita" pag-aamin nya

"mahal din kita" sagot nito

Mahal pala nila ang isat-isa

Naging masaya ang kanilang pagsasama

Perpektong-perpekto na walang makakasira

Biglang may dumating na unos sa kanilang buhay

Na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay

"mahal kita pero ayaw ko na!"

"Bakit mo ako iiwan? Mahal parin kita"

"Sinabi ko lang sayo ang naramdaman ko!"

"Pero anong ginawa mo? Shinota mo bestfriend mo!"

Siguro mas mabuti pang silay magkaibigan

Sayang naman ang kanilang magandang pinagsamahan

Kung masisira lang ng isang di-pagkakaintindihan

Kaya mahal kita bilang kaibigan lamang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAHAL KITA BILANG KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon