After 30 minutes, nakarating na rin kami sa Arena. Pagkababang-pagkababa namin, dinumog agad kami este si Kuya ng Fans.
"Scotteyyyy! We love you."
"GO IDOL."
"BRING HOME THE TROPHY IDOL."
"GI-NEB-RA."
"GI-NEB-RA."
This is why I hate this. I hate crowded places. I hate noisy places!
Nang tingnan ko si Kuya, kaway lang siya ng kaway sa mga fans nila. Kuya is so lucky having this people. Yung mga taong pag-iiponan talaga ang ticket para makapanood ng Games. Yung mga taong handang sumigaw para iparating sa mundo kung gaano nila kamahal ang Team na ito. Kung wala ang mga fans ng Ginebra, hindi nila mararating ang taas na kanilang naabot.
Marshals guided us to the locker room. Nang makarating kami don, napairap na lang ako. Hays abs are everywhere. Ba't ba shirtless ang mga to?
"Hey buddies," sigaw ni Kuya.
"Yow Scott," lumapit si Kuya Scott kay Kuya Kevin.
"Ows End of the world na ba? Baby Mae is in the house!" Kuya Aljon shouted.
"Scott anong pinakain mo diyan sa kapatid mo't sumama sayo sa Game?" Kuya LA asked.
"Takot lang niyan sakin," Kuya answered and winked at me.
Napairap ako sa hangin.
"Hey mga Kuya," I smiled at them.
Binati naman ako nong ibang pang ka-teamates ni Kuya.
"Kuya Japeth? San si Justin?" I asked.
"Oy ba't mo hinahanap si Justin?" Panunukso ni Kuya Greg
"Kuya naman e." I pouted
"Stop that bud." sita ni Kuya Japeth kay Kuya Greg. "Nandon na sa bench si Justin, Mae," mabuti pa tong si Kuya Jap maayos kausap.
"Your the best Kuya Jap," then I smiled sweetly at him.
Agad kong pinuntahan si Kuya Scottie at nagpaalam na pupunta lang ako sa Bench nila. Agad akong naglakad palabas ng locker. Paglabas na paglabas ko napasimangot ako.
Arrrrgg! Ngayon ko pa pinagsisihan ang pagpayag kay kuya na sumama sa kanya sa Basketball Game na'to. What the f*ck! This place is so crowded to the point na halos sumabog na ang buong lugar. At ang ingay. Sigaw dito, sigaw doon. Malaki talaga ang utang ni kuya sakin.
Nagdadabog ako na parang bata habang naglalakad papasok sa Arena. Dahil sa sobrang sikip, hindi ko na kitang may tao pala sa harap ko at nabunggo ko siya.
"Tumingin kasi sa daan pag naglalakad. Stupid!" he coldly said.
Ano daaaaw? STUPID? Letche to ah!
"Hindi ko naman sinasadya, mister. And don't call me stupid, you bastard!" I glared at him.