Mr. Mystery Guy

45 1 0
  • Dedicated kay schatze <3
                                    

“Happy birthday Mayor!” ang sabi ni Jeanne sa kanilang town mayor sa salusalung hinandog ng mangagawa sa munisipyo para sa kanilang minamahal na mayor. Maswerte siya na makapunta sa isang malaking pagtitipon na ito sapagkat mga prominenteng tao lamang ata ang imbitado dito- mayayaman at mga businesmen ata ang mga tao at hindi siya makasunod sa lifestyle nila.

“Salamat iha! Pagbutihin mo ang iyong pagaaral ha!”

“Opo mayor” ang sagot nya. Umalis na din  ang mayor nila para ientertain ang ibang bisita.

Umalis muna si Jeanne sa kasiyahan at tumungo sa isang tahimik na lugar upang magpahinga. Habang nagpapahinga siya ay may papalapit na isang lalaki. Dahil medyo madilim ang kinatatayuan niya ay hindi niya maaninag ito. Ang lalake ay patungo sa kinauupuan niya. Natatakot siya baka rape-in siya. 

“Wag po! gusto ko pa pong mabuhay” sabi niya

“wag kang maingay. Hayaan mo munang yakapin kita”

Tumahimik nalang si Jeanne. Mainit at napakabango ng lalake… naeenjoy siya sa pagkayakap kaya hinayaan nalang niya kahit hindi niya kilala ang lalaking kayakap niya. Kakaiba ang nararamdaman niyang saya sa pagkakayakap ng hindi kilalang lalake.

“Miss, bumalik ka na sa pagdiriwang… kanina ka pa kasing pinagmamasdan ng mga lalaking kakaalis lamang. delikado na ang panahon ngayon kaya magiingat ka.”

Binitawan na ng lalake ang pag kakayakap niya kay Jeanne at umalis na lamang ng walang pagpapakilala.

Tulalang bumalik si Jeanne sa pagdiriwang. Iniisip niya kung sino ang lalaki. Ang yakap, amoy at matipuno nitong pananalita. Sana makilala kita ulit Mr. Mystery Guy

Mr. Mystery GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon