Chapter 26: Mad at Me

0 0 0
                                    

Nang makarating kami napag alaman naming isa pala sa mga kaklase ko ang may ari ng bar na ito kaya hindi kami nahirapang papasukin sa loob kahit under age ang karamihan sa amin. We went straight to the VIP room and it was really cool because everything inside of the room was different from the bar that i've ever seen in some movies. Sa labas palang alam ko ng magara ang bar na to. There are many people dancing with a loud remix songs. Smell of mixed alcohol, smokes and different kind of perfumes. They are like prisoners na akala mong nakawala sa kulungan kung mag saya and I was like wow! I want to feel what they feel right now because they are just having some fun. No problems, just fun.

Some of my classmates here in the room are already drinking and some of them are dancing and singing because of the sound from the flatscreen on the wall and I think it's like a videoke.

Napatingin naman ako kay cath nang tumabi sya sa akin and she handed me a bottle of beer.

"Akala ko ba magsasaya tayo kaya nandito tayo ngayon eh bakit andito ka sa sulok na nakaupo lang? Why don't you join us there?" She asked but I was still focus infront.

"I don't know either...hayyyy. I want to feel happiness but I don't know where I could find it. Feeling ko hindi ko narin kilala ang sarili ko maybe because hindi ko talaga kilala sarili ko. So I want to find myself." After that I face her and face on the glasswall where I could see all the people na nagkakasiyahan sa baba.

"Do you want to come with me?" I ask her and her brows form like she's asking me where, so I pointed my finger on the outside of the glasswall.

"Baliw ka ba? hindi natin kilala yang mga nasa baba mamaya may mangyare pa sa atin na masama o kaya mabastos tayo dun lalo na underage tayo wala tayong karanasan sa mga ganyan steph buti sana kung lagi tayong nag ba-bar."

"Sabihin mo nga sa akin lahat ba sila dyan sa baba magkakakilala?" Umiling naman sya sa tanong ko kaya napabuntong hininga naman ako.

"Ikaw narin sumagot sa sinabi mo na hindi natin sila kilala so ganun din sila pero kita mo wala namang nangyayare na masama. Promise hindi tayo gagawa ng kalokohan saglit lang naman eh."

"Hayst hindi talaga ako maka hindi sayo pero pag may nangyare talaga mamaya sinasabi ko sayo...naku...kukurutin talaga kita." Natawa naman ako sa kanya kaya hinila ko na sya agad palabas ng VIP room at dumeretcho sa baba sa dance floor.

Nakihalo kami sa mga nagsasayawan at hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko. Feeling ko parang ganun narin ako sa kanila na akala mong nakawala sa kulungan kung magsaya. Sumayaw kami ni cath at sumunod sa music na sobrang nakakabuhay sa pakiramdam. Lahat ay nagsasaya at karamihan ay humihiyaw na rin dahil sa tuwa na may halong kalasingan.

Magkaharap kami ni cath na nagsasayaw nang may maramdaman akong lalaki na lumapit sa amin or should I say sa akin sa may bandang left side ko. Hinayaan ko lang kasi alam kong crowded kaya nagkakasiksikan na pero pansin ko na may mali na kasi palapit na ng palapit ang muka nya sa batok ko. Tumingin naman ako kay cath at parang wala syang napapansin kasi halata sa kanya na nag eenjoy sya sa pagsayaw. Naaamoy ko na ang hininga nung lalaking nasa likod ko na pinaghalong alak at sigarilyo.

Bahagya akong lumayo pero lapit parin ng lapit sa akin yung lalake kaya humarap ako sa kanya at tinulak sya. Nagtaasan naman lahat ng balahibo ko ng ngumisi sya. Hinila ko na si cath na may halong pagtataka sa muka nya at iniwan yung lalake pero nakakailang hakbang palang kami ng hilain ng lalaki yung kamay ko pabalik at hinawakan ako sa bewang ng mahigpit.

"Aghh! Bitawan mo nga ako manyak ka!" Pilit ko syang tinutulak at pinapalo pero mas malakas sya sa akin

"Hoy bitiwan mo yang kaibigan ko bastos ka!" Sigaw ni cath

"Saglit lang miss hihiramin ko muna tong kaibigan mo." Saad nung lalake na tantya ko na college student sya.

"Miss wag ka nang pakipot alam ko namang kaya ka nagpupunta ng bar eh para makahanap ng lalake kaya wag kang magalala akong bahala sayo." Saad pa nya na mahahalata mong may pagnanasa sa akin at mas kinagulat ko ng hawakan nya ang pangupo ko kaya nasampal ko sya ng pagkalakas lakas kaya nabitawan nya ako.

"Stay away from me you f*cking maniac!" Ubod lakas kong sigaw kaya napapatingin na sa amin ang ibang tao pero yung iba ay tuloy parin sa kanya kanya nilang ginagawa.

Hinila ko ulit si cath para makaalis na ako pero sadyang malas talaga ata ko ng hablutin nya ang buhok ko at bigla nya akong sinampal ng pagkalakas lakas kaya napasadsad ako sa semento. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko kung takot ba o sakit. Sobrang sakit ng ulo ko at ng pisngi ko sa pagkakasampal nya. Nalalasahan ko narin ang dugong nasa gilid ng labi ko.

"Oh my gosh! Steph! Layuan mo ang kaibigan ko manyak ka! Idedemanda ka namin hay*p ka!" Rinig kong sigaw ni cath pero parang wala akong lakas na makatayo kaya nakaupo parin ako sa sahig habang hawak ang pisngi kong nasaktan. Napatayo ako bigla ng may humablot sa akin ng pagkalakas lakas at hinawakan ang pisngi ko ng mahigpit. Sobra akong nasasaktan sa ginagawa ng lalakeng to at hindi ako makawala kahit na tinutulak sya ni cath ay kulang parin.

Sobrang naiiyak na ako at itutulak ko na sana sya nang makita ko yung lalaki na nakahandusay na sa sahig at putok ang labi. Napatingin ako sa lalaking sumuntok dito at laking gulat ko ng makitang si Marcus yun. Sobra akong natakot dahil sa tingin  nyang galit na galit.

"Sino ka ba sa inaakala mo para suntukin ako ha! Hindi mo ba ako kilala?! Wag kang makealam dito aayain ko lang naman yang babae na yan kaso napakaarte akala mo kagandahan." Nagsisisigaw na yung lalake kaya lahat ng tingin ng tao sa loob ay sa amin na naka tutok.

"I don't f*cking care who you are. Ang problema ay wala kang karapatang mambastos ng babae. Kung gusto mo ng babae hindi ka dapat dito sa bar nagpunta dapat dun ka sa pok pokan g*go!" Marcus shouted at aambahan sana nung lalake ng suntok si marc pero nakaiwas sya at sinuntok ulit ni marc yung lalake ng paulit ulit kahit nakahandusay na sa sahig at wala nang malay dahil narin sa kalasingan. Inawat naman sya ni Aj at ng ibang taong nandoon. May dalawa namang bouncer na dumating at binuhat yung lalake na nakahandusay na sa sahig at hinatid na sa labas ng bar.

Lumapit naman sa akin sila aj at cath. Napayakap ako kay cath habang umiiyak dahil sa sobrang takot ko. Akala ko hindi na ako maliligtas akala ko may mangyayare na sa akin na masama. Eto ba talaga ang mangyayare sa mga hindi nakikinig? Ang tigas kasi talaga ng ulo ko kaya lagi akong napapahamak eh.

Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba si marcus o hindi kasi baka itaboy lang nya ako at magalit nanaman sa akin. Pero lumapit parin ako para magpasalamat sa pagligtas nanaman sa akin at para humingi ng tawad. Hinawakan ko sya sa braso pero sobra akong nasaktan ng tinabig nya ang kamay ko at galit na galit na humarap sa akin.

"Eto ba?! Eto ba ang gusto mo ha! Pinagsabihan ka na kanina na wag kang lalayo at baka kung anong mangyare. kita mo yang napala mo dahil dyan sa katigasan ng ulo mo!" Natakot ako ng sobra, ngayon ko lang sya nakita ng ganyan kaya hindi ko alam kung paano pa nya ako mapapatawad at makakausap.

"I-i'm s-sorry hindi ko n-naman ginusto na mangyare sakin to." Sabi ko habang umiiyak. Nakatingin ako ng deretcho sa mga mata nya at hindi parin nawawala ang galit nya at mukang lumala pa.

"Hindi ginusto? Talaga? Eh bakit ka nandito sa baba! Kung nakikinig ka hindi mangyayare to. Ano bang nangyayare sayo?! grow up steph hindi ka na bata. Ang hirap sayo sarili mo lang lagi ang iniisip mo!" My heart broke into pieces when I hear those words. Ang hirap at sobrang sakit palang marinig mismo sa taong mahal mo yung mga salita hindi mo inakalang masasabi nila sayo. Akala ko hindi aabot sa ganito pero nagkamali ako.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon