LoVe is LOVE(One Shot Story)

16 0 0
                                    

[A/N: sorry kung makaka encounter kayo ng typos at grammatical errors along the way]

"My life isn't perfect but I am thankful,dahil ibinigay sakin ni GOD ang lahat ng gusto ko"-Calvin

"What is love?"-tanong ni professor Gab,nagtaas ng kamay ang isa sa aking mga kamag-aral. Itunuro sya ni sir at agad din syang tumayo para sabihin ang kanyang sagot.

"Love,ito ay pagmamahal,pagmamahal na ibinigay satin ng Diyos, pagmamahal na merong limitasyon,pagmamahal na dapat sa babae at lalake lang  ibigay o ialay at hindi sa kapwa lalake o kapwa babae"-natulala ako dahil sa isinagot ni luke.

tumingin pa sya sakin kaya agad naman akong nagiwas ng tingin. Hindi ko alam kung tama ba ang sagot nya tungkol sa Love,Love,love na yan. Minsan ko na ring naranasan ang love na yan pero sa kabila ng pagmamahal, may mga taong ayaw? Hindi sang ayon? At parang nandidiri.

"Depende kung may pinatatamaan ka?"-mahiwagang tanong ni professor Gab sa kanya,napapikit sya bago hinarap ng maayos si sir. Nakatingin sa kanilang dalawa ang mga ka-klase ko. Itinuon ko ang pansin sa arm desk ng upuan ko habang hinihintay kung anong isasagot nya sa tanong ni prof.

"Unless kung may tinamaan? Diba Calvin?"-nagulat ako sa narinig,may galit ba sakin ang isang to? Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at tumingin ng deretso sa kanya at ngumiti ng pilit. Tinitigan nya ako at ngumiti,ngiting parang may hindi magandang ibig sabihin. Muli kong ibinalik ang tingin sa arm desk at nagpakawala ng buntong hininga.

Hindi ako tunay na lalake,hindi rin ako bakla,alam nyo naman siguro ang ibig sabihin ng BISEXUAL diba? Ako yun,isa kong bisexual, may masama ba kung isa akong bi?,siguro wala naman diba? Hindi ko ugaling itago ang mga bagay na alam kong totoo. Sabi nga nila, being true or real will set you free.

"Maraming pwedeng tanungin pero bakit si Calvin pa ang na mention mo?"-tanong na naman ni professor Gab. Para akong pagpapawisan ng butil butil dahil sa mga tanong ni prof at sagot ni Luke. Ako ba ang pinatatamaan nilang dalawa? Haist! Bakit ko ba iniisip to,tsaka bakit naman ako tatamaan diba?

"Bakit? Gusto mo bang ikaw ang imention ko?"-nanunuyang tanong ni Luke. Tinitigan ko sya na parang naghihintay ng sagot. Hindi kami close ni luke, lagi ko lang syang pinagmamasdan,ewan ko baka ganun din ang ginagawa nya sakin,parang kilalang kilala nya na ako.

"Anong gusto mong palabasin?"-tanong ni professor habang pinapaikot ikot ang felt tip pen sa dalawang daliri. Nanatili parin sa pagtayo si Luke.

"Wala? Nagtanong lang ako,may masama ba sa isinagot ko?"-nanunuyang sagot ni Luke. Napatikhim si profesaoe Gab at muling ibinalik ang attention saming lahat. Umupo na si Luke sa kanyang upuan at nag buntong hininga

"Okay! There's no other question? If no—,lets call it a day see you around"-pagkasabi ni professor Gab ay agad syang lumabas ng classroom. Nag kanya kanyang pulasan palabas nitong room ang mga classmate ko. Nanatiling nakaupo pa din ako sa kinauupuan. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tumayo ay para makabili ako sa canteen ng makakain ko.

Dumaan ako sa harapan ni Luke,ganun na lang ang gulat ko ng bigla nyang hawakan ang pagkalalake ko at agad din naman itong binitawan. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi nalang pinansin. Inisip kong baka nasagi lang at hindi nya sinasadya ang nangyari.

Half day lang dahil may meeting ang mga council nitong university, ganun din ang ibang mga teachers and professor. Pagkatapos kong magtungo sa canteen ay agad akong umuwi sa apartment ko. Malapit lang sa university na pinapasukan ko bilang isang estudyante.

Pagpasok ko ay agad kong isinabit ang bag at jacket na suot suot ko.  Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. Napasandal ako sa pader habang iniisip ang ginawa ni Luke sakin sa classroom. Bakla ba sya? Bakit nya naman gagawin yun? Napailing iling ako dahil sa iniisip.

LoVe is LOVE(One Shot Story) Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon