WAKAS

3.1K 115 53
                                    

Shine POV.

Matapos din naming magka-aminan ni Luke sa gitna ng dagat.

Gitna talaga ng dagat. Kung saan sakay kami ng yati na sa akin DAW ay bumalik na rin kami kinabukasan sa lungsod. Paano ba naman kasi kina-umagahan non ay nakaramdam ako ng hilo at nagsusuka din ako.

Agad nya akong dinala sa ospital at nalaman din namin agad ang resulta.

Buntis ako.

Takang-taka pa ako ng oras na yon, samantalang si Luke ay walang paglagyan ng tuwa sa nalaman.

Dahil sa pagtataka ay nagtanong ako sa Doctorang tumingin sa akin kung paano nangyari yon. Samantalang nag pipills ako ng walang palya. Hanggang sa sumagot ang magaling na lalaki.

Inamin nya ang lahat. Sinabi nyang pinalitan nya raw ng candy ang mga pills ko. Kaya pala lagi nya akong tinatanong dati kung may bago ba akong pills.

Buong akala ko non sinisigurado nya lang na hindi ako mabubuntis yon pala ginagawan na nya ako ng kalokuhan ng hindi ko nalalaman at hindi ko nahahalata.

Hindi ko rin sya kina-usap ng ilang oras non. Hindi naman ako galit. Parang mix emotion lang, masaya na excited na ewan.

Isa lang naman ang sigurado ko eh, mahal ko si Luke at kahit ano pa yata ang gagawin nya ay kaya kong intindihan at kaya ko syang patawarin.

Tanga ba?

Nagmahal tayo eh.

Hindi na rin pumayag si Luke na umuwi pa ako sa apartment ko. Yong araw din na iyon ay dinala na nya ako sa bahay ng magulang nya. At pinakilala bilang asawa.

Gulat ang mga magulang nya. Gusto ko nga sabihin na huwag kayong mag-alala, iisa lang ang reaksyon natin. Pero syempre wala akong planong sabihin yon. Ne hindi nga ako makapag salita. Kahit na kasi maganda at mukhang mabait naman ang mga magulang ni Luke ay nandon pa rin ang kaba. Lalo at binigla lang din sila ni Luke na may asawa na sya.

Ako man siguro ang nasa kalagayan nila ay magugulat din. Biruin mo aalis ang anak mong single tapos pag uwi kasal na? Sinong hindi magugulat di ba?

Hindi naman daw sila galit sa akin pero nagtatampo lang sila kay Luke. Dahil engranding kasal daw ang nais nila.

At dahil nga sa gusto nila ang engranding kasal ay agad na ginawa ni Luke.

Wala na kaming sinayang na sandali. Agad na inayos ang papel namin at kahit na ano pa mang gagamitin para sa kasal. At gaya ng gusto ng Mommy ni Luke, magarbo nga ang naging kasal namin. Pinag-usapan hindi lang sa bayan namin kundi ng mga social media. Nagmukhang prinsesa ako samantalang prinsipe naman si Luke.

Kailan man hindi ko naisip na mangyayari yon. BUong akala ko hanggang pang Kabit lang ang papel ko sa buhay nya, yon pala ay may hihigit pa.

"Anong iniisip mo?"tanong nya habang nayakap sya sa likod ko.

Nandito kami sa Dubai para sa aming Honeymoon. Ayaw ko na nga sana tutal buntis na ako pero ito ang iniregalo sa amin ng mga byanan ko.

"Ikaw,tayo. Hindi ko kasi inisip na magiging ganito tayo, buong akala ko pang Kabit lang ako!"

"Hindi ka ganon, Shine. Deserve mo to, deserve mong maging prinsesa, prinsesa ng buhay ko. I love you Shine!"

"Mahal din kita!"

''Tara na?''

''Saan?''kunwaring tanong ko pero alam ko na ang gusto nya.

''Sa kamang kanina pa naghihintay at naghihikayat na binyagan natin!''pilyong sabi nya.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon