Kabanata 6
Mayabang
Tumakbo ako papunta sa maid's quarter at agad na umakyat sa kuwarto ko. Hindi ko akalaing ganito ang kahihinatnan nang pagtulong ko kay Nanay Lita. Kung alam ko lang sana hindi na ako nagpumilit pa.
Narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto. Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas na ito at iniluwa si Queen.
Agad akong napabangon sa kama.
Ngumisi siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Rinig ko ang pinag-usapan ninyo." may bahid nang panunuksong sabi niya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Queen."
Humalakhak siya.
"Sabi ko na nga ba. Akala mo hindi ko alam na galing ka sa kuwarto ni Sir David nung oras na inutusan ka ni Nanay Lita na ilagay yung ibang mga pagkain sa ref ni Sir David?"
Napanguso na lang ako.
"Gusto mo siya?"
Hindi ako tumugon.
"Huwag kang mag-alala. Kagaya mo lang din ako. Pero kahit ganito ang nakikita ko kay Sir hindi pa rin ako nagtitiwala sa kaniya."
Humiga ako at tumitig na lang sa kisame. Pilit na ipinapasok sa utak ko ang sinasabi niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin ni David sa sala.
"Sir David is a notorious playboy. Madami na siyang dinala ditong babae. Hindi kita sinisiraan ha. Crush ko siya. Humahanga lang ako sa itsura't kakisigan niya. Ngunit hanggang doon lang iyon."
"Bakit mo ba ito sinasabi sa akin?"
"Pinapaalalahanan lang kita. At talaga namang sa sala niyo pa naisipang mag-usap. Mabuti na lang at wala si Sir Kyton at Madam Rhiana."
Pinakatitigan niya ako. Base sa boses niya ay parang nag-aalala siya.
Alam ko naman ang ginagawa ko. Yun nga lang hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng mga ginagawa ko.
"Hindi ko nga akalain na magki-click si Sir Kyton at Ma'am Pilain. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yong fixed marriage sila?"
Agad na nakuha nang atensiyon ko ang sinabi niya.
Talaga? Bakit parang hindi naman. It's just seems that they love each other.
Tumango siya "At si Sir David na ang susunod na ipapakasal nila. Pagka-graduate na pagka-graduate nilang dalawa ni Sir Kenjik ng college ay ipagkakasundo na sila sa mga anak mayamang mga babae na kilalang-kilala sa industriya." ngumiti siya nang tipid "Kaya kung may gusto ka man sa kaniya. Pigilan mo. Dahil sa huli, paniguradong hindi kayo."
Ngumiti ako nang mapait. Alam ko naman iyon. Makipagkaibigan nga sa amo mo ang sama na tingnan. Ang makipag-relasyon pa kaya?
Ang kakalabasan lang, pera niya ang habol mo sa kaniya.
Kaya kung ano man ang nararamdaman ko. Kailangan ko itong pigilan. Dahil sa huli, paniguradong ako lang ang masasaktan.
"Hindi ko siya gusto, Queen." i assured. Kahit na ang sakit nang pagpintig ng puso ko nang sabihin ko iyon sa kaniya.
Kung mahuhulog man ako sa kaniya. Hahayaan ko iyon. Dahil sabi nga nila 'You can't stop your heart loving someone.' Dahil ang pinaka mahirap na kalaban ay ang puso. Because our heart is a devil one. Traydor at mapanakit.
"Kristine, hija. Pakilinisan yung isang guest room pagka-alis nina Pilain at Kyton ha?"
Mamaya na kasi ang alis nila pabalik sa ibang bansa. Hindi na nila dito ipagdiriwang ang bagong taon.
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...