Amy's POV
"Umalis lang ako saglit tapos close na agad kayo?"
Napatigil kami sa kwentuhan at tawanan ng may marinig kaming boses. Napalingon kami dito at nakita si Jeff na may dalang paper bag.
"Haha magaan lang ang loob namin sa kaniya." Sabi ni Nel.
"Bakit pa nga ba ako magtataka eh ganyan din ako sa kaniya." Kibit-balikat na sabi ni Jeff at lumapit sa amin.
"Wait, parang naaamoy ko iyong paborito ko. Bro what's that?" Tanong ni Len at inaamoy ang bitbit ni Jeff na paper bag.
"Tss kapag pagkain talaga ang talas niyang pang-amoy mo."
"Hahaha of course!" Proud na sabi ni Len at kukunin na sana iyong paper bag pero tinulak lang siya ni Jeff.
"This is not yours okay? Mom cooked this for Amy and not for you."
"But I thought I'm her favorite! Imposible na walang sinabi si tita na bigyan mo 'ko?" Nakangusong sabi nito.
"Bro hindi na nga kasi ikaw ang favorite ni tita." Pang-aasar ng kambal niya kaya mas ngumuso siya.
Hindi ko naman napigilan ang pagtawa dahil sa itsura niya. Lumapit pa ako at pinisil ko siya sa cheeks. Nakasanayan ko na kasi kapag ang cute-cute ni Princess sa paningin ko.
"Haha pwede ka namang kumuha Len dahil sa tingin ko hindi namin mauubos 'yan." Sabi ko at agad nagningning ang mga mata niya na parang bata.
"Are you sure Amy?!" Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Oo naman."
"Yahh thank you Amy. You're the best!" Sambit niya at yinakap ako.
Pagkatapos ay agad siyang lumapit kay Jeff. Hindi pa sana nito ibibigay kay Len pero tumango na lang ako at ngumiti.
"Aish ang takaw talaga niyan." Sabi ni Jeff at tinitignan si Len na ngayon ay sinasalin na sa plato ang niluto ni mommy Jess.
"Haha ayos lang yan. Hindi naman siguro magagalit si mommy Jess dahil binigyan ko ang 'favorite' niya." Natatawang sabi ko.
Tumawa na lang din siya at hinintay na matapos si Len. Pagkatapos ay lumapit siya sa amin at ibinigay ang paper bag. Tinignan ni Jeff ang laman nito at nakitang halos kalahati na lang ang laman ng tupperware.
"Tss buti nagtira ka pa." Sarkastikong sabi ni Jeff habang tinitignan ang kaninang punong laman nito.
"Hahaha bro naman. By the way, say thanks to tita Jess and tell her that I miss her already. Especially her recipes. Maybe next time dadalaw ako."
"Okay we need to go, bigyan mo na lang sila." Turo ni Jeff kay Nel at sa pinto na pinasukan noong isa kanina "Let's go Amy."
Palabas na sana kami ng pinto ng magbukas ito at iniluwa ang lalaking iniiwasan ko.
"What are you doing here?"
"Hehe hello?" Sabi ko at nagtago sa likuran ni Jeff.
"Come with me." Sabi niya at hihilahin sana ako pero mas nagtago ako sa likod ni Jeff.
"Ahm next time na lang pangit kakain pa kami eh." Sabi ko at tinulak si Jeff papunta sa pinto at nang makarating kami sa labas ay hinigit ko siya agad palayo doon.
Buti at tanda ko pa ang dinaanan namin kanina dahil kung hindi ay baka kung saan-saan na 'ko nakarating.
"What's with the both of you?"takang tanong ni Jeff habang humihingal dahil malayo-layo rin ang tinakbo namin.
"Hehe wala lang iyon. Saan nga pala tayo pwedeng kumain? Gutom na kasi talaga ako." Palusot ko.
