"Daming sinabi Huwag kung ayaw mo, aalis na ako! " Sinundan ko siya ng tingin habang nagmamartsa siya palabas ng bahay. Sinimangutan ko siya ng tumingin siya pabalik.
" Bahala kayo.. sana maenjoy niyo! " Dinampot ko ang walis at nagsimulang maglinis.
Ewan ko na lang kung maeenjoy pa nila 'yon ng hindi ako ang nasa stage na iyon. Umupo ako sa sofa at pinakalma ang sarili.
" Julia.. hindi talaga pwede, e. Kailangan mong sumama, magpalit ka na bilisan mo! Ayaw kong masira 'yong plano naming ni Alicia. " Hinahabol pa niya ang hininga niya ng makarating siya sa bahay. Ibig sabihin, bumalik siya dito para lang kumbinsihin ako? Sweet. Matotouch na sana ako kung hindi lang dahil sa play ang ipinunta niya dito.
" Alicia here, Alicia there, Alicia everywhere. Parati na lang bang siya ang bukambibig mo? Naiirita na ako. At bakit ba ang hirap intindihin na ayaw kong manood ng lecheng play na 'yan. Hindi naman siguro ako mamamatay kung di ako nakapanood diba? " Inirapan ko siya ngunit sinuklian lang niya ako ng madilim niyang mukha. Okay, fine.
Sa huli wala akong nagawa kundi makasama ang dalawa, kahit ang totoo ay talagang isang malaking pagsubok ang pagpayag kong ito. Hindi ako umiimik hanggang sa makapasok kami ng school.
Tumingala ako sa malaking banner ng yearly relive para sa pagpapalabas ng Romeo n Juliette. Nakamuwestra doon ang parehong pormal na sila Kath at Quen. Suot nila ang tulad na tulad na suot ng dalawang bida sa palabas. Magarbong puti at mabulad ang gown ni Kathryn habang may nakapatong na koronang gawa sa binilong bulaklak sa kanyang ulo, magulo ang pagkakaayos sa kanyang buhok ngunit tamang bumagay iyon sa kanya samantalang ang sa kay Enrique naman ay isang sadyang pinalumang kamiseta, walang binago sa kaniyang buhok o ano man ngunit nakakapanibago ang kanyang aura dito. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay napatunayan kong bagay nga ang dalawa o madidismaya dahil hindi ko natupad ang pangarap kong makuha ang titulo.
" Trust me.. " Hinawakan ni Crown ang dalawa kong kamay at ngumiti. Umirap lang ako.
" Ewan ko sayo.. " Suminghap ako at inayos ang hawi ng buhok kong nililipad na ng hangin. Coming here is not a very good idea.
" She's right. Hindi ka namin ilalaglag, Julia. Just listen. " Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon sa likod ko. Sinalubong niya ako gamit ang nagniningning niyang mga mata, si Alicia. Dala-dala niya sa kanyang kamay ang isang malaking paperbag samantalang isang malaking backpack naman ang nakasakbit sa balikat ni Crown. What's with these people bringing some stuffs on a non-classes day!
Mas maganda sana kung nalaman ko agad para nakapagdala rin ako ng isang sakong kamatis at tray ng itlog para mamaya sa show baka sakaling mas gumaan pa ang pakiramdam ko. Nakasuot lang ako ng isang simpleng t-shirt at fitted jeans habang ang dalawa ay parehong nakahanging dress.
Umirap na lang ako sa hangin at nagkusang dumistansya ng mapansing may importanteng pinag-uusapan ang dalawa. I can't help but to feel awkward. Am I going to struggle again to win the attention of my friend? So, I am probably here to witness how everyone moving away from me.
" Julia, hintayin niyo na lang muna ako dito. May kakausapin lang ako saglit. " Narinig kong sabi ni Crown ngunit wala sa akin ang kanyang atensyon. Naglakad siya palayo sa amin.
" Hoy, pasaan ka? Sasama ako! " Humakbang ako upang tawagin siya. Sumenyas lang siya sa akin at ng balingan ko ang naiwan sa gilid kong si Alicia ay di ko napigilang sumimangot. Iniwan niya ako dito kasama ng kaibigan niyang unicorn? Paano ko naman ito pakikisamahan kung alam kong kaibigan rin ito ng mortal kong kaaway?
Sinambunutan ko ang sarili ko at humalukipkip. Iginala ko ang paningin ko upang makita ang mga nakakalat na estyudanteng excited manood ng play. Mas marami ang kumpol ng mga kababaihan kumpara sa mga lalaking interesadong manood.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...