Napatingin kami sa entrance ng cafeteria ng pumasok ang grupo ni Adrian kasama ang boyfriend kong si Dom. Napaiwas na lamang ako ng tingin ng magtagpo ang paningin namin.
"Kyaaaaaaa! Kinikilig ako OMG! Tumingin dito si Adrian! Papunta sila dito! OMG!" kinikilig na sambit ni Kris. I rolled my eyes as I continue eating my lunch. Kahit kailan talaga patay na patay siya kay Adrian.
"Gaga! Malamang! Nandito si Cha eh!" binatukan Pat si Kris.
"Naku girl! Ang swerte mo talaga sa pinsan mo! Tignan mo? He's so gorgeous and hot and----OMG! OMG talaga! Why so lucky Cha?! Araw-araw mong nakikita si Adrian! How I wish na ako nalang ang pinsan niya haha!" biro ni Kris at isinubo ang kinakain niyang hotdog.
'Sana lucky nga ako gaya ng sinasabi mo pero hindi... I'm not lucky.' aniko sa isip ko.
"You're so stupid talaga, Kris! Hindi kayo magkakatuluyan if he's your cousin, no!" maarteng sabi ni Pat. Short for Patricia. Natahimik sila ng makalapit na ang grupo nila sa amin. Sabay-sabay ang paglunok ko ngunit hindi ko pinahalata.
"Babe," my boyfriend said as he kissed me at my cheek. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako, "Bakit hindi mo ako hinintay?"
Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako kay Adrian. Napalunok muli ako ng makitang ang talim ng tingin niya sa amin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"N-nagutom ako eh." Oh gosh! Charissa, umayos ka! Bakit nauutal ka?!
"It's okay. Kumain ka kung nagugutom ka. I hate skinny girl," aniya. Masama akong tumingin sa kanya.
"Kung ganu'n sinasabi mong mataba ako?" kunwaring naiinis na sabi ko. Natawa naman siya at kinurot ang pisngin ko.
"Yep!"
"Dom!"
"Your chubby cheeks makes me giggle," bulong niya sa akin. Namula naman ako sa sinabi niya, "Lalo na kapag namumula hahaha."I'm not fatty. May pagka-chubby lang ang cheeks ko kaya nagmumukha akong chubby. Napatingin kami kay Adrian ng peke siyang umubo.
"Dom, mali-late na tayo. Magta-time na," walang gana niyang sabi. Tumayo naman si Dom.
"Oo nga pala. We're going, babe. I love you." paalam ni Dom.
"Tara na rin, Kris. Bye, Cha! Alis na rin kami." paalam ni Pat. Tango lang ang isinagot ko. Sabay na umalis sina Dom kasama ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko naman kasi sila kaklase sa sunod sa subject. Napalunok ako ng maisip na kami lang ni Adrian ang naiwan.
"What are you waiting for, woman?" naiirita niyang tanong. Tumango naman ako sa kanya. Agad akong tumayo. Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko. Kinilabutan na lamang ako ng maramdaman ang hininga niyang tumatama sa tenga ko.
"Huwag kang makipaglandian kasama ang lalaki mo sa harap ko, Charissa. 'Cause I swear, hindi mo gugustuhin ang kaya kong gawin." pagbabanta niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, I'm going to explored anytime.
Lumayo siya sa akin at ngumisi bago tumalikod sa akin para umalis. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko habang pinapanood siyang mawala sa paningin ko.
Napayuko na lamang ako. Hindi ito ang pakikitungo niya sa akin. He doesn't care for me. In fact, he hates me. Ni hindi niya ako binibigyan ng attention. Not until I found him on my bed... Not until I found my cousin on my bed with me... Naked.
CHAPTER 1
Charissa Point of View.
"Dito pala ang kwarto mo." napatingin ako kay tita ng magsalita siya. Tahimik akong pinagmasdan ang silid. Last week, I woke up at the hospital because of car accident. Hindi ko alam kung paano nangyari. Ang alam ko lang ay kasama ko ang mga magulang ko ng mangyari ang aksidenteng iyon and I am the only one who survived.