Adik Sa'yo

333K 2.9K 1.4K
                                    

"Adik!!!"

Awtomatiko akong napalingon sa likod pagkarinig ko sa sigaw na iyon. Siya na naman?! Kailan ba ako titigilan ng Padilla na yan?!! Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos walang oras na hindi niya ako bini-bwisit.

Baliw ba siya?! Ako adik?! Ni hindi pa nga ako nakakatikim ng yosi, nakahithit ng marijuana at nahigh sa droga. Anlakas ng loob niyang tawagin ako adik?! Hah!! Ang ganda ko namang adik.

Hindi na nakakatuwa to. Sinisira niya ang magandang image ko sa school. Okay na sana ehh, medyo natutuwa pa ako nung una. Ikaw ba naman tawagin ng CRUSH MO NOON ng adik, di ba kilig to the bones na yun? May endearment siya sa akin. ADIK nga lang.

Naalala ko pa yung first time niya akong tinawag na ganon..

Everyday kasi akong naglalakad papasok ng school, medyo malapit lang kasi ang bahay namin. At lagi ko siya nakakasabay, unang kita ko pa lang sa kanya na like-in-first-sight na ako kay DJ, ang angas niyang tingnan sa black leather jacket niya. His charming looks plus his killer smile.

Then one time, kasagsagan ng bagyong Ondoy, ako si tanga ay pumasok sa school. Di ko naman kassi alam na suspended pala ang klase kaya ayun pagdating ko sa school parang ghost town, wala katao-tao. As in ako lang, muntanga kong nagpaikot-ikot sa loob ng compound ng school. Wala, no choice ako kundi suungin uli ang napakataas na baha para umuwi.

"Uy adik. Tara sabay na tayo maglakad." Nagulat pa ako ng bigla siya maki-share sa dala kong payong.

"Ehh?!"

"Sabi ko sabay na tayong maglakad.." Sagot niya sa akin tapos ngumiti pa.

"Hindi-hindi may sinabi ka pang una.."

"Alin yung 'UY'?" Tanong ni Daniel

"Hindi yung sumunod dun.."

"Ahh yung 'ADIK' hehehe"

"Nyee!! Bakit naman adik?!" Tanong ko sa kanya

"Kasi ang adik mo ehh hahaha. Alam mo na ngang bumabagyo pumasok ka pa hahaha. And adik lang ehh.."

"Wow hah!! Akala mo siya hindi din ADIK. Ikaw din kaya. Kita mo naka-uniform ka din.."

"Hoy di noh!! Disguise ko lang to para bigyan ako ng baon ni Mommy, pang dota din yun hahaha.."

"Okay fine" =.=

"Kilala mo ba ako?!" Bigla niyang tanong sa akin.

"Oo, ikaw si Daniel John Padilla, 15 yrs old second year highschool. Pangatlo sa limang magkakapatid, birthdaymo nung April 26. Mahilig ka sa music, at extreme sport. Nakatira sa *toot-toot* village.." Sagot ko sa kanya

"Wow din hah!! Di naman siguro kita stalker?! Dami mong alam sakin hahaha, unfair naman siguro kong hindi ko alam pangalan mo?"

"Ahh hehe, syempre kapitbahay naming kayo.." sagot ko sa kanya. TAE!!! Feeling ko mukha na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko. Napasobra yata yung sinabi ko. Antanga-tanga mo talag Kath!!!

"Ohh talaga?! Magkapitbahay tayo?! Pero bakit hindi kita nakikita?!" tanong ni DJ sakin

"Ahh kasi, ano uhmmm mga dalawang kanto yung layo ng bahay naming sa inyo.." sagot ko sa kanya sabay kamot ng ulo

"Wahahaha nakakatawa ka talaga adik!! Hahaha TAE dalawang kanto pa pala yung layo, hahaha. Uy yung tinatanong ko di mo pa sinasagot hahaha.."

"Ahhh---- ano kasing tinatanong mo?!"

"Yung pangalan mo adik.."

"Kathryn Chandria Bernardo.." sagot ko sa kanya

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon