*Indira’s P.O.V.*
Pagkarating namin sa airport una naming nakita sina Karen at Aries. Agad kong hinanap si Cassie.
“Asan sila? “ Tanong ko agad.
“Andun sila. Kayo na lang ang hinihintay namin. Nauna na sina tita. Kasama nila sina Reika, Sapphire, Den at Pheniel. “ Sabi sakin ni Karen. Si Aries nakatingin lang sakin.
Agad agad ko silang nilapitan. Nakita ko namang natutulog si Cassie habang buhat siya ni Mirko.
“Ok lang ba siya? Did they do something not nice to her? “ Tanong ko kay Mirko.
“No. Wag kang magalala. Dumating kami agad bago pa sila may magawang masama sa kanya. “ Nakangiti niyang sagot. May sasabihin pa sana ako ng biglang nagsalita si Rishi.
“Let’s go. Baka maabutan pa nila tayo.” Tapos nauna na siyang maglakad. Nung makasakay na kami sa eroplano, magkatabi kami ni Mirko. Si Rishi ang katabi ni Cassie.
“May first aid kit ba kayo? “ Tanong ko dun sa Stewardess.
“Yes mam. Do you need it? “ Tanong niya pabalik.
“Yeah. I do need it. “ Sagot ko naman sa kanya.
“Aanhin mo naman yun? “ Tanong sakin ni Mirko pagkaalis nung Stewardess.
“Ang dami mo kayang pasa sa mukha. “
“Wala to. Okay lang ako. “ Sagot niya sakin
Hinawakan ko yung sa side ng lips niya na may bruise at cut. napa aray tuloy siya.
“Ano? Ok ka pa? “ Tanong ko ulit sa kanya.
“Tsk. Gwapo pa den. “ Sabi niya tapos dumating na yung stewardess dala yung first aid kit. Kinuha ko naman yun agad. At binuksan.
“Lapit ka nga dito. Gamutin natin yan. “ Tapos hinawakan ko yung mukha niya. Nagkatitigan tuloy kami. Wengya. Namula ako agad nung bigla siyang ngumiti. Bwisit. Iniwas ko na lang yung tingin ko at idinampi sa may gilid ng labi niya yung bulak.
“Aray naman babe. Dahan dahan lang, ok? Masakit eh. “ Napatingin ako sa kanya. Ngumisi naman siya.