Mahal na pala kita (One Shot)

3.3K 89 34
                                    

Mahal na pala kita (One Shot)

written by iambarbrajoan               

                                                                                                                                    

Aeigna Meraldez----- isang kapatid lang ang turing sa kanya ng kanyang lihim na minamahal na Bestfriend. Dahil sa simula’t sapul, kaibigan lang talaga ang turing ng kanyang mahal sa kanya. At wala ng mas hihigit pa ‘dun. Saklap ‘no?

‘Dear Diary,

                Ako nga pala si Aeighna Jeleen Meraldez, pronounce as ‘Eyna Jilin Meraldez’.  Aina na lang for short<3 Alam mo bang tinanong ako ng crush ko kung pwede daw ba kaming maging mag bestfriend? Ayiieee ‘diba? Kasi daw ang funny at may humor daw akong kausap (Echos!) kaya sagot ko naman, ‘’Pwedeng pwede! Ikaw pa?’’. Kaya hanggang ngayon, 3 years na kaming mag BFF ni crush. Dati gusto lang ang nararamdaman ‘ko sa kanya. Hanggang nagising na lang ako na mahal ko na pala siya. Kaso manhid siya. Oo inaamin ‘ko na lahat ata ng pagpapapansin ay ginawa ‘ko na sa kanya para lang magustuhan niya ako higit pa sa isang kaibigan pero na chance. Dahil hanggang ‘dun na lang ata ang kaya niyang maituring sa akin. Hanggang bestfriend lang talaga. Diary, gusto mo bang malaman name niya? Siya lang naman si Phoenix Army de La Garza. Phoenix ang tawag sa kanya sa school, pero ‘Pony’ naman ang tawag ko sa kanya. Ang cute diba? Tas tawag niya lang saken, Aina. =(  Diary bukas na lang ako ulit magkwekwento okay? Good night! Sweet Dreams~

 

                                                                                                                                        Hopeless Romantic,

Aeigna ‘’Aina’’ Meraldez </3’

 

 

***Morning =^o^=

*Alarm clock rings*  

*yawn*

‘’Hmmm.. pesteng alarm clock.’’ Mahina kong bulong habang  kinakapa sa bed side table ko ang pampagulo at pampasira ng araw na alarm clock na ‘yan.  Gosh, ang sakii sa tenga at tiyak na magigising ka. Mapapatayo ka pa ng wala sa oras. Ganda ganda ng panaginip ko eh! Aish. Panira ng moment, nagtatapat na sa akin si Pony ehhh!

Tumayo na ako sa kama at inayos ang kama ko and then ginawa ko na ang aking ‘’Morning Rituals’’ XD

Bumaba na ako patungong dining area at nadatnan ko doon ang kuya kong matakaw. Oo, matakaw. Biruin niyo ba naman, nakaka tatlong pinggan tuwing kakain at hindi pa kasali ang lunch at dinner pati merienda dun ah! Napaka glutton talaga, psh.

‘’Asan si Mayms?’’ Mayms ang tawag ko sa Mama ko at ni kuya. Nakasanayan na naming na ‘Mayms’ ang itawag sa kanya.

‘’May pinuntahan baket?’’ sabi niya habang may laman pa ng pagkain ang matakaw niyang bibig. Wala nga atang ke manners manners ang kuya kong ‘to eh. Napaka-bastos, nagsasalita habang may laman ang bibig. Yikes =___=

Mahal na pala kita (One Shot)Where stories live. Discover now