Chapter 21- Accepted

171 15 1
                                    


(Naomi's PoV)


Galit ba sya?

Tahimik lang kami at wala pa ring nagsasalita samin


Nakatungo lang ako habang sinusulyapan ang reaksyon nya at sya naman nakatingin lang sa coffee sa harap nya

Nilakasan ko na ang loob ko at tinanong sya


"G-Galit ka ba?" 


Bumuntong hininga sya


"Tingin mo anong magiging reaksyon ko? Matutuwa? Maiiyak? Magtatatalon dahil nalaman kong naloko pala ako ng so-called bff ko?"

Sinabi nya yon gamit ang mahinahong boses. Galit nga sya .____.


"S-Sorry. Alam ko namang magagali-------"


"Wahahahahaaha. Nadala ka ng acting skills ko! DYOSA TALAGA AKO! Ay wait baka may makarinig. So tingin mo talaga galit ako? Ano ka ba?! Tinanggap mo nga ang pagka-bading ko kahit ngayon mo lang ako na meet. Wait... Kailan ka nga ba sumulpot sa world na toh ha?"

Napatingin ako bigla sa kanya

0___________0


Hindi sya galit?


"A-Ah......Nagkapalit kasi kami ni Noemi nung naaksidente kami. Simula nung nagkita tayo sa park ako na yon"


Tumango-tango naman sya na para bang nage-gets yung sinabi ko


"Wait gurl...kwento mo nga sakin.....Bakit wala dito ang real kong beshie at ikaw na kabute ka ang present? Dali! Naguguluhan ang beauty ko"-sabi nya ng pabulong sakin


"Ganito kasi yun....."



AT SINIMULAN NA NAMIN ANG MAHABA-HABANG KWENTUHAN


Kinwento ko lahat sa kanya. As in lahat! Simula sa pagiging manhater ng mommy ko hanggang nagkapalit kami ni Noemi at poof! Napunta ako dito sa lugar na toh


Masasabi kong mapagkakatiwalaan sya kasi ako na nga tong niloko sya pero hindi pa rin sya nagalit.


"Grabe gurl! As in?! Ang gulo naman pala ng life mo! Edi in trouble ka ngayon kasi nga hindi ka sanay makipag-interact sa mga lalaki then biglang makakasalamuha mo ang mga kapatid ni Noemi?"-sya habang hawak-hawak ang kamay ko na pinipilit pa akong magkwento


"Hmmm...Nung una Oo. Kasi hindi ko alam kung paano sila kakausapin o pakikitunguhan pero nung makita ko yung mga ugali nila, hindi naman na ako nahirapang ituring silang tunay na mga kapatid. Actually, mas nahihirapan nga akong pakitunguhan yung pinsan nyang siraulo eh"


Totoo naman yung sinasabi ko. Nakakahighblood yung Trake na yun ang sarap sipain palabas ng earth 

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon