" Clara, why are you eating? " nakapamewang na tanong ni Drew. Pagkagaling niya sa banyo ay naabutan niyang nakain ng sandwich si Clara. " Susunod na kayo? "
" Di nga? " at napa-facepalm na lang si Drew. Agad-agad inubos ni Clara ang sandwich sa isang kagatan lang, nag-ayos ng mukha, at tumayo na. " Nalimutan ko, sht. "
" Pag ang appendix mo, ay nako. "
" Yeah. Yeah. Salamat sa concern, Drew-baby. " pang-aasar ni Clara at tumakbo na siya palabas ng kanilang dressing room.
" Ugh. So irresponsible talaga. "
Pagdating ni Clara sa standby area ay naandun na ang iba pang main dancers ng Paradise artists. Ang susunod kasing stage ay para sa mga dancers. Walang solo si Clara kasi pinakiusapan niya ang choreographer na wag na siyang bigayna ng solo kasi tinatamad na siyang mag practice.
" Bakit umuusok yung ilong ni Drew dun? " nakangiting tanong ni Ice.
" Kumain kasi ako. " nahihiyang sagot ni Clara.
" Hala? Di nga? Kaya mo ba? "
" Oo naman. Sus! Tinapay lang naman yung kinain ko eh. Tsaka di naman masyadong mahaba yung part natin. " nakangiting sagot ni Clara.
" Tsk! Sa susunod wag ka ng kakain ah? "
" Opo na po. Para naman akong bata eh. " nakasimangot na sagot ni Clara, at tumawa pa si Ice.
" Concern lang. " nilapit ni Ice ang kanyang mukha sa mukha ni Clara at piningot ang ilong nito.
" Ano ba, Ice?! Ang sakit eh! " namumula ang ilong ni Clara pati na rin ang pisngi nito. Tinawanan lang siya ni Ice at pumunta na siya sa kanyang senior na si Manny. " Bwiset talaga tung lalaking tuh eh. "
" Bet mo naman. " nakangiting sabi ni Glitter.
" Whatever, Glitter. Why are you here? " napakunot siya ng noo ng nagbago ang expression ni Glitter at parang nasasaktan aty naiiyak. " What? "
Hindi sumagot ang kaibigan at tumakbo na lang papunta kay Teng. " WAHHH~! Tenggie~! CLARY BROKE MY HEART~! "
" What the eff. " napataas na lang ng kilay si Clara at pumunta sa sofa para maupo.
" In your places, everyone. " sabi ng staff sa kanila, at sumunod na nga sila. Ang iba ay pumunta sa ilalim ng stage, ang iba naman ay pumunta sa mga staff na magkakabit sa kanila ng harness, at sila Clara at Ice naman ay nasa magkabilang gilid ng stage.
Sa kanilang mga dancing machines, ang duo ang pinakahuli. Habang inaantay ang turn nila ay sumilip muna si Clara para panuorin ang mga seniors niya. Hindi niya napigilan ang sarili at napapalakpak na din at napasigaw na rin siya tulad ng mga fans. Grabe, kahit nakikita at nakakasama niya ang mga ito sa iisang kumpanya hindi niya mapigilan ang mag fangirl sa mga ito. Masyado siyang nag-eenjoy sa panunuod, at kung di dahil sa isang staff na nagsabi na sila na ang susunod ay hindi pa siya makakaalis sa mundo ng pagpa-fangirl.
Huminga siya ng malalim aty iniayos ang suot na damit. Tumingin siya kay Ice sa kabilang side ng stage at tinanungan ito. Medyo kinakabahan siya dahil first time niyang sasayaw ng ganuong style ng sayaw. Wag kang magkakamali, Clara, bulong niya sa kanyang sarili. At pumunta na silang dalawa ni Ice sa gitna ng stage. Madilim at tanging ilaw lang mula sa lightsticks at LED boards ang makikita. Bumukas ang spotlight na nakatapat sa kanilang dalawa kasabay ng pagsisimula ng tugtog.
Malakas na hiyawan ang nanggaling mula sa fans. Isang malaking neon banner ang inilabas ng mga fans na ang nakasulat ay 'CLARA + ICE = ♥' Napangiti ang dalawa pero sinubukan nilang hindi ito ipahalata sa isat-isa.
[Play the video on the side, please. Thank you (= ]
Habang nagsasayaw sila ay unti-unting nawawala ang ingay ng mga tao sa paligid. Sa paningin ni Clara ay silang dalawa lang ni Ice ang tao doon, at ganoon din naman ang pakiramdam ni Ice. Tumingin si Clara sa mga mata ni Ice at tumingin din ang binata sa kanya. Sa ilang segundong iyon ay sapat na para hindi makahinga ng panandalian si Clara. Tinignan din ni Clara ang buong mukha ni Ice. Lalo talaga itong guma-gwapo kapag nasayaw. Sa paningin naman ni Ice ay lalong gumaganda ang dalaga kapag sumasayaw.
Hindi na nila namalayan na tapos na pala ang part nila. Sa pagbalik nila sa totoong mundo, kasabay noon ang sigawan ng mga tao. At pagbalik nila sa totoong mundo, alam na rin ni Clara ang kanyang totoong nararamdaman. May nararamdaman siya para sa binatang nakatayo katabi niya at nakangiti sa kanya. Nginitian din niya si Ice.
* * * * *
" And the start of the Paradise Tour is a huge SUCCESS~! " sigaw nang kanilang CEO na founder din Paradise Tour. Nasa backstage na silang lahat ngayon dahil katatapos lang ng last stage ng Paradise artists. " Good job, guys! Good job~! " natawa silang lahat dahil tumitinis ang boses ng kanilang boss sa tuwing sumisigaw ito.
" Blow out naman, sir. " biro nang isang manager.
" Sige. Sige. You all deserve a blow out. " pag sang-ayon ni Sr, Teofilo. Maghihiyawan na sana sila pero " Pero I'll decide when. Not now, or tomorrow or next week. But rest assured that I will treat you all. Is that okay? "
" THANK YOU, SIIIIR~! " sigaw nilang lahat.
" Good! Congratulations to all of you, once again! " bago ito tuluyang umalis ay may pahabol pa ito. " No schedules for all of you. Get some R & R, okay? "
Yan ang gusto nila sa kanilang boss. Lahat ng mga heads ng Paradise ay maalaga sa kanilang mga artists. Pag kailangan ng pahinga ay binibigyan nila. May mga panahon na sobrang busy ng schedules nila pero kasunod naman nun ay pahinga. Automatic na yun. Syempre, sila ang puhunan ng kumpanya kaya kailangang alagaan nila ang mga ito.
* * * * *
" Pakibilsan ang pagbaba at ako ay inaantok na. " utos ni Clara kay Teen.
" I am sleepy and tired too, mind you. " sagot neto. Nag roll eyes lang si Clara. Masya ang araw na iyon pero nakakapagod din. After kasi nang concert ay meron pang meet & greet kaya ala-una na ng madaling araw nang makabalik sila sa kanilang dorm.
" Okay, gals. " inaantok na rin ang boses ni Sr. Sam na unti na lang ay dun na sa kotse makaaktulog. " Rest well, okay? You did great. I'll congratulate you properly tomorrow. Good night. " at dun na nga siya nakatulog sa driver's seat.
They half-walked & half-dragged themselves up to their respective rooms. Masakit ang kanilang katawan kaya naman pagpasok nila sa kani-kanilang kwarto ay parang isang magandang tanawin ang kanilang mga kama at inaakit sila nito. Niyakap nila ang kama, at nakatulog na din sila.
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Teen FictionParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi