Cutting classes
________________
Shaznae's POV.
"Eto na yung order mo" si Sabrina pala, tapos na pala itong umorder.
"Oh, andyan na pala kayo. Asan si Elaiza?" tanong nito ng napansin si Thalia
"Ayun, kakaorder lang. Antagal nga eh" sagot nito
Kinuha ko nalang yung inorder ko saka na nagsimulang lantakan yon.
"Hoy! Bayad mo!" Ay hehe, nakalimutan kong magbayad
"Libre mo nalang" nakangising sagot ko pero inirapanlang niya ako. Amp.
"Tse, Mamamo Libre."
"Oo na!" Sagot ko saka binigay sakanya yung 200, kahit sobra sobra payun. Bait ako eh :>
"Good" anya nito at ang walanghiya! Walang balak ibigay yung sukli!
Ah! Whatever.
Nagsimula narin itong kumai habang si Thalia naman ay nakatitig lang
Anak ng! Nawawalan ako ng gana pag may tumititig eh!
"Hoy! Tumutulo nayang laway mo oh! Wag ka ngang tumititig!" sambit ko
"Lol, assumera! Gutom nako eh!"
Inirapan kolang siya at ilang minuto lang at dumating nasi Elaiza, aba ang bilis ata neto?
"Eto naaaaaaa" anya ni Elaiza saka nito ibinigay ang sandimakmak na pagkain ni Thalia
"Sayo lahat yan?" Di makapaniwalang tanong ni Sabrina
"OO! HEHEHE" tss.
Pagkatapos nun, kumain na ang lahat, takte! Bitin pa ata sakin tong fries.
---
"Anak ng! Bilisan monga dyan Thaliaaa!! Malalate tayo niyan eh!" Reklamo ko sakaniya
Paano kaya dipa ito tapos kumain!
"Bakit naman kasi andami mong inorder?! Aish" anya nadin ni Sabrina pero inirapan lang siya nito
*kringggggggggggg*
Pakeningshet! Wala naaaa!!!!
"Hoy Thaliaaa!!! Tara naaaa" naghyhyisterical na anya ni Elaiza
Naman kasi eh, "tara na!" Sigaw ko dito kaya padabog nitong binaba yung coke niya at tumayo
"Aish! Fine!" Sagot nito saka kinuha ang bag nito
"Wala na, late natayo" walang ganang sambit ni Sabrina
"Wala tayong magagawa, ano tara na" sagot ko saka na naglakad
Sheyt, ang sungit pamo ni Sir Halili. Naman kase eh!!
"Wag nalang tayong pumasok" biglang sambit ni Elaiza kaya muntik ng malunok ni Sabrina yung candy na nasa bibig niya.
"WHAAAAAT?!" sabay naming tanong
"Ano? Tara cutting. Mall?" Mapanuksong ngiti na sambit nito.
"Are you out of your mind?!" Pasigaw na tanong ni Thalia
"Diko naman to maiisip kung di tayo malalate ng dahil sayo!!" Sigaw pabalik ni Elaiza sakanya
Napailing nalang kami ni Sabrina, tatakas kami? Sounds good but hindi ko ata kaya.
"Edi ako na may kasalanan! Tse" napairap nalang si Elaiza sakanya at tinalikruran niya ito
Humarap naman siya samin, "ano?! Ayaw niyo din?!"
napailing nalang kami, tinignan ko si Sabrina and she's giving me a 'tara na, mukhang nakakaenjoy!' Look.
"Sabi ko na--"
"Sasama kami!" Sabay na sambit namin at napasigaw nalang si Thalia sa likod
"Aba! At magcucutting talaga kayo ah!"
Okay lang kahit isigaw niya yun, wala ng tao sa hallway eh. Nasa mga kanya kanya nasilang pasok.
"Yeah, pero kung ayaw mo we're not forcing you. Pumasok kana sa klase natin at mabusog ka sana sa sermon n--"
"Aish! Fineee! Tara mag mall!" Napangiti nalang kami at tinungo ang dulo ng campus
Duon kasi kami tatakas, aakyat kami.
---
(At the mall)
"Phew, andami na nito" anya ni Thalia habang bitbit yung pitong paperbags
Yeah, sobra kaming nagenjoy sa pagshopping at di namin namalayan na may tig-pitong paperbags.
"Si ma'am Pineda na niyan ang next teacher, patapos na period ni Sir" anya bigla ni Sabrina
"Eh ano ngayon?" Tanong naman ni Elaiza
"Pasok na tayo, diko ata kakayanin kung magaabsent pa tayo sa hisyory class natin!"
"Oo na! Jusq" sagot ni Elaiza
At ayun nga, naglakad nakami palabas ng Mall..
---
"Sorry ma'am, we're late" sabay sabay na sambit namin
Nakayuko kami ngayon sa harap ng klase, sheyt nakakahiya!
"Absent kayo sa History class ko! Kahit pumasok kayo!"
"Pero ma--"
"Walang pero, pero."
Nakayukong umupo kami sa mga pwsto namin, kung nagtataka kayo kung nasaan ang mga paperbags namin.
Nasa mga lockers namin yun bago pumasok dito, di naman kami tanga kung isasama namin yun sa klase namin edi nabuking kami!
"Saan kayo galing?" Tanong ni Crisanne. Classmate namin.
"Wala" tipid na sagot ko
"Ahh."
"So okay, sino ng nakagawa ng assignment niyo?"
Aish, oo nga pala meron pala kaming assignment. Pero sa wednesday naman yung deadline eh.
Meron naman nagtaas ng kamay, pero konti lang yung mga gumawa.
Nagpacheck na sila habang yung iba naman na wala pang assignment naglelecture.
Kinuha ko yung notebook ko at ballpen at nagsimula ng maglecture, nakita ko naman si Thalia na nilabas yung cellphone nito.
"Hoy, wag mong sabihin di ka maglelecture" anya ko dito pero mabilis naman itong napailing
"Gaga, maglelecture ako noh." Napakunot naman nuo ko, "eh anong gagawin mo diyan?" Tanong ko
"Pipicturan ko, diko makita eh! Hehe" what the.. Malabo naba mata nito?
"Malabo naba mata mo?" Tanong ko, "hindi naman, medyo lang kasi naman ang liit ng sulat ni Ma'am" sagot naman neto.
Napa-ahh nalang, "ikaw ba, malabo nadin ba mata mo?" Tanong bigla nito
"Medyo" sagot ko, oo malabo nadin konti mata ko, sobra gadgets eh
Pinicturan na niya ito, pero ako kita ko pa naman kaya nagsimula nakong kumopya sa board.
____________
800+ words lang nagawa ko, wala nakong maisip eh. Happy reading!
YOU ARE READING
Being POSER
Teen FictionGraphics by: @-CHESCY00T Dakilang POSER? Did you mean Shaznae Gueverra? Highest rank: #14 in poser (ONGOING)