New school, new life I guess?
"Ingat on your 1st day." Daddy said as he tousled my hair.
"Daddy naman eh, I fixed my hair bakit ba you keep on tousling it." Sabi ko as I fix my hair with my hands.
"Sorry anak." Then he chuckled. "By the way, ingat and good luck okay? Pag may kailangan ka just call me or si Ms. Irene in case na di mo ako macontact." Sabi nya, pertaining to his Secretary.
I nodded "Yes po. Thank you daddy! Baba na po ako baka malate ako sa first day ko and baka malate din po kayo sa meeting nyo, ingat!" Sabi ko then kiss his cheek before I got out on his car.
It's my first day here in St. Augustine Academy, I transferred here kasi mas malapit na to sa bago naming bahay.
Daddy ko nalang ang nag aalaga sakin tsaka si Manang Yimin, katulong namin simula pa nung ikasal si mommy at daddy, kasi yung mommy ko namatay din agad nung ipinanganak ako.
Pumasok na ako sa Gate ng SAA, at nang makitang may guard ay agad ko itong nilapitan para pag tanungan. Masyado kasi malawak ang St. Augustine, bukod kasi sa JHS kasama na din dito ang Elementary, SHS at college buildings.
"Good morning Sir, may I know po ba kung saan yung JHS building, Grade 10 student po kasi ako, transferee po."
"Ah, diretso lang po Ma'am, tapos yung unang kaliwa po na hallway, dun po kayo dumaan. May makikita po kayong St. Bonaventure Building dun, yun na po yun. Ano po bang section nyo?" Tanong nya.
"Section Carnation po." Sabi ko.
"Carnation din section mo?" Biglang may sumabat sa likod ko kaya agad akong napalingon doon.
And there, nakita ko ang isang maputi at magandang babae.
"Uh, yes. Bakit?" Tanong ko.
"Carnation din section ko eh, sabay na tayo? Alam ko yung daan papunta dun!" Sabi nya.
"Nako Ms. Zyrene, mabuti pa nga. Ma'am sumabay na po kayo kay Ms. Zyrene, Grade 10 din po yan." Tumango nalang ako at nagpasalamat sa Guard bago sumabay dito sa nag presentang isabay ako papunta sa room namin.
Habang naglalakad ay nag pakilala sya sakin, at ganon din naman ako. It'll be rude of me kung di ko sya papansin and besides she seems nice naman.
"I'm Zyrene Gianna Yuchengco Ayala, but you can call me Zyrene, I hate being called Gianna for some reason. And I have a crush on Harper Rivas in Grade 12, kaya wag mo ka sakanya magkacrush if you want us to be friend." Sabi nya na ikinatawa ko naman.
"I'm Phoenix Andrea Aurin Dominguez, but you can call me Phoenix, I hate being called on my second name too for some reason. And don't worry, I don't have plans on stealing your crush."
"Oh then, we're friends!" Saad nya.
"Oh, good then, friends." Sabi ko.
Nagpatuloy ang pagkekwentuhan namin hanggang sa makarating kami ng room. Sa likod kami naupo since masyado maingay sa harap. Habang nag lalakad kami sa hallway panay ang pagbati sa kanya ng bawat students na nakakasalubong o nakakasabay namin.
"So popular ka pala here in JHS department?" Tanong ko.
"Uhm, not really. Former president kasi ako ng Grade 9 last year and this school year, I don't have any plans pa if tatakbo ulit ako for that position in Grade 10. Tsaka ganyan lang talaga yang mga yan, some girls were sipsip kasi kapatid ko crush nila."
"Ah, how about your other friends?" Tanong ko.
"Wala pa sila dito eh. Dalawa lang sila since dalawa lang naman sila na alam kong hindi ako kinaibigan lang dahil kapatid ko si Kuya Zade at Kuya Zild."