So I hide my feelings

12 2 0
                                    



Mahirap ma fall in like sa taong hindi mo alam kong mafa-fall in like din sayo. Yung tipong mas Malabo pa sya kesa sa Malabo. Minsan sweet, minsan weird , minsan makulit, minsan surprising madalas walang pake sa earth. So I hide my feelings.

Mahirap ang walang assurance sa isang bagay, pangako at lalo na sa tao. I admit na I like him. Ang pinaka gusto ko sa kanya ay yung pag nagkukwento ako sa kanya ay nakikinig sya yung para bang interesadong interesado sya sa sinasabi ko, yung tipong yung iba mong guy friend mahilig sa side comment minsan naman anjan pero di ka naman pinapakinggan ng todo. Sya kasi yung tipong pag sinabi kong may ikukwento ako sa group of friend namin or sa kanya lang nakikinig sya. Minsan nga naaalala nya pa. Funny for me kasi makakalimutin yun minsan kahit nasa 20 palang ang age nya. Natutuwa din ako pag nagkukusa syang gawin ang isang bagay yung hindi ko na kaylangan irequest sa kanya. Natutuwa talaga ako swear. He is a kind of a guy na "IKAW NA" yung tipong pwede nya namang gawin pero ipapasa nya lang din pabalik sayo yung pinapagawa mo. See? Miracle is real. Natry ko na ring makipag habulan sa kanya at makipag kulitan minsan inaasar na nga kami nung iba naming classmate. I already hold his hand but wait not the common holding hands for couple, sa game like sa bunong braso and yung sa thumb fight. What surprise last time is nagpilit sya na sya ang humawak ng payong. Yes minsan dahil dakilang tamad yun mag bitbit ng payong share share sya saming meron. Commonly kasi ako ang taga hawak ng payong , hindi kasi ako sanay na yung kashare yung naghahandle I just find it uncomfortable for me saka feeling ko mas malaking part ng payong ang napupunta sa kanila kaya naman mas gusto kong ako ang humawak. Meron kasi akong habit na kapag yung kashare ko yung may hawak ng payong kumakapit ako sa braso nila. In his case mas pinili kong sa manggas ng damit nya kumapit. I like his serious face. I don't know why pero ang cute nyang tingnan pag seryoso. Sa lahat kasi ng boy na friend ko sya yung masasabi ko na pwede pagkatiwalaan ng secrets. Hindi sya gaanong makwento pero nagugulat nalang ako pag bigla nalang syang babanat ng joke. Akala mo di nakikinig sa usapan ng tropa kasi busy sa phone mag scroll sa fb o mag laro. Meron ding time na magugulat nalang ako kasi tinatanong nya kung anong gusto ko pag bibili ng food kaya minsan parehas kami ng kinakain pero hindi nya pa ko nalilibre. KKB kung baga. His a certified kuripot. Ayaw nyang gumagastos ng bongga. He has his biscuit in his bag. Kaya pag gutom ako tinatanong ko kung may biscuit sya kasi hihingin ko then pa hard to get pa minsankasi aasarin nya muna ako pero ibibigay din naman. My girl friends told me na they try na hingin sa kanya yung food pero hindi nya binigay ang sabi nila sakin lang daw talaga binibigay kaya sabi ko nalang na alam kasi nun na mahilig akong kumain at manghingi sa kanya. Funny pero mahilig talaga akong kumain. He likes to call me in different name minsan kung ano nalang magpop up sa uta nyang puno ng creativity, minsan malapit sa name ko minsan sa isang character at minsan sa kung ano nalang maformulate na name. Magaling syang magdrawing and my favorite kpop Idol sketch ang regalo nya na request ko nakakatuwa lang kasi kapag yung iba naming kaibigan ang nag request either may bayad or ayaw nya. He always considerate my opinion then lst time sabi nya ipagdadrawing nya daw ako. But still I know that does simple gesture is not enough for me para masabi kong "BAKA NAMAN?". I don't have an assurance to assume. I don't want to add colors lalo na't hindi maayos ang pagkakadrawing ng kung ano bang status nya for me. Minsan kasi feeling ko wala syang pake sakin. Minsan naman meron kaya nakakalito.

His not that smart when it comes to numbers. He is not that gentleman at all. His not that "My Ideal guy". His not matured enough to enter a relationship base on my observation, that's what I think and my girl friends think. Kaya I don't expect to much. Lagi ko nalang sinasabi na mawawala din yung attraction na nararamdaman ko para sa kanya. Feeling ko din naman na wala syang balak pumasok ngayon sa isang relationship. Ako din naman.

So I hide my feelings.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Share ThoughtsWhere stories live. Discover now