Ano? Umiiyak ka na naman?

179 8 6
                                    

                Ano? Umiiyak ka na naman?

                Kasi naaalala mo na naman sya? Naaalala mo na naman yung mga pinagsamahan nyo. Naaalala mo na naman yung mga ngiti nya, yung mga tawa nya, at yung mga pang-aasar nya sayo.

                Hindi naman kayo ganito dati diba?

                Close pa nga kayo eh. Nagkakahiyaan sa umpisa. Hanggang sa unti-unti kayong nagging close. Yung tipong magkapatid ba. Yung tipong tinatawag mo syang kuya kasi wala kang kapatid na lalaki at sya, tinatawag ka nyang bunso kasi only child lang sya.

                Naaalala mo na naman, ano?

                Naaalala mo na naman yung sweetness nya sayo. Yung lagi ka nyang inaalalayan, hindi ka nya hinahayaang mapahamak. Yung protectiveness nya sayo. Yung tipong nagagalit sya kapag may kausap kang ibang lalaki. Yung tipong binabantayan ka nya na para bang sa isang iglap ay mawawala ka? Yung pagiging maasikaso nya sayo. Hindi ka nya hinahayaang magutom. Lagi ka nyang binibigyan ng kung anu-ano. Mapa-isang piraso man ng kendi o isang box ng paborito mong marshmallows. Kaya ka nga nahulog sa kanya, hindi ba?

 

                Okay na sana eh. Okay na sana ang lahat.

                Kaso, dumating sya. Sya, na umagaw sa ‘kuya’ mo. Sya, na sa isang iglap ay nakuha ang pinakamamahal  mo. Nawalan na ng oras sayo ang kuya mo, umiyak ka. Pero hindi ka nagpahalata sa kanya. Iniisip mo kasi, lilipas din yan. Pero nagkamali ka ng akala. Nagkamabutihan sila, umiyak ka. Nalaman mong hindi lang isang simpleng crush ang nararamdaman ng ‘kuya’ mo para sa kanya, umiyak ka na naman. Nalaman mong sila na pala, tuluyan nang nawasak ang puso mo. Hanggang sa unti-unti na kayong lumayo sa isa’t isa. Sya, kasama ang pinakamamahal nya at ikaw, umiiyak na naman.

                Hanggang kailan ka ba iiyak?

                Hindi ka ba nagsasawa? Ilang taon na ba ng nakalipas? Isa? Dalawa? Ah, hindi mo na maalala. At sa mga nakalipas na panahong iyon, sa t’wing sumasagi sya sa isip mo ay umiiyak ka na naman. Kailan ka ba titigil? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Kailan ka ba makaka-move on? Kasi ako, sawang-sawa na ako. Sawang-sawa na akong makita kang ganyan. Ako, na laging nasa tabi mo. Ako, na nasasaktan din sa t’wing umiiyak ka. Ako, na tulad mo, ay nakalimutan na. Nakalimutan na ng isang taong napakahalaga sa buhay ko. Na walang iba kundi—ikaw.

Ano? Umiiyak ka na naman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon