Nothing happens when you tell what you really feel because out of the hundred people around you, only few will care. And with those 'few', the 'one' you expect to care doesn't give a damn about you. It hurts to feel that way, especially from someone who you thought wouldn't destroy you, from someone who you thought would protect you. With that, I now understand why my teacher would always tell us life is so unfair.
Two years ago, there is this guy whom I fell in love, not because of first sight but because I knew him from the start. Siguro nga mas mabuti yung at first sight kasi kapag ganun, you can blame your stupidity and ignorance about the word 'love'. Grabe lang ha, the time I knew what I was feeling toward him, I already opened it up to him (right, was). He is a close friend of mine back then pero ngayon, I lost a contact of him. Nung piang-iisipan kong sabihin sa kanya, syempre nag-alangan pa ako nung una. Maybe scared of what might happen but sinabi ko pa rin sa kaniya, dun ko na-realize na ang tanga ko. Life is so unfair nga pala.
Natatawa nalang ako sa mga nangyari two years ago.....
"Lex, after mong ayusin gamit mo, meet tayo sa court. Hintayin mo ako, may sasabihin ako sayo eh." Sabi sa akin ni Gab. Pagkatapos nun, bumaba na siya.
Hindi ko alam pero sabi ng isip ko siguro ito na yung time na dapat kong sabihin na mahal ko na siya. It's weird, I know pero yun talaga. Inayos ko agad yung mga gamit ko sa bag at pinasok na yung mga libro na kailangan ko, minadali ko lahat 'yon. Bumaba na ako at dali-dali ng dumiretso sa court, nakita ko agad siya, naglalaro siya ng basketball kasama yung tropa niya. Ansaya-saya dahil feeling ko ang espesyal ko sa kaniya, feeling ko girlfriend niya ako. Yung bang naghihintay sa kanya para sabay kaming umuwi.
Nung natamaan niya ang tingin ko, agad siya nagpaalam sa tropa niya at lumapit sa akin, sasabihin ko na talaga yung nararamdaman ko.
"Uy, thank you ah, dumating ka. May sasabihin ako sa iyo." Sabi niya sa akin, ano yun? Sana 'wag muna bumilis ang takbo ng oras. Sobrang lapit niya sa akin and I can feel his breathing and I can hear my heartbeat, so loud."
"Ah, Gab may sasabihin pala ako sayo." Biglang buka ng bibig ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Ano na? Hala.!
"Sige mauna ka na," Biglang banggit niya sa akin, bakit parang nahihilo ako, I feel numb.
"Mahal na ata kasi kita eh. Sana nararamdaman mo rin iyon. Sana kaya mo ako pinapunta rito dahil mahal mo rin ako." Nahihilo na ako, parang nasa galaxy at ako, may mga swirls. Ewan ko. Nagising lang ako nung narinig ko yung tawa niya. Nagising ako dahil para akong sinampal at kinurot instead sa cheeks, sa puso at utak ako kinurot ng tawa niya.
"Seryoso ka? Pinapunta kita dahil may pabor ako sa iyo. Bakit anduming ng isip mo? At hindi naman ikaw yung type kong babae, hibang ka ba?" Yan ang mga salita na nagpatakbo sa akin palabas ng court, mga salitang parang baril, ayokong matamaan kaya't iniwasan ko.
Luha nalang ang aking nakuhang mailabas. Ang weird pero wala na akong maramdaman kung hindi ang kahihiyan.
"Ayoko na." Yan lamang ang salitang nabanggit ko.
Pagkatapos ng school year na iyon, nag-transfer agad ako ng school na pinapasukan, doon sa walang nakakakilala sa akin.
Then I was labeled as 'lonely girl'. Yung mga bullies? Ayan nagkalat, mapalalaki at mapababae. Si Emily, yung queen b sa school, siya binu-bully niya ako. Si Angelo, yung heartthrob at hari sa school binu-bully niya rin ako. Sayang nga name niya eh, Angelo stands for Angel pero demon naman pala siya. Ewan ko kung bakit trip ako ng mga tao sa bago kong school.Pero ayos lang iyon dahil I escaped from the shame I have done for myself. Okay lang, at least diba, hindi ko na makikita si Gab.