Chapter 7: That Tinapay

109 4 0
                                    

Galing akong palengke. Naubusan na ng stock si Jose sa ref nya kaya nagpabili sakin. Napadaand din ako sa bakery kaya bumili akong tinapay.

"Jose!! tikman mo tong binili ko doon malapit sa palengke!" Pinakita ko ito sa kanya.

"Kanino naman galing yung pinangbili mo dyan sa tinapay na yan?" tanong nya kahit halata naman na alam nya kung kanino galing.

"Sayo!!" napabuntong hininga sya

"Dapat pala di ko na tinanong. Matik naman palang akin galing yung pera. Oh sya akin na" kumuha sya ng isa at tinikman ito.

"Ang sarap ah. Magkano mo to binili?"

"Di ko na binebenta yan kaya wag mo ng alamin"

"Di nga. Ang sarap eh. Magkano bili mo?"

"Limang piso isa."

"Ang mura naman pala eh,"

"Sarap no?" puno yung bibig ni Jose mukhang nagustuhan nya ah.

"Oo. Anong pangalan ng tinapay na to?" tuloy tuloy lang syang kumakain. Bwahahah mukhang napasarap sobra.

"Pande Regla" kaswal kong sabi. Napatigil sya at dumiretso sa lababo. Naduwak sya. Sinuka nya lahat ng nakain nyang tinapay. Akala ko ba masarap?!

"Masarap naman yan ah!"

"Ibig sabihin.... yung pula doon ay regla?"

"Ha? hindi ah! tawag lang yon jan sa tinapay na yan!"

"Aaaaaah... akala ko lang naman"

"Bili pa ko kung gusto mo. Libre ko pa!" maligalig kong sabi. Mukha kasing nagustuhan nya eh.

"HINDE!! wag na ibig kong sabihin! ok lang busog na ko"

"Busog, Sinuka mo nga." yan lang nasabi ko at umalis na ko ng nakatagilid. Wala lang trip ko lang. Ginagaya lang ang mga talangka.

***

"Sumama ka sakin mamaya Inday" Grabe toh. Sarap sarap ng upo ko habang nanonood tapos sisingit nalang at uupo na kulang na lang humilata na.

"Ha? San tayo pupunta?"

"Sa Parlor" kaswal nyang sabi habang nanonood din sa sala.

"Ano naman gagawin natin don?"

"Kakain ng buhok" sabi nya ng pacool. Kung sa cartoons to panigurado biglang magkakasalamin toh.

"Aba't!! Loko ka ah! dunggulin ko yang ngala-ngala mo makita mo" Tapos sinamaan ko sya ng tingin. Aba! kasi naman ayaw akong sagutin ng maayos!

"Malamang magpapaayos. Parlor nga diba? alangan naman kasi na kumain ka doon. Isip isip din Inday." napanguso ako sa sinabi nya. Tama nga naman. PERO ANG PILOSOPO NAMAN KASI!! NAKAKAPANG-INIT NG ULO.

"Bat ba tayo pupunta don?" nakanguso pa rin ako. Aba, eh sa wala akong maipalag kanina eh.

"Papaayusan kita, Panget mo kasi eh" at lalo akong napanguso sa sinabi nyang yon. Ang sama nya! wala syang puso! walang kaluluwa! walang balun-balunan! walan konsensya! walang awa! basta! wala sya! Umalis nalang ako kesa naman mabigwasan ko pa tong si Jose. At dahil nakanguso nga ako shempre padabog akong umalis. Yun bang bawat hakbang ko lumulubog sa sobrang pagdadabog. Pero shempre biro lang yon. Di ko kaya ang ganoon no! nakatiles kaya ang sahig nila.

***

Andito kami ngayon sa Parlor. Nakaupo ako sa harap ng isang malaking salamin at kung ano anong nakalagay sa ulo ko. Curlers daw tawag don. Narinig ko nung sinabi nung baklang nag-aayos sakin. sabi nya ganito oh "paabot naman ng curlers batla" sabi nya yan sa kapwa nya bakla. Kung pano ako nakapunta dito. Shempre may nagsama sakin. Alam ko namang kilala nyo ang tinutukoy ko. Walang iba kung di si...... tentenenen! tentententen! SI JOSE! na ngayon ay walang ibang kaharap kundi ang mga magazine. Halatang bored na eh. Ganda pa ng upo. akala mo pagmamay-ari nya yung upuan.

