Si AMANE ELIXALDE ang nag iisang anak na babae nina Partrik at Aliza. Pansamatala siyang naninirahan sa Hongkong para pamahalaan ang negosyo ng kaniyang hipag na si Asthea. Sa lugar na ito rin niya nakilala si TRICKEY GABANA ang kasosyo ni Asthea sa iba pa nitong negosyo. Para sa kanya ay masyadong atribido pagdating sa negosyo. Palibhasa ay bakla kaya maraming arte sa katawan.
"Kumusta naman ang sales ng mga produkto nitong garments?" tanung sa kaniya ni Trickey nang araw na iyon.
"Okay lang naman", maikling sagot niya dito.
"Ano bang klaseng sagot yan?. nakataas ang mga kila'y na sabi nito.
"Trickey, puwede bang huwag mo na akong pakialaman sa pagmamanage ko nitong garments factory na ito?" napipikong wika niya.
"Bakit? salubong ang mga kilay na tanung uli nito sa kaniya..
"Dahil napipikon na ako sa mga kaartehan mo!"sigaw niya.
"Napipikon?" Oh baka naman naiinsecure ka sa beauty ko?"sumbat niya.
"Umalis ka na nga muna sa harapan ko, baka kung ano pang magawa ko sayo!" inis na taboy niya dito.
"Hmp! ikaw lang ang nakakapagtaboy saakin ng ganito maliban sa aking mga magulan", anito na tila wala pang balak umalis.
"Kung ayaw mong lumabas sa opisinang to ako nalang ang lalabas" aniya.
Kinuha niya ang kanyang bag na nakapatong sa kanyang lamesa pagkatapos ay nagmadali siyang lumabas ng nasabing opisina. Naitik nalamang ni Trickey ng paitaas ang mga mata nito, hindi pinansin ang pagwawalk-out niya.Tinawagan naman ni Amane ang kanyang boyfriend na si Black para makasama niya sa pamamasyal. Gusto niyang Libutin ang buong Hongkong para makalimutan niya ang pagtatalo nila ni Trickey na malimit na mangyari sa kanilang dalawa.
"Where do you want to go?" tanung ni Black para sa kaniya'y marating ang tamang lugar na kanilang pinag-usapan.
"Kahit saan , ikaw na ang bahala." nakasimangot na sagot niya.
Napangiti ng makahulugan ang boyfriend niya na,Filipino American.
YOU ARE READING
Never Gone👣
Romance#Hindi lahat ng tao maaaring manatili sayo Yong iba iniiwan ka pero yong iba nama'y nanatili sayo. People just Come and Go... """Lahat ng tao nagbabago Hindi mo makikita sa umpisa peru unti unti."'' -on going story- #base on true love story