"Ah ganun ba. Sige doon na lang tayo sa favorite place ko. Huwag na tayo kumain sa cafeteria dahil baka ano na namang mangyari sa'yo." Sabi niya at sinimulan ng maglakad.
Nakarating kami sa isang lugar, sa likod ng campus. Matataas na damo ang madadaanan mo at may makikita kang napakataas na puno. Isa lang itong simpleng puno pero ang ganda ng pagkakatayo niya at para kang nasa isang fairytale dahil may mga nakasabit na isang kind of plant na ngayon ko lang nakita.
"Wow! Asan tayo?" Manghang sabi ko dahil nakakita ako ng iba't-ibang klase ng ibon na nagsiliparan nang hawiin namin ang huling damong nadaanan namin.
"Amazing right? This is what I called paradise." Sabi niya at pumunta sa tabi ng puno.
Naglatag siya doon nang isang blanket at inilapag lahat ng laman ng paper bag na dala niya.
"Ang ganda naman dito" Mangha ko pa ring sabi at lumapit sa kaniya.
"Yeah. Dito naman ako tumatambay kapag stress ako. Nakaka-relax kasi."
"Tama ka. Sobrang nakaka-relax nga. Pakiramdam ko ay malayo ako sa siyudad." Nakapikit kong aniya ng maramdaman ang preskong hangin. "Pero ikaw lang ba ang nakakaalam dito?"
"Yes. Likod na bahagi na kasi ito ng school at paniguradong hindi ito pinupuntahan ng ibang istudyante." Sabi niya at hinain na ang mga pagkain."I know you're hungry. Let's eat."
"Luto ba talaga ito ni mommy Jess?" Sabi ko at umupo sa harap niya.
"Yeah. Simula ng makilala ka niya ay puro ikaw na lang ang tinatanong niya sa akin. Actually, feel ko nga ikaw ang totoong anak niya dahil sa sobrang care niya sa'yo."
Tumawa na lang ako at kinuha ang platong inalok niya. Nilagyan niya naman ang plato ko ng maraming pagkain na siyang ikinagulat ko.
"T-teka masyado yatang marami ito!"
"Hahaha kaya mo iyan. Sabi mo gutom ka na 'di ba?"
"Hehe hindi naman masyado."
Tinignan ko naman ang plato ko na puno at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tumunog na kung ano.
"Hahaha hindi pala masyado ah!!" Tumatawang sabi niya kaya napanguso na lang ako at nagsimula ng kumain dahil nahihiya ako sa pagkalam ng sikmura ko.
*****
Allen's Point Of View
"I really hate that girl!"
Simula nang umalis sila Jeff at Amy ay kanina pa salita ng salita si Xian. Kanina niya pa sinasabi na naiinis siya kay Amy. Kapag tinatanong naman namin siya kung bakit ay iniismiran lang kami at lakad ng lakad sa harap namin.
"Bro are you okay?" Tanong ni Nel dito.
"Tss."
"Alam mo bro nahihilo na kami sa'yo. Ang bait-bait kaya ni Amy kaya bakit ka naiinis sa kaniya?" Sabi ko habang kumakain ng luto ni tita Jess.
"Who's Amy?"
"Amethyst Biazon, the scholar, the one that you hate the most?"
"And where did you get that ugly pet name?" Sabi niya at umupo na sa tabi ko.
"Jeff was calling her like that kaya ginaya ko na. Ang cute kaya!"
"Whatever." Sabi niya at pinikit ang mga mata.
Mabait naman talaga si Amy at totoong magaan agad ang loob namin sa kaniya kanina. Masyado lang siguro kaming naging judgemental at pinairal ang pagkaboring namin kaya pumayag kami sa plano last time.
Hindi ko tuloy maiwasang tingnan si Xian habang kumakain dahil biglang may pumasok na kung ano sa isip ko. Isa itong plano na kung saan sisiguraduhin kong magbabati na sila para naman makabawi kami kay Amy.
*****
Vote.Comment.Share
~mikaaa_miks
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Ficção AdolescenteThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...