Jewel's POV
Grabe bakit di ko man lang napansin sa katawan ko na buntis ako? Teka.. hala di pala talaga ako nagkameron last month so possible talaga na bunsti ako. Well, anyway sobrang saya ko na sa wakas nagbunga ang pagmamahalan naming ni bryle. Yun nga lang pag naiisip ko yung impaktang ex nun di ko padin mapigilang di mag alala na baka isang araw bigla na lang mawala lahat sakin.
Umalis muna si bryle dahil bibili daw siya ng pagkain naming. Ang arte kasi ayaw daw niya ng pagkain sa hospital. Nag iisa muna ako ngayon. Lalabas na din daw ako bukas pinaubos lang ata yung dextrose sakin >.<
Maya maya may pumasok.. Nakaputi na lalaki, malaking katawan pero bat ganun parang nakakatakot yung itsura kasi diba kadalasan sa mga nurse na lalake malilinig tignan eto kasi mukhang sanggano basta nakakatakot.
" Ah eh nurse anong gagawin mo ? " sabi ko kasi may ginagalaw siya sa may bandang pinagkakabitan ng dextrose
" Nurse sabi ko ano bang ginagawa mo?? " sumigaw na ako kasi natatakot na talaga ako.
" Ang ingay mong pesteng babae ka" sabay tusok niya sa may dextrose parang may nadaloy na masakit sa ugat ko pero nilabanan ko yun sinubukan kong sumigaw.
" tulllooonnnnng tulungan nyo ako" at tuluyan na akong nawalan ng malay pero bago yun ay may nadinig akong pumasok.
Bryle's POV
"Hon andi----"
" Sino ka? Anong ginawa mo sa asawa ko ? bakit dumudugo ang kamay niya?? " Agad kong pinindot yugn emergency button at agad naming pumunta yung at naalarma ito sa nakita niya.
" Nurse ang asawa ko please kayo muna bahala sa kanya "
" Y-yes sir "
Agad naman kaming nirespundihan ng mga guards at hindi nakatakas ang suspek.
" Anong kasalanan ng asawa ko sayo para gawan mo ng ganun? Hindi mo ba alam na buntis siya?? Anong intensyon mong hayop ka??? " galit na galit ako na halos mabasag na ang mukha ng lalakeng to.
" Wala" tipid na sagot ng lalake
" Hindi ka sasagot ? *Boggshhhh* BogggsssH * " Sinuntok ko ng paulit ulit ang lalaki. Pinipigilan na ako ng mga guard.
" Pag may nangyaring masama sa mag ina ko, papatayin kita at ang taong nagutos sayo tandaan mo yan "
Iniwan ko ito sa saglit sa guard ng bigla itong magsalita
" Si Madam Coleen ang nag utos sakin"
Parang gusto kong sumabog ng madinig ko ang mga sinabi niya. Halos hindi ako makagalaw. Bakit?? Bakit kailangan niyang gawin ito sakin at dinamay pa niya si jewel /
Maya maya pa na ring nag cellphone nito. Kinuha ko ito at ako ang sumagot.
" Nagawa mo ba ang inuutos ko sayo ?"
" Hayop ka coleen. Demonyo ka. Bakit mo to nagawa sakin at sa taong mahal na mahal ko?? Pagbabayaran mo tong hayop ka"
" Oh my dear husband namiss mo ba ako ?? "
" Hindi na kita asawa. Subukan mong pagtangkaan pa ang buhay ng mag iina ko at sisiguraduhin ko sayong sa kulungan ang bagsak mo o kaya naman tototohanin ko na patayin ka total matagal ka ng patay para sakin."
Sabay bato ko ng cellphone.
" At ikaw?? Makukulong ka sa bilangguan"
Agad akong tumakbo papunta kay jewel. Pag may nangyaring masama sa kanya hindi ko alam kung anong kaya kong gawin.
"Doc anong nangyare sa asawa ko ? Anong tinurok sa kanya ? " sobra akong nanginginig sa kaba at takot sa pwedeng mangyari sa mag ina ko.
" Iho to tell you the truth, your wife and baby is in danger. Tinurukan siya ng isang klase ng lason na in an hour pwedeng kumalat sa katawan niya"
Halos bumagsak ang mundo ko. Halos mapasabunot ako sa buhok ko. Bakit kailangang maranasan ito ni jewel. Wala siyang kinalaman dito.
"We need to conduct a series of observation. I will give you feedback tomorrow "
Pagkaalis ni Doctora ay tumabi ako kay jewel na noon ay nasa ICU. Critical ito. Hinahaplos ko ang tiyan nito.
Lord please gagawin ko po ang lahat iligtas nyo lamang po ang mag ina ko
Tuuuuuttttt Tttttttttuuuutttttt
"Nuuuuurrrsseeeeee Nurrsseee tulong ang asawa ko" napahagulhol na ako sa nangyayari. Nirerevive ang asawa ko. Paano ang baby namin.
Makatapos ang halos 30 minutes na pagrevive....
"The patient's heart beast is stable, all the vital signs is normal. It's a miracle" sabi ni Doctora na nakangiti sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Okay na ang asawa ko.
" Doc ang baby namin kamusta???"
" Iho your wife and your baby is in good condition. This is a miracle. Bihira lang ito mangyari iho napakaswerte mo"
Matapos yun ang inilipat na sa ibang kwarto si jewel. Inaantay na lamang na gumising ito at kailangan pang obserbahan ng ilang araw para malaman kung wala na talagang natitirang lason sa katawan nito.
" Honey ... Honeyyyy nasan ako ?"
" Honey asawa ko, nasa hospital padin tayo"
" Anong nangyari sakin? Bakit nang hihina ako?
" Honey saka ko na lang ikkwento ang mahalaga ay okay ka na at magpagaling ka na ha para makalabas na tayo ditto kasi miss na miss ka na ni ella. Di pa niya alam na ate na siya." Sabay halik sa noo nito
Thankyou lord sa panibagong buhay na pinagkaloob mo sa mag ina ko. Tunay na isa itong milagro. Hiling ko lang po na tigilan na ni coleen ang paninira niya sa amin.
********
Miracles do happen :)
BINABASA MO ANG
From NBSB to instant MOMMY (Completed)
RomanceNO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Never been kiss, Never been touch 100% Virgin ! Hanggang sa nagising na lang ako isang umaga na INSTANT MOMMY NA AKO ! Instant mommy at instant wife. Paano ako makakaalis sa sitwasyong kusa ko nading nagustuhan...