2hours vacant time, ang boring. Walang magawa, kaya naisip kong gumawa ng kalokohan sa Facebook.
"P're, magpo-post ako ng dare tapos i-mention mo si Yuna. Galingan mo ha!"
Utos ko kay Rico.
"Loko ka Enzo, sinong Yuna?"
"Tss, si Yuna Rain ba. 'Yung crush ko sa section 1."
Tumango naman ito.
Mabilis akong nag-type at pinost ito.
*posted a status*
"I dare you to mention someone, tapos may itatanong ako sa kanya, kapag hindi niya sinagot 'yung tanong ko ili-libre niya ako ng ticket sa concert ng December Avenue."
*Rico Reyes and 6 others commented on your post*
Shet, ayan na nga! Naka-mention na si Yuna at dali-dali ko itong minessage.
・・・
Me: You are mentioned, eto ang tanong na dapat mong sagutin. Sinong crush mo dito sa school?
Yuna: *Typing*
Kinakabahan pa rin ako sa kaniya. Bahala na kung masaktan, gusto ko lang malaman kung sinong crush niya.
Me: Oy ang tagal mag-reply, hays!
Yuna: Wait lang kase, tiningnan ko pa 'yung choices mo.
LuuUuuuUuuh! Pers taym mag-reply!
Me: So, ano na? Sinong crush mo?
Yuna: Libre nalang kita ticket, bukas na 'yung concert 'di ba? Punta ka.
Me: Pinapahirapan mo lang sarili mo, sagutin mo nalaaaang. Sino crush mo?
Yuna: Ticket ang napili ko, 'wag kang makulit d'yan.
Okay sana kung kasama siya, kaso hindi. Paano ba malaman kung sinong crush nito? Tss.
・・・
Friday ngayon, naka-P.E kami kaya pwedeng gumala after ng class. Afternoon session kaya 7pm ang uwi, saktong magsisimula ng 7:30 ang concert kaya aabot ako.
"Hoy, Enzo?"
W-wait, si Yuna ba 'yun? Tanong ko sa sarili ko. Lumapit ako ng konti sa corridor kung nasaan 'yung babaeng tumawag sa'kin. Siya nga, hindi ako nakapag-salita. Nahihiya ako.
"Ano, tara na?"
"H-ha? Kasama ka?"
"Malamang, ako magbabayad ng ticket mo tapos wala ako? Duh. Syempre kasama ako."
Sumunod na lamang ako, bakit walang ibang kasama? Parang date 'to. Granted na 'yung wish ko kahit hindi pa pasko.
Nasa bandang gilid kami, maingay. Nagsisimula na.
"Bakit ticket 'yung pinili mo? Kung sinabi mo nalang kung sinong crush mo, edi sana hindi kana gumastos ng ticket ko."
Tanong ko sa kaniya, maingay man ay rinig pa rin naman.
"Kung sinabi ko 'yung crush ko, edi hindi sana kita kasama ngayon."
Tumigil siya sa pagtalon ng sabihin niya iyon.
"H-ha? What do you mean?"
"I grab the opportunity to be with you, Enzo."
Maingay ang paligid, pero parang nag-mute ang lahat at tinig niya lang ang naririnig ko.
"Dare lang 'yun, gusto ko lang talaga malaman kung sinong crush mo, para manahimik na kaluluwa ko."
Suminghap siya sabay harap sa akin, na para bang senaryo sa teleserye.
"Alam mo bang napa-talon ako nung na-mention ako ni Rico sa post mo? Pinag-isipan ko pa 'yung gagawin ko, gusto ko nang umamin nun. Kaso naisip ko, mas masaya siguro kung sa harap mo mismo. Matapang ako eh."
"So, sinadya mong i-libre nalang ako ng ticket kesa sabihin kung sinong crush mo?"
Patawa kong tinanong iyon para hindi halatang kinikilig ako, dahil ka-harap ko siya.
"Oo, para kasama kita."
Malamig man ang paligid ay pinagpawisan ako sa sinabi niya na,
"Kung tatanungin mo kung sinong crush ko, siya 'yung kasama ko ngayon. 'Yung nag-dare sa'kin.
Magbigay sana Kayo ng komento kung may napansin Kayo nga ka watt pad kung may kailangan I improve heheh
YOU ARE READING
"Dare"
Short Story"Dare" Tungkol ito sa isang lalaki na Hindi kayang sabihin ang kaniyang nararamdaman sa isang babae kaya't gumawa ng paraan ang kaibigan niya upang masabi na ng lalaki ang tunay na nararamdaman nito.