Guys ang chapter nato halos kay coleen lang :D pero basahin nyo padin ha. Muah
Jewel's POV
Hay. Finally nakauwi na din sa wakas. Grabe din yung pinagdaanan ko talaga. Buti na lang at nakalabas na ako ng hospital. Isang linggo na din ang nakalipas mula nung mangyari yun sakin. Isa talaga yun sa maituturing kong napakanakakatakot na naranasan ko. Pero buti na lang di ako pinabayaan ni lord.
Andito ako ngayon sa kwarto. Tanging ang apat na sulok ng kwarto na to ang kasama ko ngayong maghapon kasi pumasok si ella at si bryle.
Makabangon nga at sobrang sakit na ng likod ko kakahiga.
" Hoy ! tanda nasan ang amo mo ?"
" Ah-eh sino po ba kayo ? "
" Pake mo kung sino ako? "
"Ah-Eh hindi po ako pwede magbigay ng kahit anong impormasyon yun po ang bilin ni sir"
Pababa n asana ako ng madinig ko ito. Nasa may hagdan na ako at natanaw ko sila.
Siya pala si coleen. Maliit na babae, maganda din naman may dimples at maputi. Hmmm maputi din naman ako naarawan lang ng konti pero mas maganda ako hahah.
" So? Kahit na asawa niya ako di padin pwede? " Aba at talagang proud to be pa siya ha.
Nanlaki ang mata ni manang. Siguro ay ang alam niyang asawa talaga ni bryle ay ako kaya ng Makita niya ako na pababa ay nagulat ito.
" Manang sige na ho ako na ho bahala dito"
" S-sige po ma'am jewel"
"Wow ! So ikaw ang kabit ng asawa ko ????? Just a typical girl" nakapamewang niyang sabi sakin.
" Hindi ako kabit ni bryle. Matagal ka ng patay diba? "
" Patay man ako para sa kanya, handa akong ibalik ang pagmamahal sa meron siya sakin noon kaya humanda ka"
" Alam mo coleen kung ako sayo bumalik ka na lang sa hukay mo at wag mo na kaming guluhin pa dahil baka di ako makapag pigil sayo e makaladkad kita." Aba palaban din ako no
" Clap.Clap.Clap. malakas ang loob mo dahil nasayo si bryle pero oras na mabawi ko na sila, pupulutin ka sa kangkungan" sabay hawak niya sa braso ko. Mahina pa ako noon dahil kalalabas ko lang kagabi sa hospital.
" Bitiwan mo nga ako. Ano ba coleen" sobrang nasasaktan na talaga ako. Bumabaon yung kuko niya sa balat ko may sa aswang ata to eh
Maya maya ay dumating sina bryle at ella.
" Hon—"
" Coleen bitawan mo ang asawa ko" sabay tulak niya dahilan para matumba sa sahig si coleen.
" Sa susunod sa pumunta ka pa dito at saktan moa ng mahal ko, ipapakulong na kita coleen tandaan mo yan"
Sabay baling niya sakin na noon ay nakasandal sa pader habang iyak ng iyak si ella.
" Honey are you okay? Anong masakit sayo? "
" Wow !!!!! ang sweet ah. Sige lang galingan nyo lang dahil baka last nyo nay an. Tandaan nyo babawiin ko ang akin" sabay alis ni coleen
" Okay lang ako hon medyo nadugo lang ang braso ko bumaon ata kuko ng impaktang yun"
At agad naman niyang kinuha ang medicine kit para gamutin ang sugat ko. Pinahiga na din niya ako para daw makapahinga.
BINABASA MO ANG
From NBSB to instant MOMMY (Completed)
RomanceNO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Never been kiss, Never been touch 100% Virgin ! Hanggang sa nagising na lang ako isang umaga na INSTANT MOMMY NA AKO ! Instant mommy at instant wife. Paano ako makakaalis sa sitwasyong kusa ko nading nagustuhan...