Chapter 70- Shiozuka's Title Drought

177 6 0
                                    

Author's Note:

Hello guys :)

Story update mode na ulit, I hope you enjoy it

----------------------------------------------------------------------------------------



Nessan's POV

SHIOZUKA UNIVERSITY 7 PM

Malapit nang matapos ang first sem, medyo nakakapagod at kailangan ko narin ng pahinga dahil pagod na rin si braincells. Haixt accounting pa!

"Sige Nessan uwi na ako" paalam ng classmate ko.

"Sige ingat ka"

Kamusta na kaya ang practice ng Shiozuka, sa Tuesday na ang finals nila, malamang bangag ang mga yun ngayon dahil nag aral sila para sa final exam kasi after ng championship game nila sa San Agustin, final exam pa namin.

Nakasara ang pintuan ng basketball gym? Diba may practice sila? Ayyy teka? May naririnig akong dribble ng bola, mukhang may tao.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.

"Rodney" mahina kong nasabi.

Oo si Rodney lang ang nasa loob ng gym at nagppractice, nagsshooting siya at nagddribble.

Hindi ko alam ang nasa isip niya pero dapat nagpapahinga na lang muna siya dahil bangag sila ang puyat, pero mukhang hindi naman siya puyat ehh.

Nagulat ako nang nagperform siya ng windmill dunk ngayon lang.

"Kah kah kah" –Rodney

Pinapanood ko lang siya, nahihiya naman akong lapitan siya dahil baka makaistorbo ako sa pagpapractice niya.

Pinulot niya ang bola at nagpatuloy sa pagppractice. Mukhang gustong gusto talaga niyang talunin ang San Agustin, maganda ang ipinakita niyang performance noong eliminations kung saan natalo sila ng 2 points lamang, malaking bagay rin kasi yun at willing talaga siyang manalo ng championship.

Aaminin ko na naging maganda ang performance niya mula noong game nila sa Santo Domingo, nakaharap niya ang high school teammate niyang si Matthew Bantatua at ang foreign player na si Mickey Bankole. Tapos noong semis against Jousei, maganda ang naging performance niya tapos ang clutch free throw niya ang nagpapanalo sa kanila. Siguro kung wala siya sa team, baka wala rin sa finals ngayon ang Shiozuka.


SATURDAY (3 DAYS BEFORE THE FINALS)

Whole day ang schedule ng Shiozuka Jaguars para makapaghanda na sa darating na finals nila.

"Wala na tayong oras, dalawang araw na lang ang practice natin kaya ayusin na natin ang dapat ayusin" –Robin

"Opo!" sigaw ng mga teammates niya.

"Shiozukaaaaa fight!! Fight!! Fight!!!"

"Aba on fire na ang Shiozuka" –Erica

"Syempre naman noh, 3 days na lang at finals na nila"

Hindi lang kami ni Ekaii ang nanonood ng practice game, marami na ring mga estudyante ang nakatutok sa paparating na finals ng Shiozuka.

"Ang daming tao ahh, hindi halatang practice game ito" –Nessan

"Robinnnn!!!!" nagulat kami nang may sumigaw sa tabi namin.

"Nandito kami para suportahan ka, Go captain! Hahahaha!" –Jerick

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon