Hindi Yun Ako
(Spoken Words) para kay CrushHindi ko alam kung saan ako lulugar, saan ako lulugar o kung may lugar ba talaga ko, lugar diyan sa buhay mo. Hindi ko kasi alam kung paano ipapadam sa'yo, ipapaliwanag kung bakit bigla na lang tumibom ang puso at sayo'y magkagusto. Paano ba, sa anong paraan, kailan at bakit pa kailangan sabihin kung sa bawat kilos mo sa kanya ka naman nakatingin at halat kong siya'y ganun din. Mali at hindi ko dapag ito nararamdaman dahil wala naman akong ralasyong pinanghahawakan o kung ano pa mang ebidensyang nagpapatunay na ikaw at ako lamang sapagkat walang ako, walang ikaw at lalong walang tayo. Hindi mo nga alam na lagi kitang pinagmamasdan habang pinagmamasdan mo naman siya na parang wala kang kasing saya pa. Subalit wala akong magagawa kundi ang magdamdam, magmaktol, sumimanhot at masaktan sapagkat alam kong malabong maging akin ka. Titignan na lang kita at sa panaginip na lang ako yayakap at hahalik sa'yo sinta kung saan pwedeng maging posible ang lahat at ang 'di maaari ay magiging nararapat sa taong walang pwedeng gawin kundi ang mangarap sa taong kasing taas ng alapaap, kasing lalim ng kabibeng hindi na mahagilap, kasing layo ng agwat ng langit at lupa sa madaling salita, hanggang dito na lang ako sa malayo. Gusto lang kitang laging makita kasi yung ngiti mo at tawa yung ginagawa kong dahilan para hindi maawa sa sarili kong puro na lang pag-asa, mga ngiti at tawa ng hindi dahil sa kanya dahil yun ay nakapagbibigay sakin ng lungkot at pagdurusa. Kailangan ba kitang layuan at tanawi na lang mula rito? Ang bilis ko naman kasing mahulog sa alam kong tamang tao pero mali para sa isang katulad ko na walang alam gawin kundi mahulog ng paulit-ulit at di na nadala sa pagkawasak at matinding sakit, sabagay kaya ko na itong dalahin masaktan man at hindi pansinin. Kaya ko na 'to sapagkat mas malala pa ang nangyari sa akin nung hindi ka pa napagtatanto. Ayos lang ako kahit na ikaw ayos sa piling ng ibang tao at kahit kailan hindi yun magiging ako, hindi, hindi yun ako.

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesiaFilipino poetry at pinaghuhugutan