Chapter 1

4 0 0
                                    

Author's note: Please leave a comment and don't forget to vote. Thanks.

__________________


JAENA LOUISE HERNANDEZ's POV

"One, Two, Three... Say Cheeeeesseee"

*Click*

Isang flash ng camera ang tumama sa buong paligid.

"Jaena. I told you to smile"

Pagrereklamo ng babaeng nasa harapan ko. Gail Kyline Ramos, my best friend. She is 18 years old.

"And I already told you that I don't want to"

I said maintaining my poker face.

I am Jaena Louise Hernandez. 18 years old din. Gail and I were both first year college taking business Management.

"Fine! Ba't nga ba naman ako nakiusap na mag- smile ka eh di mo rin lang naman gagawin" She just rolled her eyes

Nandito kami ngayon sa likod ng Business Administration Building. Napaka ganda kase ng lugar na ito. Isang payapang garden na napaliligiran ng mababangong bulaklak. May ilan-ilan pang nagliliparang paru-paro.

At gusto akong kuhanan ng litrato ni Gail, habang naka hawak ng tulips flower. She want me to smile, but like I always did,... Hindi ko iyon ginawa.

Why? Bakit nga ba kailangan ko pang ngumiti eh durog na durog na ang puso ko.

Muli akong pumikit at dinama ang sariwang simoy ng hangin. Ngunit sana ay di ko nalang iyon ginawa dahil bumalik nanaman ang senaryong gustong gusto KO ng kalimutan.

"Time of death 6:16 pm"

"Time of death 7:28 pm"

"Time of death 7:42 pm"

"Jaena"

"Time of death 3:26 am"

"Jaena!"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng maramdang niyu-yugyog  ang balikat ko.

"Umiiyak ka nanaman"

Nag-aalala niyang saad. Agad akong napahawak sa pisngi ko, at tama nga siya, umiiyak nanaman ako.

"Naalala mo nanaman sila?"

Punong puno ng awa at pag aalala ang mababakas mo sa mga mata ni Gail.

Mahina akong napatango, ngunit kasabay 'non ang pagbagsak nanaman ng mga luha ko.

Agad akong niyakap ni Gail kaya mas lalong lumakas ang hikbi ko.

"K-kailan ko ba sila makakalimutan? B-bakit habang tumatagal parang mas lalong s-sumasakit Gail?"

"Ssshhh. Tama na. Alam mong ayaw nilang nakikita ka nilang nagkakaganito"

Mahina niyang hinahagod ang likod ko

"B-bakit kailangan pang mangyari ito sa akin. M-miss ko na sila. M-miss ko na siya. Sana ako nalang ang nawala----Aray!"

Agad akong binatukan ni Gail.

"Siraulo ka talaga. Halika na nga! Baka late na tayo sa klase"

Tumayo na siya. Agad ko namang pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim atsaka tumayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything in One SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon