What Do We Mean To Each Other

2K 19 26
                                    

Chapter 1

               

Masayang nag uusap ang magkakaibigan na sina Slater, Christine, Kevin, Pamu, Carlo, Wendy, Divine at Dennise.  Sila ay magkakaibigan na nakatira sa isang kilalang subdivision sa Quezon City.  Matalik na magkaibigan sina Slater at Divine kaya naman naging malaki ang barkadahan nila ay dahil narin napag sama nila ang dalawang barkada. Ang original na barkada ay sina Slater, Carlo at Kevin matanda sila ng  tatlong  taon sa magkakaibigan na sina Christine, Wendy, Divine at Dennise.

                Second year college na sina Slater, Kumukuha ng kursong Civil Engineering sa Mapua kasama ang kaibigan na si Carlo. Samantalang si Kevin naman ay kumukuha ng kursong Business Adminstration  sa San Beda College, isa rin itong varsity player ng naturang skwelahan. Sikat si Kevin di lang sa paaralan nito dahil narin sa galing nito sa paglalaro ng basketball sa NCAA.

                Samantalang graduating naman sa Highschool sina Christine. Habang nang uusap ang magkakaibigan sa clubhouse ng kanilang subdivision;

“ Paano yan pag graduate nyo saan kayo mag ka college?” tanong ni Slater sa mga kaibigan.

“Hindi ko pa nga alam eh!” ang sagot ni Christine.

“Ako sa San Beda.” Deklarasyon ni Pamu.

“Baka sa Cento Escolar ako.” Si Wendy naman.

“Don din ako bakla!”  si Dennise sabay apir kay Wendy.

“ Pwede rin ako don, gusto ko kasi mag Dentistry” Excited naman na sabi ni Divine.

                Tinitigan ni Slater si Christine “ A-no yan Tin-Tin lahat sila may plano na, Tapos ikaw wala pa! para ka talaga bata.” Pang-iinis ni Slater sa dalaga.

                “ E di sige sa San Beda nalang din ako!” nakangiting sabi ni Christine.

                “ A-no yan? Plano bayan! Hindi mo naman yan pinag isipan.” Sabi naman ni Carlo.

                “ Anong hindi pinag isipan? Matagal na nya gusto sa San Beda para sundan si Kevin!”  panunukso naman si Pamu.

                “Ayuuuunnnnn….” Sabay sabay na tukso ng lahat kay Christine.

                “Tama na nga yan, si Christine na naman na pag tripan nyo.” Nangingiting wika ni Kevin.

                Alam ng lahat na crush ni Christine si Kevin kahit mga bata pa sila, at ganon din naman si Kevin pero hindi nya niligawan ang dalaga dahil alam nya na bata pa ito. Pero parang nagkakaintindihan ang lahat na balang araw ay sina Christine at Kevin din sa huli ang magkakatuluyan.

                “Oo nga! Lagi nalang kami ni Kevin ang nakikita nyo, Bakit si Wendy crush din naman nya si Carlo ah!” mataray na sabi ni Christine.

                “Abat baklang ito, idadamay mo pa ako dyan! Naloloka ako sayo..” sigaw ni Wendy na halata naman na kilig na kilig. Sabay na nagtawanan ang lahat.

                Tumayo na si Slater. “ Paano mauna na ako sa inyo, may lakad pa kami ni Suri.” Si Suri ay ang current girlfriend ng binata.

                “Sige pare ingat, and enjoy!” pilyong ngisi naman ang sagot ni Carlo sa kaibigan.

                “ O Ano girls swimming na tayo?” tanong ni Dennise sa lahat, plano nila na magswimming ng araw na yon sa clubhouse nila.

What Do We Mean To Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon