Kumusta na, Batchmates?

15 1 1
                                    

MRHS Batch ’82, welcome sa lahat ng dumalo

Salamat at tayo’y muling nagpanagpo;

dalawampu’t siyam na taon ang tumakbo

ano na’ng nangyari sa aki’t sa iyo?

Maraming nagbago sa ating hitsura

sukat ng katawan, tangkad at pigura;

kayraming payat ang nangagsitabaan

ilan ding matataba ang nagpayatan.

Yaong dati’y mga maliliit lamang

ngayo’y ilang pulgada, kanilang lamang;

di ko akalaing sila’y magkaganyan

ilang star margarine ang nilantakan?

Buhok nating kulot, rebonded na ngayon

Tambak na uban, kinulayan ng salon;

Gusot na mukha at maraming peleges,

sa salon kayang-kaya, wala nang talkies.

Sa dumaraming myembro ng ARABU(HOK)

maraming solusyon, so don’t have a sad look;

andyan ang  aloe vera, wig at hair implant

at ang bullcap kung di  na ubra ang lahat!

Mabuti na lang at tayo’y nasa era

ng mga makabagong teknolohiya;

kung saan, halos lahat ay may paraan

salamat kay Doc at sa magic of science!

Napansin nyo rin ba tayo’y matanda na?

marami  sa atin ang lolo’t lola na;

may mga apo nang inaalagaan

nagbibigay  sa atin ng kasiyahan.

Meron pa rin sa ating mga iilan

status na single pinangatawanan!

at marami pa ring matibay ang marriage

nguni’t  iba’y nais, may ka-double naman!

Marami na rin diyan  ang balik single

mag-isang binubuhay kanilang angel;

Meron namang  iba  na di maiwasan

status complicated, puno ng kaguluhan!

Wala pa bang masakit sa inyong body?

nirarayumang ugat nanggagalaiti;

nanginginig na rin pasmado mong kamay

gulay na munggo iyo na ring kaaway.

Gaano na kataas ang iyong presyon?

Iwasan mga bagay na nakakatensyon;

kinakapos na ba ang iyong hininga?

pintig ng iyong pulso, mahina na ba?

musta na ang cholesterol at blood sugar?

dapat  na tayong  mag-diet at exercise;

hindi  na rin pwede tayo’y  mag-extra rice

bawal na rin sobrang yosi at San Mig lights!

Siguradong lahat tayo ay eksayted

sa pagdalo sa  pagtitipon na ito;

Muli nating makakasalamuha

dati nating kaklase, friendship at crush pa!

Lalo syang gumanda, tumaba nang konti

Gumwapo siya, tumangkad, noo’y lumapad!

Kakabakaba ka ba? , lalapit ka ba?

Papansinin ka kaya ng dating jowa?

Magkahalong kilig, may nerbyos  at saya

after long 29 years, we are face to face

to each other na talaga namang namiss

so do not waste the time, mingle with everyone!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kumusta na, Batchmates?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon