"Maggie!!! Gumising ka na, nagugutom na ko!!! "
"Arghh!!! Ano ba! Ang ingay mo." kinapa ko ang aking alarm clock habang nakapikit at itinapon sa kung san man nanggagaling ang maingay na tinig.
"Ouch, grabe ka naman, napaka sadista mo talaga. Bumangon ka na kasi please, kanina pa ko dito pero ang tagal mo magising kaya inakyat na kita. Haha"
Aish!
Arghh! Sinong lapastangan ba tong nag-iingay?
"Ang sakit sa ulo ng bunganga mo Annika, aish ang aga aga ang nanggugulo ka." Bulyaw ko sa aking pinsan habang bumabangon sa pagkakahiga sabay sama ng tingin sa kanya.
Pero wala man lang epekto at tumatawa pa syang naglulundag sa kama ko.
"Hoy babae, 11am na kaya. So technically magtatanghali na. Aish siguro gumala ka naman kagabi no kaya ganyan ka? Isusumbong kita kay tita. "
"Whatever, bumaba ka na nga at susunod na ko dun sa kusina. Ang dami mo pang sinasabi di kita pakainin dyan eh!" banta ko sa kanya. Kaya naman ang loka dali-daling bumaba sa kama at tumakbo palabas ng kwarto ko.
Pambihirang babae basta talaga pagkain gagawin lahat. Nagpunta na ko sa banyo para mag-ayos ng sarili bago bumaba sa kusina.
Pababa pa lang ako ng hagdan ng salubungin ako ni Annicka at hinila papuntang kusina para daw makapagluto na ko.
"Wala ka bang pagkain sa inyo at dito ka nanggugulo?" tanong ko habang nagpiprito ng bacon.
"Wala, haha at isa pa I thought na sayang naman yung pagkain na lulutuin mo kasi di mo naman yun mauubos lahat since mag-isa ka lang din dito sa condo mo."
"Ang sabihin mo di ka lang talaga marunong magluto, di pa rin ba umuuwi sina Tita Claire?"
"Yep, nasa Australia pa din sila Mom and Dad. I think tomorrow pa flight nila pabalik dito."
"Bakit kasi di ka sumama sa kanila, eh di sana di ako napiperwisyo ng dahil sayo." reklamo ko sa kanya.
"Ang harsh mo talaga magsalita, parang di kita pinsan ah. Well, buti na alang sanay na ko sayo. Haha"
"Tss." tanging sagot ko sabay inom ng kape ko.
"Oh ayan, kain." inilapag ko sa mesa ang omelette, bacon at pancake na niluto ko.
^______^
"Waah, sa wakas makakakain na rin ako, teka bakit walang rice insan?" tinaasan ko lang sya ng kilay sabay inom ulit ng kape at subo ng pancake.
"Hanggang ngayon ba naman, di ka pa rin nagaalmusal ng kanin? Ang weird mo talaga, ang sarap sarap ng kanin sa umaga eh. "
"Don't wanna." Maikling sagot ko sa kanya.
"Hay naku nagsisimula ka na naman sa mga one liner mong sagot. Confirmed na gising na diwa mo." sinamaan ko na lang ulit sya ng tingin at punagpatuloy ang pagsimsim sa kape ko.
Inilabas ko na din ang laptop ko at nagsimulang magtype ng marinig ko na naman ang maingay na boses ng aking pinsan. Tumingin lang ako sa kanya at nahintay sa sasabihin nito.
"So natapos mo na ba yung latest story mo? Ano ng next plot? Ganun pa din ba sa dating gawi ang gagawin mo?" seryosong tanong nya saken.
"Yeah. " sagot ko.
"Hay naku talaga, sinasabi ko sayo kapag yan bumalik sayo bahala ka. Magpapanggap ka na naman ng ibang personality dahil lang sa main character ng story mo?" bulalas nito saken.