Hinahanap ang sarili
Sa mapanghusgang marami
Walang gustong umintindi
Sa depresyong tumitindiSarili'y kinulong
Sa matang mga naka bantay
Mga bibig na bulong ng bulong
Tsismis sa lipunan bakit di mamatayKamatayan daw ang solusyon
Sa repleksyon ng depresyon
Walang nagbigay atensyon
Itinakda sa sarili ang limitasyonMay mga hindi bumitiw
Ngunit nawala sa sarili't nabaliw
Depresyon ginawang pang aliw
Tila mga gagambang walang agiwMerong mga nakaahon
Sa depresyon ng malalim na balon
Malalakas ang loob, para magpatuloy sa panahon
Tinalo ang depresyon na minsan naghamon-1/30/18-
-John Christian S. Paz