DeviL's GRIP 26: GAME 2

910 22 0
                                    

*GAME 2*

(TRISTAN'S POV)

Nang nalubog na kami sa tubig. Agad naman itong bumaba. At nawala nang tubig sa paligid.

Kasabay nun ang katahimikan kay Darren. Nilingon ko si Sandy at nakatingin sya sa monitor.

"Narinig mo ba yung pagsabog kanina?" tanong ni Sandy sa akin. Kanina... bago malubog sa tubig ang katawan namin. Nasabi ni Darren lahat lahat bago nangyare ang pagsabog. "hindi na sya sumasagot... sa tingin mo? Pa---" sabi nya at agad kong inudlutan.

"hindi mangyayare yun sa kanya.." sabi ko. "para saan pa lahat kung may nawawala ni isa sa atin... sya a ang nagsabi nyan" dugtong ko.

Sa monitor. May nakasulat. Sa monitor kung saan nakita namin ang pangyayare o laro na naganap kasama si Darren.

'GAMEOVER'

"Si Silencer at si Darren ay wala na sa laro.... Susunod na lalaban" sabi ng boses na halata naman na si Devil. Gamit nya ang radio room ng academy namin. Kung saan kahit nasaang sulok ka ng academy maririnig ang mga announcement. "si June..." dugtong nito.

Napatingin kami sa monitor at nakita namin si June.

"JUNE!!!" sigaw ko at sinusubukang i-Contact si June. "SUMAGOT KA!!!" sigaw ko.

"Si June... nakita ko syang laging kasama si Angela mga nakaraang araw lang" sabi ni Sandy "Kaya pati si Angela nadamay sa larong toh... yung mga kahinaan natin ang tatalo sa mga sarili natin." Sabi ni Sandy.

"hindi ka ba naniniwala sa kakayahan ni June?" tanong ko sa kanya. Nilingon sya at napatingin sya sa akin "kakambal ko sya. Kailanman kahit hindi kami magkasundo...alam ko na hindi sya susuko sa lahat ng bagay... maski ang di mo maiisip na kaya nyang gawin... kayang kaya nya" sabi ko sa kanya.

(JUNE'S POV)

Ano ba tong lugar na toh?! May kung anong pinaamoy sa akin para lang magising, ammonia?

Ba't ba ako nandito? Teka? Nasaan ba ako?

Nagising na lang ako na nakasabit sa isang balon at nakagapos ng bug wire. Medyo masakit ang sugat sanhi ng pagkabaon ng mga tinik tinik sa braso tyan at likod ko.

"June!!!" sigaw ni Angela sa harap ko. O_O Ba't nadamay sya ditto? "June?" sabi ni Angela.

May isang lalaki nan aka mascara ang nabuhos sa akin ng tubig.

"SIRA ULO KA AHHH!" sigaw ko sa lalaking yun at dinuraan sya. Bigla naman nya akong sinuntok sa mukha. "YUN LANG? WALA KA PA LANG BINATBAT EH!" sigaw ko sa kanya.

"HOY! IKAW NA NGAYON ANG MAGLALARO!!! KUNG MAPAPANSIN MO NASA SINUMPANG BALON KA!!!!" sabi ng taong yun at napatingin ako sa baba nasa baba ko nga yung balon. Hindi ko alam kung pano ako napunta ditto. "Nakikita mo na? at sa larong toh hindi lang ikaw ang kasali... kasama din ang babaeng toh!" sabi nya at ginapos ang ilang kamay ni Angela sa puno.

"Subukan mo syang saktan! Walang latay yang mata mo kapag nakawala ako ditto!" pagbabanta ko sa kanya. "Humanda ka sa akin! Sisiguraduhin kong hindi ka na masisikatan ng araw!" sigaw ko sa kanya.

"Patawa ka rin eh noh! Sa tingin mo hahayaan kong gawin mo sa akin yun!? Baka nga ikaw pa ang hindi masikatan ng araw eh!?" pagmamayabang ng taong yun. "baka puro salita ka lang!" sabi pa nya.

Mas gusto ko pang magbigti kaysa makausap ang taong ito! Daig pa ang may sapak kung makapagyabang sa akin!

"Tumigil ka na!" sabi ko. "Naaksaya lang ang oras ko kakadaldal mo!" sabi ko. At sa pagkakaapos ko narita ko ang isang kandado.

LiveD Academy: DeviL's Grip  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon