Habang nasa sasakyan kami hindi ko pa din maiwasan na tignan ang babaeng ito...di ko akalain may igaganda pa pala siya hayss hindi kasi siya yung tipong pala ayos eh...
"Bakit? panget ba? pagtritripan mo nanaman ako noh?!" tila napansin niya ang sunod sunod na pagsulyap ko sa kanya.
"May igaganda ka pa pala..."
"Wow! sa lahat yata ng pangtritrip na narinig ko sayo yan ang pinakamaganda!"
"Di wag kang maniwala" sarkastikong sagot ko.
"Sungit talaga neto! hmm saan ba yung dadaluhan mo?"
"Sa palasyo ng mga Hamilton"
"Hala? hindi naman ako bagay doon! ibig sabihin mga hari at reyna saka mga prinsipe at prinsesa ang mga nandoon! bakit ba kasi isasama mo pa ko?!"
"Dapat nga magpasalamat ka nalang! alam ko naman na isang beses lang sa buong buhay mo ang pagkakataon na makadalo sa ganitong okasyon ang isang gaya mo...sabihin nalang natin isa itong pabuya dahil napapasaya mo ko"
"Napapasaya?"
"Oo, natutuwa kasi ako sa mukha mo nakakatawa! lalu na pag bwisit na bwisit ka"
"So talaga palang ligayang ligaya ka sa pantritrip saakin! napakasama mo talaga!"
"Magpasalamat ka na nga lang!"
"Anu naman ang gagawin ko dun? wala naman akong kakilala saka maligaw pa ko!"
"Gawin mo lahat ng gusto mo...sulitin mo! wag kang lalayo saakin wag din masyadong malapit ipapatawag nalang kita pagka may kailangan ako sayo"
"Dadaan muna ko sa palasyo para mag ayos tingin ko nauna ng pumunta doon ang mahal na reyna...hintayin mo nalang ako dito sa sasakyan" dagdag ko.
"Okay fine!"
Pagdating sa palasyo agad akong pumasok sa silid ko upang magbihis at mag ayos dumaan ako sa salid ni Kuya Jeremy...may malaking salamin doon napakahilig kasing manalamin ng kapatid ko naalala ko tuloy napaka tagal niyang mag ayos dahil hindi siya mapakali sa salamin napangiti tuloy ako....ibinaling ko ang tingin sa family portrait na si Kuya Jeremy mismo ang gumawa nung siya ay pitong taong gulang kahanga hanga ang talento niya...
"Gagawin ko to para sa palasyo...sa bansa at para kay Ama heto na yun eh alam mo ba na napakabigat ng responsibilidad na iniwan mo saakin? kung sakaling hindi ka na talaga babalik tandaan mo na habang buhay kong papasanin ang obligasyong iniwanan mo..." tila nababaliw na yata ko at nagagaw kong mag salitang mag isa...dala lang siguro ng kaba at kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Lumabas na ko ng silid niya at huminga ng malalim....heto na ang araw na opisyal akong mamamanhikan sa pamilya ng babaeng hindi ko naman mahal pero kailangan kong pakasalan para sa dangal ng aking nasasakupan.
SA PALASYO NG HAMILTON
"Oh san naman ako lulugar?" usisa ni Setong.
"Sumunod ka nalang muna saakin sasabihan nalang kita"
"Eh..."
"Wag ka ngang maraming tanung!"
"Good evening, this way my prince" salubong saakin ng mayordomo ng pamilya Hamilton.
"Thank you" at hinatid niya kamipatungo sa silid kung nasaan ang pagpupulong.
"Prince Franciz Anderson IV, kailan niyo naman sasabihin sa media ang relasyon niyo ng reyna?" usisa ng ama ni Aleonah
Natigilan ako ng marinig ang mga salitang yun...sino naman ang lalaking kasama ng aking Ina? hindi maganda ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Ficção AdolescenteNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...