Kapkap [One Shot Story]

11 1 1
                                    

KAPKAP
-Naih Leighnesylle

"Ikaw, Gardo Delfin ay napatunayang guilty sa salang pagpatay sa pamilya Lazado at napatunayang lumabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na droga. Ikaw ngayon ay hinahatulan ng kamatayan bilang pagsunod sa desisyon ng korte..."

~
"Tay, kailangan po namin ng ₱250 para sa babayarang project sa school."

Napatigil si papa sa pag-gapas ng palay at pagod na tumingin sa akin.

"Sige anak, gagawan natin ng paraan 'yan. Kailan ba ang bayad?"

"Sa lunes ho sana."

"Anak, di ko maipapangakong mababayaran mo 'yon. Alam mo namang salat tayo at pagsasaka lang ang hanapbuhay ko." sagot ni tatay saka muling yumuko para maggapas ng palay.

"Naiintindihan ko po." sagot ko. "Sige tay pasok na po ako, baka malate pa ako." paalam ko saka binitbit ang bag ko at naglakad na.

"HEIDI nasabi mo na ba na may babayaran kayo?"

"Opo ma'am."

"Hanggang ngayong Lunes lang 'yon. Kapag di ka nakapagbayad, di ka makakagawa ng project." muling sambit ni Ma'am Gonzales.

Napayuko na lang ako dahil di nga sapat ang perang dala ko para magbayad.

"Ma'am di pa po kasi nakukuha ni tatay yung pera galing sa nasaka niya no'ng Sabado. Pasensya na po." nakayukong sabi ko.

"Gawa'n niyo ng paraan. Makaaapekto 'yan sa grades mo lalo na't honor student ka pa naman. Bibigyan pa kita ng isang araw para mabayaran 'yon. Class dismissed."

Nang makalabas si ma'am ay lumapit sa 'kin si Mayla, kagrupo ko.

"Heidi 'yung ₱50 daw na bayad sa ambagan. Hanggang ngayon na lang daw 'yon." aniya.

Nilabas ko ang natitirang pera sa bulsa ko at pinakita 'yon sa kanya, ₱25.

"Yan na lang ang natititang pera ko Mayla. Pwede bang bukas na 'yung kalahati?" pakiusap ko.

"Sige, aabonohan ko muna basta bukas magbayad ka ah?" sagot niya.

"Oo sige. Salamat talaga."

Natapos ang klase, maggagabi na nang makauwi ako. Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko ang tatay ko sa kabilang tabi ng kalsada at may kausap na lalaki. Sa pag-aakalang kaibigan niya 'yon ay lumapit ako at narinig ko ang usapan nila.

"Sige pre, dalhin mo na lang 'yan kay pareng Rico. Bukas na hati mo."

"Pre baka naman mahuli ako nito?"

"Hindi 'yan. Itatakbo mo lang naman. Malaking kita 'to pre, ikaw ang bahala."

Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nila. Anong dadalhin ni tatay?

"T-tay!" kalaunan ay tawag ko. Gulat pa sila sa pagtawag ko at natigilan. Pagkadaka ay lumingon sila sa gawi ko.

"A-anak, anong ginagawa mo rito? Gabi na ah?" tanong ni papa at may tinago sa bulsa. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya pero sumagot din at di na pinansin ang kung ano mang bagay na itinago niya.

"May tinapos pa ho kasi kami ng mga kaklase ko kaya ngayon lang ako nakauwi. Kayo po? Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko saka napatingin sa lalaking katabi niya.

"Sige pre una na ako. Bukas na lang." paalam ng lalaki. Tumango lang si tatay saka muling tumingin sa akin.

"Wala 'yon nak, kumpare ko lang. Uwi na tayo." sagot niya.

KapkapWhere stories live. Discover now