Maganda Ka Nga! (One-Shot)

803 34 14
                                    

"Pst!"

Hindi ko pinapansin yung demonyong sumisitsit sa'kin.

I mean, Demonyong Anghel pala.

"Pst!"

No pansin pa rin.

"Hoy! Ella!"

Sigaw niya ulit pero di pa rin ako tumingin sa kaniya.

Manigas ka diyan!

Alam ko namang mang-aasar lang yan e!

Bigla naman siyang tumahimik.

Haay. Buti naman. Nanggugulo e!

Nagpatuloy na ulit ako sa pagsusulat nangg biglang may bumato na lang sa'kin. Tinamaan ako sa ulo. Kahit hindi ko na tignan, alam ko na kung sino 'yon.

"Ano ba! Hindi ka ba talaga titigil na shokoy ka!?"

Sigaw ko. Buti na lang ,wala yung teacher namin. Nag-iwan lang siya ng activity na siyang ginagawa namin ngayon.Binato ko rin sa kaniya yung nalukot na scratch paper na pinambato niya sa'kin kanina.

"Ang gwapo ko namang Shokoy! Pahingi ng papel!"

Sagot niya sabay lahad ng kaniyang isang kamay.

"Papasok ka tapos wala kang papel?"

Inirapan ko siya

"Kaya nga humihingi 'di ba?"

Bastos talaga 'tong lalaking 'to! Siya na nga yung humihingi tapos may gana pang mambwisit!

Argh! Kung hindi lang kita crush DATI!

DATI nga lang ba?

Tss. Ang sama sama kasi ng ugali e! Sa four years na magkaklase kami, wala na siyang ginawa kundi asarin at guluhin ang buhay ko!

"E alangan na ako pa ang mag-abot sa'yo?"

Bakit 'di na lang kasi sa katabi manghingi.

Four chairs ang pagitan namin. Choice ko na rin 'to sa pag-aakalang hindi na niya ako magugulo pero nagkamali ako.

Tulad pa rin ng dati, magulo ang buhay ko araw-araw dahil sa lalaking 'to.

Tumayo siya saka pumunta sa harap ko.

"Akin na!"

Inilahad niya yung kamay niya.

"Oh ayan! Alis na! Nakakabwisit ka!"

Pagtataboy ko pa sa kaniya.

Bumalik na siya sa upuan niya.

'Tamo 'to!

"Ni wala man lang 'thank you'"

Bulong ko...na narinig niya yata.

"E di Thank You Ella! I love you! Okay na?"

With matching pa-cute pa ah. Trip na naman ako!

"I love you your face!"

Sigaw ko.

" Tama na nga yang PBB Teens! Mamula pa kami sa kagat ng langgam dito e!"

Kantiyaw naman ni Abby, classmate namin.

"Tse!"

Haay. Ipagpatuloy ko na nga lang 'to.

----------------------------------------------------------------------------------------- 

Naglalakad ako papuntang classroom ngayon.

Maaga pa naman e kaya normal walk lang, hindi yung nagmamadali na madalas na ginagawa ko kasi minsan nalelelate ako ng gising.

Maganda Ka Nga! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon