Simula

24 2 0
                                    

"Bilisan mo. Kailangan nating magmadali anak" nanginginig name sabi ni mama.

"Saan po ba tayo pupunta? Ma, ano bang nagyayari? Pwede bang ipaalam nyo sakin para matigil ako sa kakatanong ko?" Gulong gulo na ako, kanina pa nagmamadaling umalis si mama. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta o ano ang dahilan n'ya kung bakit nanginginig at nag mamadali syang umalis.

"Ma, ano bang nangyayari?"

"Basta anak, dalian mo nalang dyan kanina pa nag hihintay ang papa mo sa labas."

Dali dali naman kaming lumabas ngunit bago kami tuluyang makalabas ay napahinto si mama at nakita kong mas lalo s'yang nanginig, pinahinto nya ako at binigay ang mga gamit na hawak nya.

"Anak, dyan ka lang muna. Tatawagin nalang kita pag aalis na tayo ah. Wag kang lalabas anak." sabi ni mama na naluluha na sabay takbo sa labas.

Naguguluhan ako, kanina lang nag mamadali syang umalis bakit ngayon pinag hihintay nya ako dito. Natatakot na ako sa nangyayari, wala kong ka ede-ediya sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong meron o anong nangyayari sa labas.

Dahil sa kyuryosidad nag desisyon akong lumabas at silipin si mama at papa. Ngunit nakakailang hakbang palang ako may bigla ng humawak sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"S-Sino ka?"

Isang matandang lalaki ang nasa harap ko ngayon at hawak ang kamay ko. Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya ngunit sobrang higpit ng pagkahawak nya rito.

"B-Bitawan mo ako. Sino ka ba?"

"MAMAAAAA... PAPAAAAAA..." sigaw ko ng bigla nya akong higitin.

Pinipilit kong agawin ang aking kamay ngunit napakalakas nya, nagagawa ko namang pabagalin ang pag hatak nya sa akin. Nag patuloy ako sa kakasigaw hoping na marinig ako nila mama at papa.

Ngunit muntik na akong madapa ng bigla nya akong bitawan, napapikit ako at niready ko na ang sarili ko sa pagbagsak ngunit may naramdaman akong kamay na nakahawak sa likod ko.

Pagmulat ko sa likod naistatwa ako sa nakita bigla nalang nanlaki ang mata ko ng makita ang napaka-tangkad na lalake na may napakahabang buhok.

Magagandang mata, tangos ang ilong, makakapal na kilay, mahabang buhok at napaka seryosong mukha ang nakatitig ngayon sa akin.

Hindi ako makagalaw, para akong naka kita ng isang anghel. Nakatingala lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na may ganto palang nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Napakaperpekto ng taong ito.

Ngunit sa sobrang pagtitig ko sa kanya hindi ko namalayang isa isa na palang nawawala ang aming mga gamit. Isa isa ng dinadala nung matanda kanina. Sisigaw na sana ako dahil ninanakaw nya ang mga gamit namin, ngunit bigla nalang akong hinawakan sa kamay ng lalaking nasa kanan ko, kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

Gusto kong mag pumiglas kaso parang nawawalan ako ng lakas.

Nung bumalik ako sa ulirat nagulat ako ng nasa bakuran na kami ng aming bahay at may chopper na naghihintay doon. Nililipad ang aking buhok dahil sa sobrang lakas nang hangin.

Nasa mga bisig pala ako nitong gwapong nilalang na ito, kaya pansamantala kong nakalimutan ang nangyayari. Naisakay nya ako ng walang kahirap hirap sa chopper kaya nung nakaupo na ako doon ko palang naalala kung ano bang nangyayari ngayon.

Kinikidnap ba ako? God, asan sila mama at papa.

Naisarado na ang pinto ng sinasakyan naming chopper ay dun palang ako nag pumiglas. Hinawakan ang magkabilang kamay ko ni kuyang gwapo kaya lalo akong nagpumiglas, hindi nagpaapekto sa kagwapuhang taglay nya.

"MAMAAAAAAAA. PAAPAAAAAAAAA" Sigaw ko nung bigla na lamang unti-unting tumataas ang chopper.

Tuluyan ng lumanas ang mga luha sa aking mga mata ng hindi ako makawala sa kamay ng kung sino man ito.

Sigaw ako ng sigaw, wala akong pakealam kung nabibingi na ang nasa tabi ko. Bumuntong hininga sya at napapikit.

Grabe ang gwapo nyaaaaaa. pero sila mama hindi pwede ito, kailangan kong maka alis dito. kailangan kong makababa.

"Can you please shut your fucking mouth" mahinahon nyang sabi habang nakapikit na para bang pagod na pagod na.

"Sino ba kayo ha. Bakit nyo ko kinuha kari mama at papa" nagpupunas nang luhang tanong ko.

Nang tuluyan ng nasa ere ang sinasakyat namin ay napatingin ako sa baba, nakita ko sila mama at papa na nakikipag laban sa mga taong hindi ko kilala, nagulat ako dahil ngayon ko lang sila nakitang nakipag laban ng ganyan at ang mas nakakagulat pa nandun si tanda at kasama nilang nakikipag laban.

Para syang kasing edad lang nila mama kung makipag laban.

"Kid, don't look down. They'll be okay! They're stronger than you think" humihikab na sabi nya.

"Ibaba nyo nga ito, babalikan ko sila mama" pinagpapalo ko sya at nakita ko naman syang naiinis na.

"Stop it! Sa tingin mo gusto ko itong? Grandpa ask me a favor at hindi ko naman sya pwedeng tanggihan. Tsk" inis na sabi nya sabay sandal sa upuan.

"Hindi ko ginusto 'to, kung ako lang ang masusunod hindi kita susunduin, matutulog nalang ako sa bahay." pagod na sabi nya.

"Kuya, bilisan mo ang pagmamaneho nagugutom at inaantok na ako" sabi nya sa piloto.

"Opo Sir Dave"

Natahimik ako sa sinabi nya. Susunduin? It means he did not kidnap me! But why the hell he's making sundo me?

You'll CryWhere stories live. Discover now