"Malapit na matapos. Kuu~ ke gandang bata mo naman girl! lalagyan ka na namin ng make-up." nginitian ko na lang na kunwari ay nahihiya ako. hahahaha alam ko naman na maganda ako eh. hahahaha. I'm prouding my own talaga!

Sinimulan na nya akong lagyan ng make-up. Sanay naman ako lagyan nyan. kasi nung nilaban ako bakla din nagmake-up sakin. Naalala ko pa ang ganda ko nung. sobra sobrang blush-on ang nasa pisngi ko. Tapos pulang pula yung lips stick ko. Ang ganda ko talaga non.

"Ayan! tapos na sa make-up. And for the last drop...." may ipinakitang damit yung bakla. Ang ganda nung damit.

"Ay sir. Excuse po muna. Antayin nyo na lang po sya doon sa labas. Aayusin lang po namin yung sa damit nya." sabi nung isa pang bakla. Nakabihis na kasi si Jose kanina pa. Ang.... Ang g-gwapo nya nga sa suot nyang amerikana. Di ko lang tinitignan baka sabihin nun nagagwapuhan ako sa kanya.

"Pakibilisan lang ah. Magsisimula na yung party" sabi lang ni Jose at lumabas na.

"Sige po"

"Maiinlove lalo sayo yang si Sir Joe pag naisuot na mo na ting damit na toh girl!" sabi nya nang may tunog ng pagkakilig. Lande nitong baklang toh! hahahah ayon. isinuot ko na yung damit na pinabibihis sakin nung bakla. Nang lumabas na ko ng dressing room daw. Nabasa ko lang. Grabe yung bakla! tumili na! kanina kinikilig lang.

"Sabi ko na nga ba! ang ganda mo girl!" may inayos lang sya ng onti tapos pinalabas nya na ko.

Lumabas na ako sa pintuan. Alangan naman sa bintana. Haler! dress tiong suot ko baka makita panty ko pag doon ako dumaan. At isipin pa ng iba na akyat Parlor ako. Ayun nga nasa labas na ako. Tinignan ako ni Jose. Bigla tuloy akong nahiya. Nakatitig lang sya sakin. hala! ang ganda ko!

"Jose! tara na!" wala akong tugon na nakuha mula sa kanya. Nakatulala sya sakin eh! parang nakakita lang ng multo... multo? Hala! wag mong.... wag... hindi!! waaaaaaaah!! di pa naman ako multo diba? diba?

"Jose... sabihin mo! buhay pa ko diba? diba? waaaaaaaah!!" niyuyugyog kong sabi sa kanya.

"Jose! Jose!! bat di ka sumasagot!! waaaaah!!" ayaw nya talaga magsalita! napipi na ba sya?

"Jose! aba! pag di ka sumagot jan sasapakin kita!" pagbabanta ko. tutuntong ako sa upuan para maabot ko mukha nya! nyahahaha! aym sow galeng! i am prouding myself.

"Ha?" wow! ang daming kong sinabi, yun lang nakuha kong sagot! at di pa nasagot ang tanong ko! huhuhuhu

"Buhay pa ako diba?"

"Ha? Oo. Tanga neto" awws! tanga pa ko. tinignan ko nga ng masama. Umalis na kami at pumunta sa sasakyan nya. Sa truck joke lang sa kotse.

"Teka, bakit ba ako ang isinama mo dito? pwede namang yung iba nalang?" nakakapagtaka kasi eh.

"Kasi.... basta! wag ka na lang magtanong!" grabe to! ang sama huhuhu

"Ang daya" nakanguso kong sabi.

"Tss" tinuon na nya yung atensyon nya sa kalsada.

***

WOOOOOW!!! HANGGANDA GANDA DITO!! NAKAKATANGE!! basta! ang ganda ganda!

Inday Wanders!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon