Dedicated again to Ms. Alesana_Marie :)) Touched by her first comment :)
Nagccountdown naman ang mga kaklase ko sa upcoming Junior Senior Promenade ng school =___=. Ang hindi ko talaga ma-gets ay kung bakit ba sila masyadong excited para do’n ~~,). ‘Pag nga naiisip kong paparating na ‘yon, nagdadalawang isip ako kung pupunta ako o hindi eh.
Reason A. Hindi naman kasi ako isasayaw ng crush ko. </////3
Reason B. Kagaya ng letter A.
Reason C. Letter A at Letter B
Sabi ng kapatid ko, kapag daw hindi ako nagpunta sa prom, hindi daw magiging memorable ang High school life ko. Tss. Hindi na talaga magiging memorable kasi gagraduate na si KRAS nang hindi ko nalalaman ‘yung pangalan niya. ==,)
‘Pag nakikita ko pa naman siya laging memorable ‘yung araw ko kahit hamak na ordinaryong estudyante lang ako. Utusan ng mga teacher lalo na sa section nila --,). Kaya hindi naman ako umaasa na kilala niya ako eh. Ang daming magaganda sa school na siguradong nanligaw na sa kaniya ==,).
Haaaay. Lord, tulungan Niyo naman po akong magdecide T____T.
**
Feb 14.
Manila Hotel. 8 pm.
Taeeee! Merged pala ang 3rd year at 4th year sa first building ng hotel na ‘to. ‘Yun lang daw ang nakayanan ng school. Sige, pwede na. Nauto ako ng ate ko. Ibibili niya daw ako ng bagong converse shoes kapag nagpunta ako dito.
One night lang ‘to. Kapalit naman ang Chuck Taylor ko ♥____♥.
“France, what’s up? We thought you’re going to wear snickers while wearing gown eh. HAHAHA.”
They are my friends. Tss. Lagi na lang silang ganyan =____=.
“Joke lang dear France. Nakaupo ka lang diyan kanina pa ah. Mamaya magaganap na ‘yung first dance. Waiting in vain lang ‘te?”
Another upsetting statement. Again, they are my friends pero lagi silang ganyan T___T.
“Hahaha. Don’t lose hope Frankee. Darating din siya. Kung sino man ang dakilang lalaking ‘yan” Tss. They really are my friends. --,)
Pagkatapos nila akong “kutyain”, nagpunta na sila sa buffet. Syempre, mamaya-maya maghihintay na din ‘yon ng so-called first dance nila. So I am left behind again -_____-.
9:47 pm.
May isang nag-aya na sa’kin kanina. Si Paul. Pinsan kong fourth year. So, he is my first dance. Wow memorable ah. Memorable talaga kapag ‘yung pinsan mo ‘yung first dance mo. Memorable kasi sobrang disappointing!
France, you came up here for the Chuck Taylor. Always remember that. Period.
10:30 pm.
Hintay lang.
Hintay lang.
Hintay lang matapos ang gabi.
10:45 pm.
Kanina pa ako tingin nang tingin sa orasan ko. Emo na naman. Mag-isa e. Forever alone? Damn.
“Okay, Juniors and Seniors, this time, you’ll be having your last dance. Kayo na bahala sa mga gusto niyong makapartner ha! Keep enjoying.” it’s our principal
Biglang nagkagulo ‘yung crowd. As usual, wala akong paki. Left behind! Kaniya kaniyang hatak ng partner eh. Ako, nakaupo lang. Tameme!
Hanggang sa nag-play na ang music.
Plays: Flightless Bird
Shit! Lahat sila naka-line up na sa gitna. Eh di kayo na talaga sumasabay sa slow music! Tss. Dapat talaga hindi na lang ako nagpunta dito.
</////3
Si crush. Nakahawak sa waist nung muse ng section nila =____=. At ‘yung muse, nakahawak sa balikat niya. Kayo na ang last dance partners! T^T
Nagpunta na lang ako sa buffet. May mga natira pang salad. Kumain na lang ako. Kain lang nang kain! Stressed eh! T^T
Sana matapos na ang gabing ito bago ako magLBM sa dami na ng salad na nakain ko.
“Frankee!”
“Frankee!”
May tumatawag ba sa pangalan ko? Coming from the microphone.
Ang tahimik naman ngayon ng lugar. Tss. Frankee. For sure friends ko na naman ‘yan. --,) Tigilan niyo ko ah!
“Frankee!”
“Frankee!”
“Frankee!”
Shit! Problema ba nitong mga ‘to?!
“BAKIT BA?!”
She is not one of my friends.
O___O At bakit may kasabay ako magsalita?!
“Ayieeee! Meant to be! ^____^” sabi pa niya
Diba ‘yun ‘yung muse na isinasayaw ni crush kanina?
“Frankee, puntahan mo na.” sabi pa niya
Sino’ng pupuntahan ko?! Gulong gulo kong kinamot ang ulo ko.
“Miss, Frankee din ang nickname nun oh! Si Frank Joseph Garcia.” tinuro nung babaeng katabi ko sa buffet ‘yung lalaking naka-tuxedo na white. ‘Yung lalaking…
O____O
Crush ko?!
Frankee?! Din??! Ang?!! Nickname?!
“Frankee, puntahan mo na si Ms. France ng III-Rizal.”
“Ayiiiiieeeee!” Hiyaw ng mga estudyante.
Whaaaaat the hell is she saying?! O____O
Nakita kong nagkaroon ng isang malaking space sa gitna. Itinutulak si Frankee nung mga kaklase niya papunta … sa … akin???
Plays: You and Me
Napakamot siya sa ulo niya paglapit niya sa akin.
“Ahm… You’re France, right?” sabi niya sa akin.
Nagnod lang ako.
“May I be your last dance, Ms… Frankee?”
♫
♫
♫
♫
♫
Habang nagpplay ang music, parang tumigil ang mundo ko.
Ang crush ko, nakahawak sa waist ko ngayon at magkahawak ang mga kamay namin.
Magkadikit din ang mga noo. Hindi pa nga ako makatingin sa kaniya.
Pero alam kong nakatingin siya sa akin. “You know what, I really waited for this moment to come. I was really waiting for you in Prom night. ‘Yung maging 3rd year ka para maisayaw kita. At least kahit last year ko na, masasabi kong naging memorable nga ang high school life ko kasi last dance ako ng crush ko.”
--
--
O___O
Napatingala ako sa kaniya.
Ngumiti siya. “Yes. Crush kita. 1st year ka pa lang.”
Napahawak ako nang mahigpit sa mga kamay niya at parang teary eyed akong nagsalita.
“Thanks for making this time so worthy for me. But since nandito na din tayo. I need to confess something. Mr. Frank, crush din kita.”
////===////===////
AN: Paki-click na lang po 'yung external link para sa SEQUEL ng story na 'to :)
Thanks for reading. God bless!