SCOTTIE'S POINT OF VIEW
Bawat hakbang ko, kapantay non ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra na akong nag-aalala kay Mae.
"Mr. and Mrs. Thompson, I'm sorry. We do everything we can, but the patient already give up."
Namumuo na ang luha sa mata ko ng maalala ko iyon. Hindi ko na kakayanin kung pati si Mae mawala rin sakin.
Ala-una na ng umaga pero wala akong maramdamang pagod at antok. Halos paliparin ko na ang kotse sa sobrang pagmamadali. Dalawang oras akong bumyahe at alas-kwatro na ako nakarating sa hospital.
"Excuse me Nurse," tawag pansin ko sa nurse na naka duty. "May pasyente ba kayong Mae Thompson?"
"Yes sir." sagot nong nurse matapos tingnan ang patients lists.
"Saang room siya?" tanong ko.
Room 018 Sir," sagot nong nurse.
"Thank you, thank you." at agad kong hinanap ang Room 018.
Justin Lein Aguilar's POV
*FLASHBACK*
"Leaaaaa?" sigaw ko sa nakababata kong kapatid.
"What?" galit nitong sagot.
"Where's my book?" sigaw ko ulit.
"Which one ba?" sagot nito sabay irap.
Aba Aba!
"Yung librong nakapatong sa study table ko!"
"Iyon oh," turo niya sa librong nasa couch.
"Tsk! Pagnanghihiram kasi Lea, SI-NA-SA-ULI!" sigaw ko sa mukha niya.
"Ano ba! Nagliliparan yung laway mo sakin!" ganti nitong sigaw.
"Magkaharap na kayo't lahat lahat, nagsisigawan parin kayo?" napatingin kami kay Kuya na pababa ng hagdan.
"Yan kasi kuya e, ang hilig sumigaw," sumbong niya kay Kuya.
"Tsk! Arte mo kasi," bulong ko.
"Bubulong-bulong, rinig ko naman" then she rolled her eyes AGAIN.
"Enough! Para kayong mga bata," saway ni Kuya.
Sa kalagitnaan ng asaran namin ni Lea, biglang tumunog ang Telepono.
Kring...Kring...Kring
"Justin answer the call," utos ni Kuya.Agad kong sinagot ang tawag sa landline namin.
"Hello?"
"Can I talked to Justin?" tanong ng caller.
"Speaking," sagot ko.
"Bro this is Levis."